Chapter 47
Steven POV:
"WALA PA BA ANG BRIDE? Kanina pa kami naghihintay. At nakakahiya kay Father na hindi pa dumarating si Shamyka.", saad ng babae na invited sa kasal namin.
Hindi na rin ako mapakali habang nakatingin ako sa aking relo.
Halos nangangalay na rin ang paa ko sa kakatayo dito.
Kung tutuusin, mag-gagabi na, pero wala pa rin ang babae.
Nagsi-alisan na rin ang mga tao, dahilan para makaramdam na ako ng inis.
Ano ba talaga ang nangyari kay Shamyka?
Kung umurong siya sa kasal, dapat sinabi niya agad. Hindi yung nagmumukha akong tanga dito."Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka may nangyari ng masama sa anak natin.", rinig kong sabi ng mama nito.
Saktong bumukas ang pinto ng simbahan at nakita namin ang driver nito na tumatakbo palapit sa aming gawi.
Habol-hininga siyang napahinto sa pwesto kung nasaan kami.
"What happened? Where's my daughter?", agad na bigkas ni tita na magiging mama ko na sana ngayon.
"Sir, Ma'am, may dumukot po yata sa anak niyo. May isang tao kasi na kumulong sa akin sa bodega, buti na lang nakalabas ako. Pero pagpunta ko sa taas, wala na po do'n si Shamyka.", wika niya na tila pagod na pagod.
Hindi ko maiwasan na mapamura sa isip dahil natitiyak ko na isa lang ang may kagagawan nito.
"Si Tyler. Siya lang ang may lakas-loob na kunin ang dalaga.", madiing saad ko sa pangalan ng kapatid ko.
"Imposible. Nasa kulungan pa siya, Steven.", saad ni Dad para iparating na walang kinalaman si Tyler sa nangyari.
"No, Dad. Nasisiguro ko na meron siyang--", hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil biglang tumunog ang cellphone ni papa.
Kaya yung atensyon naming lahat ay napunta sa kanya, lalo na at galing mismo sa police station ang tawag.
"May problema po ba, Sir?", tanong nito sa kabilang linya.
"Pasensya na ho Sir, pero gusto kong ipaalam sainyo na tumakas ang anak mo at kasamahan niya.", saad ng pulis.
Naka-loud speaker kasi ito kaya naririnig namin ang sinasabi ng kausap niya.
"What?!", galit kong turan.
Ang dami-dami nilang nagbabantay, pero nagawa silang lusutan ng mga preso!
"Pero 'wag kayong mag-alala dahil pinaghahanap sila ng batas. Ang sa amin lang, magbigay din po sana kayo ng impormasyon kung sakaling may alam kayo sa mga lugar na pupuntahan nila.", pagwiwika nito.
"Sige ho, salamat. Makakaasa kayo na tutulong ako.", tanging sabi ko at ako na mismo ang nag-end ng tawag.
"Steven, ano bang ginagawa mo? Kinakausap pa natin ang--", bigkas ni papa, pero hindi ko siya pinatapos.
"Dad, alam kong mahal na mahal niyo si Tyler, pero please, sabihin niyo naman sa amin kung nasaan siya.", pagkukumbinsi ko rito.
I know him very well. Sa aming dalawa, si Tyler lagi ang iniisip at inuuna niya.
"Hijo?", nagtatakang sambit niya.
"Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa, dad. Kaya sana naman, 'wag niyong pagtakpan si Tyler.", muli kong turan.
"Wala akong alam sa sinasabi mo.", he replied.
"Wala? Pero nagagawa niyo ngang bisitahin si Tyler sa kulungan dati, diba? Tapos magsisinungaling pa kayo?! Oh come on, dad! Pwede ba, kahit ngayon lang, ako naman ang kampihan niyo!", pagsisigaw ko na.
I don't care anymore to those people who are here.
"Steven, hindi ako tanga at bobo para turuan na tumakas ang kapatid mo. Nakiusap siya sa akin na palayain ko siya, pero tumanggi ako dahil ayokong sirain ang kasal niyo ni Shamyka.", pagpapaliwanag niya.
"Yun na nga dad! Sira na! Nasira niya na!", bulyaw ko ulit sa matanda.
"H'wag na kayong mag-away, nasa simbahan tayo.", pag-aawat na sabi ng Dad ni Shamyka.
Kaya matalim kong tiningnan si papa na puno ng hinanakit.
"Kahit kailan, hindi ka talaga naging ama sa akin.", iling na saad ko na may galit sa pananalita.
Umalis na ako sa harapan nila, at minabuti na ako na lang mismo ang maghanap kay Tyler.
Hindi pa naman siguro sila nakakalayo, kaya baka makita ko pa ang dalawa.
Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaan na mabuhay pa ang kapatid ko.
Papatayin ko na siya dahil masyado na s'yang hadlang sa amin ni Shamyka.
Ako na rin ang gagalaw para masiguro ko na hindi ako magkakaroon ng sabit.
"Sinimulan mo ito Tyler, pwes, ako ang tatapos!", sambit ko sa aking isip at mahigpit kong hinawakan ang manibela.
Mabilis ko na ring pinaharurot ang kotse, patungo sa lugar na pwede nilang pagtaguan.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Novela JuvenilTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...