Chapter 54

6K 193 0
                                    

Chapter 53

Shamyka's POV:

NARINIG KO ANG LAHAT.

Narinig ko ito galing mismo sa bibig ni Steven.

Bumalik ako sa bahay, para sana kumuha ng tsinelas dahil nasira yung tsinelas na suot ko.
Pero hindi ko lubos maisip na ito ang bubungad sa tenga ko.

"S-shamyka, it's not what you think. Pinilit lang ako ni Tyler---",
Hindi ko na pinatapos ang kasinungalingan niya, dahil malakas ko s'yang sinampal.

"I heard everything. Walang labis, walang kulang.", madiin na saad ko.

"L-let me explain, Shamyka.", pakikiusap nito sa akin.

"Para saan pa? You lied to me. Naniwala ako sayo. Dahil akala ko, mabuti kang tao. Pero lahat pala ng pinakita mo, ikaw mismo ang nagplano!", pagsisigaw ko.

Shit! I can't even control myself right now.
Parang umakyat ang dugo ko papunta sa aking utak dahilan para maging maldita ako.

"Shamyka, pumunta ako dito para sunduin ka. Para makabalik ka na sa Manila. I know you miss your parents, at gano'n din ako, namiss kita.", saad nito na animo'y umukit ang maamo n'yang mukha.

"Hindi ako sasama. Mas gugustuhin kong tumira dito, kaysa sumama sa katulad mong demonyo.", bulyaw ko at marahas kong hinawakan ang braso nito para kaladkarin palabas ng bahay.

"Umalis ka na! At 'wag na 'wag ka ng babalik dito, kung ayaw mong isuplong kita sa pulis!", pantataboy ko sa binata.

Wala itong nagawa kundi ang tingnan kami ni Tyler.

Pero bago ito tumalikod, may banta itong iniwan.

"Hindi pa tayo, tapos. Hindi pa ito ang huling pagkikita natin.", bigkas ni Steven na puno ng galit.

Hindi na namin 'yon pinansin pa, dahil ngayon, malinaw na sa isipan ko ang lahat.

Nagkamali ako.
Nagkamali ako dahil hinusgahan ko agad si Tyler.
Nagkamali ako ng pinagkatiwalaan.
At higit sa lahat, nagkamali ako, dahil sinaktan ko yung lalaki na walang ginawa kundi ang ilayo ako sa kapahamakan.

Hiyang-hiya tuloy ako, at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang binata.

"I'm sorry.", hinging paumanhin ko, without looking at him.

"Ayos lang. Biktima ka rin. Kaya naiintindihan ko 'yon, Shamyka.", pagsasabi niya dahilan para mapalingon na ako sa lalaki.

"Pero nasaktan kita, kaya--",

"Ssshh. Don't blaim yourself. Dahil para sa akin, wala kang kasalanan.", wika ni Tyler kaya hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko.

Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hinalikan ang buhok ko.

"Basta simula sa araw na 'to, hindi na kita iiwan. Ayoko ng maulit muli ang nangyari sayo.", he said again.

Kaya mabilis akong kumawala sa yakap, at ngumiti ako sa harapan niya.

"Talagang hindi na 'yon mauulit, dahil babalik na tayo ng Manila.", diretsang litanya ko.

"Huh? Pero, may kaso pa ako sa Manila. Hindi ko pa nalilinis ang pangalan ko, Shamyka. Kaya hindi pa ako pwedeng bumalik do'n.", balik na turan nito.

"I know. Pero ako ang maglilinis ng pangalan mo. Magsasalita ako para mapakulong si Steven.", agad na sabi ko.

"Shamyka, ayoko ng madawit ka dito. Baka isipin nila, tinakot pa kita. Kaya kami na ng mga kaibigan ko ang bahala sa problemang 'to.", pagwiwika nito habang nakahawak sa balikat ko.

Pero umiling ako.
Hindi kasi ako sang-ayon sa gusto n'ya.

Ayoko na lagi na lang siya ang kumikilos.

"Dalawang kaso ang nakapatong sayo, Tyler. Yung sa akin, at yung kay Steven. So please, hayaan mo ako na tulungan ka.", pagkukumbinsi ko sa binata.

Matagal din bago ito makasagot.

"Kung 'yan ang gusto mo, then fine. Pero bukas na lang tayo aalis. Alam kong may binabalak ang kapatid ko na masama, kaya kailangan nating mag-ingat. Iba na ang tumatakbo sa isip niya, at masyado na s'yang delikado.", tugon niya muli.

So I just nodded as my reply.

Hindi na rin ako sumama pa kay Ale, para masiguro ko ang aking kaligtasan.
_____

Nanatili akong nasa tabi ni Tyler habang hinihintay namin na lumipas ang gabi.

At sa pagsapit ng bagong umaga, magalang kami na nagpaalam sa pamilya na tinuluyan namin.

Sa una, medyo nalungkot sila dahil nga napamahal at napalapit na rin ang loob nito sa amin ng binata.

Pero mabuti na lang at naintindihan nila ang sitwasyon, kaya sila pa mismo ang nagbigay ng pera para makabili kami ng gas.

"Salamat po talaga, 'wag po kayong mag-alala, babalik kami dito.", saad ko kay Ale.
Hinalikan ko pa si Rea sa noo at nakita ko ang bahagya n'yang pagluha.

"Love na love ka ni ate Shamyka, hayaan mo, bibilhan kita ng maraming laruan.", bigkas ko sa bata.

Maya-maya ay sumakay na kami ng kotse, at sinimulan na itong paandarin ni Tyler.

Umalis na kami sa baryo Maligaya, para harapin ang problemang iniwan namin sa Manila.

Kailangan naming ayusin 'to para sa ikabubuti ng lahat.

"Kapag naayos na 'to at nalinis na ang pangalan mo, handa akong pakasalan ka.", sambit ko sa kanya.

Mabilis s'yang sumulyap sa akin na tila nabigla pa sa sinabi ko.

"Shamyka, hindi naman ako nagmamadali.",

"Pero gusto kong ituloy natin 'yon. I want you to be my husband, Tyler.", malambing na saad ko.

"And I want you to be my wife. Pero sa ngayon, ito muna ang atupagin natin, babe. Hindi madali ang gagawin natin pagkarating sa Manila. So we need to be ready.", sambit nito na animo'y kinakabahan.

"Ano bang ibig mong sabihin? Sa mga salita mo palang, para namang may mamamatay sa atin.", pagtuturan ko sa kanya.

"Hays. I don't know, babe. Iba kasi ang kabog ng dibdib ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako natakot. And shit, hindi ako mapakali.", pag-aamin ng lalaki.

At para mawala ang kaba at takot nito, dinampian ko siya ng halik sa pisngi.

"I love you. Kaya 'wag kang nega d'yan. Makakarating tayo ng ligtas sa Manila at ikakasal pa tayong dalawa.", ngiting sabi ko, kahit ang totoo, gano'n din ang nararamdaman ko.

Oo, kanina pa ako natatakot, pero hindi ko lang pinapahalata kay Tyler dahil ayoko s'yang mag-alala.

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon