Continuation 27

9K 281 26
                                    

"Malamig dito sa sala, do'n ka na lang sa kwarto ko.", saad ko kay Tyler na ngayon ay nanginginig sa lamig.

Galit ako sa kanya. Pero isasantabi ko muna ito para sa kaligtasan ng lalaki.

Akma ko sana siyang aalalayan para papasukin do'n sa kwarto. Kaso nang hawakan ko ang braso niya, halos mapaso ako sa init nito.

Shit! Anong gagawin ko?
Hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon.

"Teka lang, t-tatawagin ko si mom.", sambit ko sa binata at muli ko s'yang pina-upo para sana puntahan si mama.

Isang hakbang pa lamang ang nagawa ko nang pigilan ako ni Tyler gamit ang kamay n'ya.

"J-just stay here b-babe. M-magiging ayos din ako. I just w-want you to sit beside me.", wika nito sa akin.

Dahil sa awa ko, pinili kong umupo na nga sa tabi nito at yinakap siya.

"M-matulog ka na. Promise, nandito lang ako.", pagsasabi ko naman.

"T-thank you S-shamyka. I love you. Sorry sa ginawa ko kanina.", sincere na tugon nito.

"Oo na. H'wag ka ng magsalita, okay? Just sleep.", saad ko rito at isinanday ko ang ulo niya sa aking balikat.

Kahit awkward masyado ang posisyon namin, I tried my best na 'wag itong ipahalata sa kanya.

Gusto ko kasi na maging komportable siya sa pagtulog.

Unti-unti, narinig ko ang paghilik nito, simbolo na naka-idlip na nga ito sa balikat ko.

Kaya heto, dahan-dahan ko na siyang pinahiga sa sofa para hanapan ng damit na kakasya sa kanya.

Alam ko kasi na mamaya, pagpapawisan din siya, so kailangan ko itong ihanda kung sakali.

Matapos kong kumuha ng damit, tumungo na rin ako sa kusina para magluto ng macaroni soup.

Hindi ako magaling magluto, pero handa akong i-try ito. Ayoko namang sabihin ni mama na wala akong alam sa buhay.
Mahirap na, madaldal pa naman ang nanay kong 'yon.

Sa kalagitnaan ng pagluluto ko, bigla akong napaso dahilan para mahulog ko ang takip ng kaserola.

"B-babe, are you okay?", sigaw na tanong ni Tyler na animo'y nagising ko dahil sa ingay na nagawa ko.

"Yeah. Ayos lang ako. Don't mind me.", turan ko rito.

"Are you sure?",

"Oo nga. H'wag mo akong alalahanin.", muli kong sagot.

At nang matapos ko ang pagluluto, dinala ko na sa sofa ang macaroni soup.

Saktong naka-upo na si Tyler nang madatnan ko ito.

"Hindi mo man lang ako tinawag, edi sana naalalayan kitang maka-upo.",
"--Nga pala, pasensya na kung nagising kita. Heto, pinagluto kita ng macaroni. Kung hindi ka masarapan, sabihin mo lang ha?", mahabang wika ko at ako na mismo ang nagpasubo sa kanya.

Hindi ko alam kung anong masasabi niya dahil yung reaksyon nito, walang pinagbago.

"Hays, 'wag mo na lang kainin. Hindi ka naman yata nasarapan eh.", tampong sambit ko at nilapag ang mangkok sa mesa.

"Huh? Wala akong sinabi babe ha? Masarap kaya. Alam mo na, nilasap ko muna ang bawat pag-nguya ko.", saad nito sa akin dahilan para mapangiti ako.

"Kung gano'n, ubusin mo 'to Tyler. Pinaghirapan ko 'yan.", bigkas ko sa kanya.

Umukit naman ang ngiti nito na tila napipilitan.

©Binibining_Timoji

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon