Chapter 44

6.2K 175 75
                                    

Chapter 43

Shamyka's POV:

Limang araw na simula nung mangyari ang lahat.
Lumabas na si Steven sa hospital dahil ito ang request niya.

Okay naman daw ang pakiramdam niya kaya sa bahay na lamang siya magpapahinga.

Kung pag-uusapan natin si Tyler, nasa kulungan na ito at pinagbabayaran ang ginawa nitong kasalanan.

And yeah, wala akong balak na dalawin siya do'n, dahil wala na akong oras para kausapin pa ang binata.

He deserve it!
Dapat nga, mabulok siya do'n.

"Shamyka, tinawagan ko pala yung designer na kakilala ko. Mamaya, pupunta siya dito para sukatan kayo ni Steven ng isusuot niyo sa kasal.", saad ni tito sa amin nang pumasok ito sa kwarto.

Andito kasi ako ngayon sa mismong room ni Steven at inaalalayan siya.

Kagaya ng sinabi ko kanina, dito na nagpapahinga ang lalaki hanggang sa maka-recover siya at bumalik sa dati ang lagay niya.

"Yes po, tito. Salamat ho.", nakangiting tugon ko.

Napagdesisyunan namin kasi na dito na lang magpasukat para hindi na mahirapan si Steven.

Buti na lang, at todo asikaso pa rin sa amin ang dad niya kahit na busy ito sa pagbibisita kay Tyler.

Hindi niya man sabihin sa amin, alam kong nasasaktan siya dahil anak niya pa rin 'yon.

"Pakisabi na lang din sa mom mo na sila na ang bahala sa simbahan. So that, as soon as possible, makasal na kayo.", wika niya ulit.

"Opo, tatawagan ko sila mamaya.", tugon ko muli.

Tumalikod na siya at iniwan na kami ni Steven.

Naramdaman ko naman ang pagpisil ng binata sa aking palad dahilan para lingunin ko siya.

"Bakit?", turan ko sa kanya.

"Wala. Hindi lang kasi ako makapaniwala na tayo din pala ang ikakasal. And I'm really happy. Dahil sa wakas, magiging asawa na kita.", malambing na sabi nito.

"Kaya magpagaling ka na. Baka sa sunod na araw, kasal na natin, tapos hindi pa maganda ang kalusugan mo.", I said.

"Para sayo at sa kasal natin, magpapagaling agad ako. Mahirap na, baka may umeksena pa.", bigkas niya na may kasamang tawa.

"Sino naman ang eeksena? Nasa kulungan na si Tyler, remember?", balik na sambit ko.

Alam ko kasi na ito ang tinutukoy niya.

"Naniniguro lang ako, Shamyka. We both know that Tyler have a lots of connection. At hindi na ako magtataka kung mismong si Dad ang magpapalabas sa kanya.", wika niya na animo'y sure na sure siya.

Sabagay, eto rin ang iniisip ko.

This past few days, lagi na lang wala si tito sa mancion.
At sinabi niya na medyo busy siya sa ibang bagay.

"Sa tingin ko naman, imposible na maging hadlang si Tyler. At kung babalik man siya, tiyak kasal na tayo no'n.", tanging saad ko para hindi na ito mangamba.

"Sana nga. Dahil hindi ko kaya na makita na saktan ka ulit niya.", pagturan ni Steven.

"Don't worry, hindi ko na hahayaan pa na may mangyari na masama sa akin. Because from now, I will stay on your side.", sweet kong bigkas at dinampian siya ng halik sa noo.

Maya-maya, dumating na ang designer.
Marami s'yang dala na mga wedding dress para sukatin ko.
At si Steven ang s'yang pinadesisyon ko kung ano ang magandang isuot.

"What do you think, bagay ba?", tanong ko rito nang lumabas ako galing banyo.

Suot ko ang simpleng gown habang ang buhok ko ay na-pony tail.

Binaba naman ng binata ang magazine na hawak niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Actually, pang-anim ko na 'tong try, at wala pa ring napipili ang lalaki.

"Wow! I love it, Shamyka. You look so perfect while wearing that.", pagpupuring sabi nito.

"Talaga? Pero bakit 'to ang nagustuhan mo?", curious kong sambit.

"Dahil mas bagay sayo ang simple. Yung nasuot mo kasi kanina, alam kong mahihirapan ka sa paglalakad no'n.", mabilis na tugon niya.

Well, may point siya.

Hindi nga ako makakilos ng maayos dahil masyadong mahaba ang ibang wedding gown.

"Then thank you, kahit sa kasal natin, ramdam ko ang concern mo ha?", ngiting wika ko at nag-flying kiss pa.

Nasa tamang tao na talaga ako napunta.
And gosh! I feel so lucky.

Sana talaga matuloy ang kasal namin.
Dahil pareho naming deserve ang maging masaya.
___

Matapos kong magsukat, si Steven na rin ang nagsukat ng kanyang isusuot.
At dahil lalaki siya, kahit anong damit pa 'yan, bagay na bagay sa binata.

Sa madaling salita, halos sampung minuto lang ang tinagal sa paghahanap ng masusuot niya.

So after that, we talk about our future.

And one thing I know, nagiging masaya na rin ako sa taong 'to.

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon