Chapter 10 of Ang Manyak kong Jowa
___
Shamyka POV:Hindi na ako pumasok ng hapon dahil sa mga nangyari.
Mas pinili kong umuwi na lang sa bahay namin kaysa tumagal sa campus na 'yon.Hindi ko lubos maisip na marami palang tinatago ang University na pinasukan ko.
Mabuti na lang at natuklasan ko ito ng maaga.
And now, I realized na sobrang malas ko talaga pagdating sa eskwelahan.Badtrip kong tinapon ang aking bag sa may sofa dahilan para makagawa ito ng ingay.
Agad namang lumabas si Mom sa kanyang kwarto at lumapit sa akin."Shamyka, may problema ba?", tanong nito.
Tinapunan ko lang siya ng tingin pero hindi ako sumagot.
"Anak, hindi pa oras ng uwian niyo. And I know that there something wrong happened, so please tell it to me hija.", muli niyang saad.
"Wala. Wala akong problema at walang nangyari. Happy?", mataray kong tugon.
Napahilot naman ito ng kanyang sintido at malungkot niya akong tinitigan.
"Kailan ka ba magbabago? Halos isang taon na Shamyka, isang taon na tayong ganito. But until now, hindi mo pa rin ako tinuturing na ina.",
"Alam mo ang rason kung bakit ako ganito. So don't act na parang ikaw ang kawawa. In fact, buhay ko ang nasira at hindi sayo.", inis kong bigkas.
Akma na sana akong aalis kaso bigla itong nagsalita."Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako, anak?",
Napatigil naman ako sa sinambit nito. Kasabay no'n, muli ko siyang hinarap at tinitigan sa mata.
"Kausapin mo si dad. Sabihin mong 'wag ng ituloy ang kasal. That's it.", wika ko sa kanya.
Medyo nagulat siya sa tinuran ko kaya napaatras ito ng konti."Shamyka, h-hindi ko magagawa 'yan. Malapit ng bumagsak ang kompanya natin. At tanging pagpapakasal lang ang---",
"Blah, blah, blah. Stop that non-sense words.",
"--Kung ayaw mo, edi okay. Magpapakasal ako sa lalaking tinutukoy niyo. Pero 'wag ka ng umasa na magiging maayos tayo.", mariin kong sabi na may seryosong tingin."A bullshit family ever.", muling sambit ko.
Iniwan ko na siyang nakatayo roon, samantalang ako tumungo sa kusina para uminom.
Lumipas ang isang araw na dala ko pa rin ang problema.
Nagkaiba lang dahil mas mabigat ang pinapasan ko ngayon. Dumagdag pa kasi ang binata sa iniisip ko. Tsk.
Pero 'di bale, from now on, hindi ko na kakausapin pa si Tyler.
Kailangan ko na siyang iwasan para sa kaligtasan ko."Shamyka, kain ka muna bago ka pumasok. Pinagluto kita ng paborito mong adobo.", bungad na sambit ni mom.
Nakita ko naman ang matamis nitong ngiti na animo'y hindi kami nagkasagutan kahapon.Eto ang pinaka-ayoko sa lahat, 'yung masyadong plastik sa harapan ko.
Akala mo kung sinong mabait na ina."No, thanks. Baka sumakit pa ang tiyan ko sa niluto mo.", walang respeto kong saad at tuluyan na akong lumabas ng bahay.
Tinungo ko ang garahe kung saan naroon ang aking motor.
Pero dahil sarado ang gate, inuna kong buksan ito.Hindi ko lubos maisip na may isang tao ang nakatayo sa labas. Nang makilala ko kung sino 'yon, akma ko sanang isasar muli ito. Kaso nga lang, malakas niyang pinigilan ang gate dahilan para hindi ito masara ng tuluyan.
"Shamyka, let's talk.", maamo nitong sambit.
"Anong ginagawa mo rito at paano mo nalaman ang bahay ko?", asar kong tanong nang bitawan ko ang pagkakahawak sa gate.
"Nabasa ko sa form mo ang address ng bahay niyo. At nandito ako para kausapin ka.", sagot na wika ng binata.
Yes, si Tyler nga ang kaharap ko sa mga oras na 'to.
"Para saan ba ha?", iritable kong tanong ulit.
"Tungkol ito sa mga sinabi sayo ni Steven. Gusto ko lang linawin na hindi totoo 'yon. Hindi ako ang gumahasa kay Luna.", he said.
"And do you think papaniwalaan kita? Alam kong babaliktarin mo rin ang lahat. Kaya umalis ka na. Wala na akong panahon para pakinggan pa ang kasinungalingan mo.", saad ko habang pinapaalis siya.
"Listen to me Shamyka, hindi ako ganong tao. Oo, manyak ako, pero hindi ko magagawang mang-rape ng babae.", seryosong sambit nito.
"Hindi ka ba nakakaintindi sa salitang umalis ka na? Simpleng tagalog lang pero nahihirapan ka pang gawin 'yon.", wika ko na medyo may kataasan na boses.
"But--",
"Aalis ka o gusto mong sabihin ko sa mga estudyante na rapist ka?", pananakot kong banta sa kanya.
Natahimik naman ito at napaurong palayo.
Nang makakuha ako ng tyempo, kaagad ko ng nilock ang gate.I know na bibilugin niya lang ang utak ko para mapalapit sa akin.
So I need to control him. He's an animal, magiging delikado lang ang buhay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Novela JuvenilTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...