Chapter 52
Tyler's POV:
"Sa susunod, 'wag kang pumatol sa mga lasing. At please lang ha, umiwas ka naman sa gulo.", panenermon ni Shamyka habang ginagamot ang sugat na natamo ko kanina.
Pero kahit anong sermon ang sabihin niya, hindi na ako naaapektuhan pa.
Sa halip, mas kinikilig ako sa inaakto ng dalaga.I can see on her eyes, how worry she is.
Siguro dahil sa mga suntok na nangyari sa mukha ko."Bakit ka ba ngumingiti dyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?", asar na tanong niya.
"Masaya lang ako, Shamyka, dahil nandito ka na sa tabi ko. Ibang lungkot kasi ang naranasan ko no'n, nung nasa kulungan ako. Pero dahil kasama na kita, hindi ko maiwasan na mapangiti kapag nasisilayan ko ang kagandahan mo.", pagtuturan ko sa dalaga.
Panandalian s'yang natigilan pero agad din na bumalik sa dati ang reaksyon niya.
"Tsk. Hindi mo ako madadala sa ganyan. Iniiba mo lang ang usapan para hindi kita pagalitan.", ngusong bigkas nito.
She's really cute.
Kahit anong awra ng labi n'ya, bagay na bagay pa rin.
Natatawa tuloy ako, dahil para s'yang bata sa inaakto niya."Pinagtatawanan mo ba ako?", mataray nitong sambit.
Umiling lang ako bilang tugon.
Dahil kapag umamin ako, mas magagalit ito sa akin.Kaso nga lang, bigla akong napahiyaw nang idiin nito ang bulak na hawak n'ya sa sugat ko.
"Shit Shamyka. Mahapdi.", pag-aaray kong saad.
"Talagang mahahapdian ka. Kaya subukan mo pang tumawa ulit, at sisiguraduhin ko na mamimilipit ka sa sakit!", bulyaw nito bilang pananakot.
Narinig ko ang hagikhik ni Ale na animo'y, pinipigilan ang kilig sa aming dalawa.
"Para pala kayong aso't pusa kapag nagkakaayos. Pero infairness, bagay na bagay talaga kayo.", komplimento niya at kinuha ang basket na tila pupunta muli siya ng palengke.
"Kung aalis kayo Ale, pwede po bang sumama?", bigkas ni Shamyka.
"Huh? Oo naman, pero pa'no ang nobyo mo? Hindi mo pa siya tapos gamutin ha?", turan ng matanda sa dalaga.
"Hay naku! Bahala po siya sa buhay niya. Malaki na 'yan at kaya niya ng gamutin ang sarili.", inis na saad nito.
Nilagay niya ang gamot sa maliit na mesa at tumayo na ito na animo'y gusto talagang sumama.
"Oh siya sige, kukunin ko lang ang payong dahil tiyak, mainit sa labas.", paalam ni Ale kasabay ng pagpasok nito sa kwarto niya.
Tinapunan ko naman ng titig ang babae na ngayon ay matalim na nakatingin din pala sa akin.
"Gamutin mo ang sarili mo ha?! Tutulungan ko muna si Ale, para at least, may nagawa akong tama.", wika niya na may halong paliwanag.
Dahil sa sinabi nito, pumayag ako na umalis siya.
Kahit papano, nawala ang pangamba ko, kasi bumabalik na ang Shamyka na nakilala ko noon.
"Hijo, aalis muna kami. Hindi rin naman kami magtatagal sa palengke. Tsaka Rea, apo, kapag inutusan ka ni Tyler, sundin mo.", pagbibilin ni Ale.
"Opo lola, ako na pong bahala kay kuya Tyler!", sagot ng bata.
Abot-tingin ko na lamang ang dalawa habang papalayo ito sa bahay.
At ngayon, tinuon ko ang pansin kay Rea na naglalaro ng barbie doll.
Kung magkaanak man kami ni Shamyka, sana katulad niya. Masyado kasing bibo at masiyahin ang batang ito.
"Kuya, sa labas muna ako maglalaro ha? Dyan lang po ako ohh. Kaya kung may kailangan po kayo, tawagin mo lang po ang pangalan ko.", magalang na wika nito.
"Sige. H'wag magpapawis.", bigkas ko bilang pagpayag.
Tuwang-tuwa naman itong tumakbo sa labas.
Yung nanay niya, may mahalaga itong pinuntahan. Samantalang si Nene naman, nasa bahay ng barkada.
Kaya sa madaling salita, ako ang natira sa bahay.
Simpleng bahay lang ito pero hindi mahirap ang buhay.
Dito mo masasabi na kahit walang signal or internet connection, magiging masaya ka pa rin.
At dahil wala naman akong magawa, pinili kong humiga dito sa mahabang upuan para sana matulog.
Kaya lang, hindi pa nga ako nakakabinat ng katawan, biglang pumasok si Rea.
"Kuya, may naghahanap po sainyo ni ate Shamyka. Kapatid mo raw po siya.", sambit ng bata.
Sa salitang 'kapatid', biglang kumabog ang dibdib ko. Kasabay no'n, nasilayan ko ang pagpasok ni Steven.
Awtomatikong napabalikwas ako sa upuan at napatayo kahit na medyo masakit pa ang sikmura ko.
"Rea, maglaro ka na ulit.", saad ko sa bata na agad naman nitong sinunod.
Kaya hinarap ko na muli si Steven at naglakad ako palapit sa kanya.
"Paano mo nalaman na nandito kami?", kalmado kong tanong.
"Obvious ba? Magaling ako maghanap, lalo na kung ang hinahanap ko ay si Shamyka. Kaya ilabas mo na siya at uuwi na kami.", diretsang wika nito.
"Hindi. Hindi ko siya ibabalik sayo.", matigas kong saad.
Pero nilibot nito isa-isa ang kwarto para hanapin ang dalaga.
"Shamyka, si Steven 'to. Kukunin na kita.", pagtatawag niya sa babae.
"Nagsasayang ka lang ng pagod. Kaya kung ako sayo, umuwi ka na.", bigkas ko ulit.
"Hindi ako uuwi hanggat hindi ko siya kasama. Baka nakakalimutan mo, fiance niya ako. At ipapaalala ko sayo na hinahanap ka ngayon ng batas. Mainit ka na sa mata ng mga pulis, at kung ayaw mong madagdagan ang kaso mo, ibalik mo na sa akin si Shamyka.", mahaba nitong turan.
"Wala akong kaso, kaya wala akong dapat na katakutan. At alam nating dalawa kung sino ba sa atin ang nagsasabi ng totoo.", pagsasabi ko na may katapangan sa boses.
"Tsk. Saludo rin ako sa pagiging matapang mo, Tyler. Pero wala ka ng magagawa do'n, dahil sa mata ng lahat, kriminal ka.", pang-iinsulto niya.
"Ikaw ang kriminal! Masyado mong ginagalingan ang pag-arte para paniwalaan ka. Sa lahat ng baliw na nakilala ko, ikaw yata ang malala. Akalain mo, pati sarili mo, nagawa mong barilin para magmukha akong masama.", saad ko sa binata na ikinatawa niya.
"Dahil ganyan ako ka-utak. Ganyan ako kagaling pagdating sa labanan. Lahat planado. Kagaya ng ginawa ko kay Shamyka, plinano ko 'yon. Plinano namin ni Anton para sa paningin ng dalaga, ako ang bayani. And now look, nagtagumpay ako.", pahayag nito na may demonyong ngiti sa labi.
Pero ang ngiting 'yon, ay biglang napawi nang sumulpot si Shamyka sa likuran ko.
"Ikaw? Ikaw ang may gawa no'n sa akin?", sambit nito na tila hindi makapaniwala.
Nagkaroon naman ng saya ang damdamin ko, dahil sa wakas, narinig ng dalaga ang totoong nangyari sa kanya.
END OF CHAPTER 53
©Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Teen FictionTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...