CHAPTER 27
Shamyka POV:
Hindi ako makatulog.
Hindi ako tinitigilan ng konsensya ko habang iniisip kong nando'n pa rin sa labas si Tyler.
But NO, hindi ako pwedeng magpadala sa lambot ng puso ko.
He deserve it! Dapat lang sa kanya na maghintay ng matagal sa labas ng bahay noh?
Ano namang pake ko kung papakin pa siya ng lamok do'n?
Hindi naman siguro siya magkakadengue dahil malakas ang resistensya niya.Ah basta, my decision is final!
Matutulog na talaga ako at hindi ko siya hahayaang pumasok dito sa amin.Kaya naman, muli kong tinakpan ang katawan ko ng kumot.
Nag-play din ako ng music para hindi ko marinig ang sigaw ng binata sa ibaba."Anak, si Tyler, kanina pa pala siya nasa labas. Hindi mo ba talaga kakausapin? Umuulan na ohh. Baka magkasakit ang fiance mo.", saad ni mama habang kumakatok sa pinto ng aking kwarto.
Agad kong hininto ang tugtog at tiningnan ang langit.
Yeah, umuulan na nga.
Hindi lang simpleng ulan ito dahil may kikilat na din itong kasama."Kung may problema man kayo ni Tyler, pag-usapan n'yong dalawa. Hindi yung ganito na hahantong pa sa sakitan ang tao.", pag-aadvice ni mom dahilan para mapabangon ako sa kama.
Binuksan ko ang pinto at kahit labag sa kalooban ko, tumungo ako sa labas para papasukin si Tyler.
"Pumasok ka na raw sabi ni mama.", walang emosyong wika ko habang pinapayungan siya.
"A-akala ko, hahayaan mo akong mamatay sa lamig dito.", turan niya na giniginaw ang boses.
"H'wag ka na ngang magdrama. Nababasa na rin ako, kaya halika na.", inis na saad ko.
Pumasok na kami sa loob at si mama, todo pag-asikaso kay Tyler.
"Shamyka, 'wag kang tumunganga, ayusin mo ang kwarto mo do'n, masyadong makalat. Nakakahiya sa magiging asawa mo na gano'n ang postura ng higaan mo.", panenermon ng aking ina.
"Bakit mom? Sino bang may sabi na matutulog siya sa kwarto ko? Like hello, may guest room tayo.", pabalang na sagot ko.
"Hindi ko alam kung saan napadpad ang utak mo, hija. Fiance mo si Tyler, kaya sanayin niyo na ang sarili niyo na magkatabing matulog.", wika nito.
Napalaki naman ang mata ko dahil sa tinuran niya.
"What?",
"What-what ka d'yan. Oh ayan, ikaw na ang bahala sa kanya. Matutulog na ako.", huling saad ni mama nang abutin niya sa akin ang kape.
Umalis na ito sa harapan ko at tumungo sa kwarto nila ni Dad.
Samantalang ako, hindi pa rin makapaniwala.
Nagpoproseso pa rin kasi sa isipan ko ang sinabi ni mama."Hays. Fuck, ang init ng katawan ko. I'm not feeling well.", pagsasabi ni Tyler at nakayakap siya sa unan.
"H'wag ka ngang umarte d'yan. Kilala ko na ang galawan mo.", asar kong bigkas dito.
"Babe, masama talaga ang pakiramdam ko.", mahinang sambit niya na tila nilalamig ng sobra.
Kinabahan naman ako dahil ramdam ko ang panghihina nito.
©Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Ficção AdolescenteTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...