Continuation 32

6.8K 250 8
                                    

"At last, you're done!", pagsasaad ko matapos ang ilang oras na pagpapanggap kong bakla.

Nandito na kami sa loob ng kotse kaya inalis ko na rin ang sandal na suot ko.

Nagkaroon ako ng sugat, pero wala man lang na pake si Shamyka.

"Gamutin mo ako, mamaya.", I suggest.

"Inuutusan mo ba ako?", pagtataray niya.

"Hindi 'yon utos, babe. Suhestyon ito.", I said again.

"Ayoko nga.",

"What?",

"Tyler, I have so many things to do. Magpapaayos pa ako ng buhok. At kailangan ko magpamanicure and pedicure.", wika ng dalaga.

"Tsk. Ang dami mong rason. Nagpapaganda ka yata kay Steven.", inis kong turan.

"Hindi si Steven ang pinapagandahan ko, noh?", pagbibigkas niya sa akin.

"Then who?",

"Ask yourself. Total ikaw naman ang sagot.", kindat na pahayag ko.

"Shamyka naman, hindi mo kailangan mag-ayos, dahil para sa akin, ikaw ang pinakamaganda.",

"Utot mo!",
"--Ang hilig niyo magsabi ng ganyan! Lagi n'yong sinasabi na 'wag kaming mag-ayos dahil maganda na kami, pero ano? Kapag hindi kami nagpaganda o nag-ayos, titingin naman kayo sa iba. Suss, 'wag mo akong ganyanin, Tyler. Ang mga banat mo, laos na!", sigaw nito sa pagmumukha ko.

"Masyado kang madaldal, babae. Dapat sayo patahimikin na.",

"This is my tounge, this is my mouth, so shut-up.", muling saad ni Shamyka.

"Hays. Kailan ba ako mananalo sa argumento natin?",

"Never. Never kang mananalo. Kasi pagdating sa akin, ako lang dapat ang tama. Kapag mali ako, dapat tama pa rin. Understand?",

"Oo na, bossing.", tanging sabi ko.

"Good. I love you.", bigkas niya at bahagya akong dinampian ng halik sa labi.

Kaya ayon, biglang napawi ang pagod at paghihirap ko kanina.

"Nga pala Tyler, ihatid mo na lang ako sa parlor. Tapos ikaw, magpahinga ka na. Because I know you're tired.",

"No. Sasamahan kita. Ayokong hayaan na mag-isa kang pumunta sa lugar na 'yon.", wika ko para kontrahin ang sinabi niya.

"Sige, ikaw bahala. Baka kasi maboring ka lang.",

"Bakit naman ako maboboring? Makita ko lang ang mukha mo, nagiging energetic akong tao.",

"Cheesy ka rin, noh?", ngiting sambit niya.

"Kinilig ka ba?",

"Sino bang hindi kikiligin? Ang gwapo kaya ng magiging mister ko.",

"At ang dyosa ng magiging misis ko.",
"--Hindi na ako makapaghintay na makasal tayo.", paghihirit kong wika.

"Ano ka ba, 'wag mo munang isipin 'yan. Alam kong inaasikaso na nila dad at tito ang tungkol sa kasal natin. So all we need to do is to wait and enjoy our moments for being like this.", litanya nito dahilan para mapangiti ako.

Dumiretso na kami sa parlor.
Pero sa mga oras na 'to, nakadamit panlalake na ako dahil hindi ko na kaya pa ang sumuot ng pambabae.

Hindi na sa akin bago ang mga tinginan ng bakla, kaya hinayaan ko na lamang sila.

Sa katawan ko palang, kahit sino maaakit ng husto.
At dahil loyal ako kay Shamyka, sa kanya ko na lang tinuon ang atensyon ko.

Kaso may isang babae ang biglang sumira ng paningin ko.
Nahulog kasi ang cellphone nito sa mismong tapat ko, kaya hindi ko sinasadyang makita ang suso nito.

Shit!

"Ipipikit mo ba 'yan o gusto mong dukutin ko ang mata mo?", pagbabantang sabi ni Shamyka na ngayon ay naka-reflect sa salamin.

"--At ikaw naman, maling lugar ang pinuntahan mo ha? Hindi ito avon para magpakita ka ng dede. Gigil mo ang bangs ko!", pagsisita nito sa tao.

Grabe!
Kahit sino babanggain niya, 'wag lang ako maagaw ng iba.
And damn! I love it!

END OF CHAPTER 32

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon