Chapter 51

5.3K 179 25
                                    

Chapter 51 (Manyak kong Jowa)
____

Shamyka's POV:

"MAY SAYAWAN MAMAYANG GABI. Punta tayo do'n ha? Once in a lifetime lang ang okasyon na 'to.", bigkas ni Nene nang makabalik kami sa bahay.

As usual, kinalimutan ko ang sinabi ng binata kanina.

I don't have time to trust him. Dahil sa umpisa palang, sinungaling na siya.

"Ah, hindi ako mahilig sa ganyan. Pero kung si Shamyka, ang isasayaw ko, siguro pupunta ako.", diretsang sabi ng binata.

"Oh, narinig mo 'yon, ghorl? Sasama si Tyler kapag nakasayaw mo siya. Kaya 'wag ka ng pabebe ha.", baling na wika ni Nene nang tingnan ako.

"Ayoko--", I was about to say no, but she cut my words.

"Shamyka, kanina pa ako naiirita sayo. So please lang, hindi na uso ngayon ang sobrang pakipot. And what's wrong kung magsasayaw kayo? Hindi ba, jowa mo siya?", inis na pahayag ng dalaga.

Medyo tumaas na rin ang tono ng pananalita niya, na animo'y umiiral ang kamalditahan.
Kaya sa halip na sumagot ako, napakipot na lamang ako ng bibig

"Well, kung break na kayo. Edi, akin na lang si Tyler. Siguro naman, okay lang sayo 'yon.", muli n'yang saad.

"Sino ba ang may sabi na break na kami?", taas-kilay kong turan.

Masyado na siyang madaldal, kaya sumasakit na ang tenga ko sa ingay ng babae.

"Hula ko lang. Hindi ko kasi halata na magjowa kayo, lalo pa at iniiwasan mo siya.", she answered.

"Umiwas lang, hiwalay agad? Hindi ba pwede na kailangan ko lang ng suyo niya?", balik na sambit ko.

"Well, hindi na kasi uso ang suyo na 'yan, Shamyka. If you really love the person, 'wag mo s'yang bibigyan ng rason para sukuan ka. Habol ng habol sayo si Tyler, pero patuloy mo s'yang dinedeadma. So please, kung wala kang balak na seryosohin siya, mabuti pa siguro na palayain mo na si Tyle-",

"Nene, tumigil ka na! Hindi tama ang sinasabi mo. Hayaan mo sila ang mag-usap, 'wag ka ng manghimasok sa relasyon at problema nila.", paninigaw ni Ale dahilan para hindi nito matuloy ang sasabihin.

"Nay, hindi naman ako nanghihimasok. Ginigising ko lang si Shamyka, para mahimasmasan. Kanina kasi, parang aso si Tyler sa kakahabol sa dalaga. Ako tuloy ang naaawa sa kanya. Ang bait n'yang lalaki at mapagmahal, and he doesn't deserve to be treated like a shit.", asar na tugon nito sa ina.

"Sabi ng tama na, Nene. Hindi ka nakakatulong.", pagsesermon ng matanda.

"Ayos lang po. Walang kaso sa akin ang mga sinabi niya.", tugon ko at napabaling ang tingin ko kay Nene.

"--Pero gusto ko lang iparating sayo, na wala ka sa posisyon ko para sabihin 'yan. Hindi ikaw ang nasaktan, kaya wala kang karapatan na husgahan ang pagkatao ko.", madiin na saad ko tsaka tumayo para magpahangin sa labas.

Pakiramdam ko, ako pa yung mali.

Ako na nga 'tong kinidnap at muntik ng gahasain ng mga barkada ni Tyler, tapos ako pa ang may kasalanan?

Bakit ba ang unfair ng mundo?

Kung tutuusin, ako ang pinagkaitan eh.
Pero si Tyler pa ang nagmumukhang mabait sa mata ng ibang tao.
___

Sa hindi malaman na dahilan, bigla akong napaluha.

Masakit din kasi sa dibdib ko ang mga sinabi ng dalaga sa akin.

Aaminin ko na apektado ako sa simpleng salita na binigkas niya.
Wala eh, emosyonal akong tao.

"I'm sorry.", bigkas ng babae.

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon