Continuation 24

8.4K 277 1
                                    

"Saan n'yo ba gustong makasal? Sa ibang bansa ba o dito sa Pinas?", pag-uumpisang tanong ng dad ni Shamyka.

Matapos ang biruan kanina, naging seryoso naman ang usapan.

Nakaupo na kami sa kanya-kanyang pwesto habang inaasikaso ng isang tao ang pagkain namin.

Sinundot naman ako ng dalaga para ipahatid sa akin na ako na ang sumagot sa tanong ng papa niya.
Kaya tumango ako bilang tugon kasabay ng pagharap ko sa ama nito.

"Gusto ko sana ang two wedding. Sa simbahan at sa beach. I want to marry your daughter in that place, tito.", magalang kong saad.

"Magandang idea 'yan hijo. Pero mas maganda kung dad na ang tawag mo sa akin.", balik n'yang bigkas.

"Oo nga noh? Pasensya na ho--dad.", nahihiyang bigkas ko at pasimpleng napakamot sa batok.

"Ayos lang. Basta sanayin mo na lang ang sarili mo, because we are now a family. Mapapangasawa mo na ang anak ko at balang araw, bubuo na kayo ng pamilya.", wika nito.

Ang sarap pala pakinggan ang salitang 'yon galing mismo sa ama ng babaeng mahal mo.

Hindi pa man nila ako gaanong kilala, ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa akin.

"Kaya nga balae, hindi magtatagal magkaka-apo na tayo.", hirit na sambit ni dad.

"Magkaka-apo na sana, inistorbo niyo kasi.", mahinang saad ko dahilan para tapakan ni Shamyka ang paa ko.

"Shit! Aray!",

"Oh Tyler, aong nangyari?", tanong ng ginang na may pagtataka.

Bigla kasi akong napasigaw dahil sa hapding naramdaman ko.

"Ahh--may langgam kasing kumagat sa akin but it's nothing. Just continue the plan.", sagot ko sa kanila.

Tinapunan ko ng tingin si Shamyka kaso tinaasan niya ako ng kilay.

Hindi pa rin nagbabago sa kanya ang pagiging mataray eh.
That's why I love her. Dahil sa ugali niya, nahulog ang loob ko.

"Yung gagastusin nga pala, wala na kayong poproblemahin kasi sagot na namin 'yon. Ang tanging magagawa niyo ay maghintay na lang sa kasal.", pagpapatuloy ni dad.

"Pero balae, nakakahiya naman.",

"Ikaw talaga Fernan, lalaki ang anak ko. Natural na gastos namin ang lahat.",

"Dad is right.",
"--Hayaan n'yong kami na lang ho ang gumastos.", pagpapasegunda ko sa sinabi ng aking ama.

"But Tyler, responsibilidad ko ring umambag.", singit na turan ng babae.

"No Shamyka. Hindi 'yan ang responsibilidad mo. Because your responsibility is to love me and take care of our children.", lingon kong pahayag.

"Hays. Masyado ka namang advance. Wala pa ngang kasal, anak agad?", sambit nito.

"Mabuti na yung advance para planado na lahat.",
"--Pero sige, unahin na lang kaya natin ang honeymoon babe?", ngisi kong bigkas.

"Ano ba, tumigil ka nga. Nandito sila papa.", gigil nitong litanya.

"It's okay anak. Ayos lang sa amin 'yon. Mas masaya nga kung 'yan ang unahin niyo.", wika ng papa ni Shamyka.

"Dad naman eh! Tatay ko ba talaga kayo?", pout nitong saad.

Muli akong napatawa dahil naisip ko na napaka-inosenteni Shamyka kapag kasama ang magulang.
Pero kapag kaming dalawa, halos akitin niya na ako.

____
END OF CHAPTER 24

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon