Chapter 34
Shamyka POV:
This is it!
Ang araw ng Masquerade Party namin sa campus.
Kaso nagtataka ako kung bakit nandito si Tyler sa bahay namin.
He look so worried at tila ayaw akong pakawalan."Okay ka lang ba?", pagtatanong ko habang hindi ito mapakali na tumitingin sa labas.
"Shamyka, kagabi ba, may naramdaman kang kakaiba?", he asked me.
"Huh?", naguguluhan na bigkas ko.
"I mean, yung pakiramdam na may ibang tao na nakamasid sayo at sumusunod.",
"Wala naman. Teka, may problema ba?", muli kong bigkas.
Nakita ko kasi ang pangamba sa mukha nito kaya maging ako nag-iba ang reaksyon."Wala. Siniguro ko lang na ayos kang nakauwi.", iling na sagot niya kasabay ng paghaplos sa buhok ko.
"Alam mo, nagiging paranoid ka. Kinakabahan tuloy ako sa kilos mo.", turan ko sa binata.
"I'm sorry. E-excited lang ako sa mangyayari mamaya.",
"Ibang klase naman ang pagiging excited mo.",
"--Pero infairness, halata nga sa black shoes na suot mo ang pagiging atat mo. Hahaha.", natatawa kong saad.Dahan-dahan s'yang napayuko para tingnan ang paanan niya.
"Y-yeah. Actually, magbibihis na sana ako kanina, pero naalala kita.",
"Super inlove ka talaga sa akin. Magkikita naman tayo mamaya.", sundot na sabi ko kay Tyler.
"Ganyan ako magmahal, Shamyka. Kaya masanay ka na. Because every second, every minute and every hour, I'm always here beside you. Hindi kita hahayaan na mag-isa. Kahit saan ka pumunta, dapat kasama mo ako. Kung kinakailangan na pati sa pag-cr mo, handa kitang samahan.",
Napaiwang naman ang labi ko dahil sa sinabi nito.
Okay na sana eh. Kikiligin na sana ako.
Kaso yung huling salita, masyadong nakakadiri."Alam mo, kulang ka ka lang sa kape.",
"--Timplahan muna kita ha?", wika ko sa lalaki.
Tatayo na sana ako para tumungo ng kusina pero bigla nitong kinabig ang bewang ko. Ito ang naging hudyat para mapakandong ako sa kanya."I'm not joking, Shamyka. Gusto kong nasa tabi kita lagi. So please, ako lang ang dapat sumayaw sa'yo mamaya.",
"Kaya pala naging sweet ka, dahil may kapalit ha? Pero okay, noted na 'yan. Hindi ako makikipagsayaw kay Steven. Dahil sayong-sayo lang ang oras ko.", malambing na turan ko at bahagya kong pinisil ang kamay nito na ngayon ay nakapulupot sa akin.
So after 2 hours, tapos na rin ako lagyan ng make-up sa mukha at natapos na rin ang pagkukulot ng isang bakla sa buhok ko.
I'm like a Princess, right now dahil sa gown na kulay black na suot ko.
I choose black to wear since hanggang gabi ang party na 'yon. At higit sa lahat, umaapaw ang kaputian ko kapag itim ang aking suot.Bumaba na ako ng hagdan at naghihintay sa akin do'n si Tyler na ngayon ay nakaporma na rin.
Kahit simple lang ang kasuotan niya, tiyak na siya pa rin ang pinaka-gwapo.
"So let's go, babe?", ngiting bigkas niya kasabay ng paglakad namin palabas ng bahay.
Sumakay na ako sa kanyang kotse, habang siya naman ang nagmamaneho.
20 minutes, bago kami nakarating sa campus.
At dahil masqeurade party ito, lahat ng mga estudyante at teachers nakasuot ng mask.
Bumaba na kami ni Tyler habang nakakapit pa rin ako sa braso niya.Red carpet ang s'yang tinatapakan namin patungo sa mismong event.
"Bagay sayo ang suot mo, Shamyka. You look elegant and gorgeous.", pagpupuri ng isang binata na humarang sa aming dadaanan.
Hindi ko mamukhaan siya dahil sa suot n'yang mask, pero yung boses nito, kilala ko.
"S-steven?", utal kong bigkas bilang panghuhula.
"I'm happy that you know me.", ngiting sabi niya.
"Don't mind him and just focus on me.", bulong ni Tyler kaya tumango ako.
"Excuse us, Steven.", saad ko sa lalaki.
Umusog naman ito ng konti kaya nakadaan kami ng kasama ko.
Sa gitna ang pwesto namin, kung saan nando'n kami sa unahan.
We are the center of the party since, pagmamay-ari ito ng pamilya ni Tyler. And sooner, I will be part of his family.
"Goodevening students! I hope that you will enjoy this party. Because later on, I have an important announcement.", pagsasabi ng Dad nila Steven sa microphone.
Nagsimula na nga ang event kaya malakas na pinatugtog ang music.
Unang kanta palang, sweet dance na agad kaya tumayo si Tyler kasabay ng paglahad niya ng kamay para ayain ako.
"Mamaya na. Ang konti palang ng sumasayaw, ohh. Nakakahiya. Baka maging center of the attraction tayo.",
"Then it's better. Mabuti na yung makita ng mga lalaki na akin ka.",
"Pero--",
"Come on, Shamyka. You promised me.", bigkas niya dahilan upang mapapayag ako.
At 'yon nga ang nangyari, pinagtitinginan kami ngayon nga mga estudyante.
Kahit kasi naka-maskara ang binata, malalaman mong s'ya pa rin si Tyler.
Si Tyler na heartrob sa campus at kinatatakutan."Kahit anong anggulo, hindi ako magsasawang sabihin sa'yo na sobrang ganda mo.",
"--I'm so lucky to have a girl like you.", saad nito habang sumasayaw kami."Pambobola ba 'yan?", tugon ko sa kanya.
"Hanggamg ngayon ba, bolero pa rin ang tingin mo sa akin, babe?",
"I don't know. Maybe yes.", natatawa kong saad.
"Well, it's up to you kung 'yan ang iisipin mo. But I'm just being honest.",
"--Bagay tayo. Bagay na bagay.", wika niya at inilapit ang mukha nito sa mukha ko.
Nagdikit ang ilong namin at ilang pulgada na lamang ay maghahalikan na kami.Kaso biglang sumulpot si Steven sa gitna namin kaya agad kaming napalingon sa gawi niya.
"Can I dance you, Shamyka?", ngising sambit ng lalaki.
"Ahm--",
"Siguro naman, okay lang sayo 'yon, diba? Gusto ko lang masayaw ang future wife mo, dude. Walang malisya.", baling na sabi nito sa binata.
"NO.", madiing bigkas ni Tyler.
"Calm down, bro. Napaghahalataan na wala kang tiwala sa magiging asawa mo.", wika muli ng kapatid niya.
Biglang nangitngit sa galit ang katabi ko, kaya marahan ko s'yang hinaplos.
"It's okay, babe. It just only a dance.", pagpayag ko na lamang para walang gulo na mangyari.
Tyler look at me with disappointed reaction, and he left.
"I'm sorry.", mahinang litanya ko sa aking sarili.
Hindi ko natupad ang napag-usapan namin kanina. And damn, I feel guilty.
END OF CHAPTER 34
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Novela JuvenilTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...