Chapter 29

8.3K 255 12
                                    

Chapter 29 of Ang Manyak kong Jowa

Tyler POV:

Buong gabi na sumakit ang puson ko.

This is the first time na nagawa kong kontrolin si junjun kahit na sobrang sexy ng babaeng katabi ko sa kama.

At first, mahirap nga.

Pero narealize ko ang salitang respeto dahil mahal na mahal ko si Shamyka.

Hanggat hindi pa kami kinakasal kaya kong tiisin ang pagiging manyak ko.

Because I know that virginity is the most precious gift of a girl to her husband.

And luckily, ako ang taong pakakasalan niya.

"Hmmm.", mahinang sambit ng dalaga habang nakapikit pa rin ang mata.

Bahagya nitong pinatong ang legs niya sa aking tiyan kaya napatitig tuloy ako sa itsura n'ya na ngayon ay tulog pa rin.

Natatawa na lamang ako dahil masyado pala s'yang malikot kapag natutulog.
Isabay mo pa na ang lakas ng hilik nito na tila isang biik.

Pero kahit ganito ang akto niya, hindi ako naturn-off kay Shamyka. Sa halip, mas lalo ko s'yang minamahal.

___

Napunta naman sa may pintuan ang tingin ko nang bumukas ito bigla.

Nando'n ang mama ng dalaga at bakas sa reaksyon niya ang kasiyahan.

Nag-thumbsup pa ito sa akin para iparating kung ayos ba ang nangyari sa amin kagabi?
At tanging thumbsdown ang naitugon ko rito para ipahatid sa kanya ang sagot ko.

___

Isang oras din na nakasanday si Shamyka sa katawan ko bago siya magising.

Patay-malisya itong bumaba at iniwan ako sa kwarto.

Medyo ma-attitude ang datingan niya na tila wala s'ya sa mood makipag-usap.

"Kumusta naman ang isang gabi na pagtulog mo dito sa bahay namin, hijo? Okay ba?", agad na tanong ng dad nito sa akin nang makaupo ako.

Saktong nag-aalmusal na ang tatlo nang maabutan ko sila.
Tinapos ko muna kasing ligpitin ang tinulugan namin ng anak niya bago ako sumunod sa pagbaba.

Oo, ako ang tumupi sa kumot na ginamit namin at nagawa ko na ring linisan ang room ni Shamyka.

I don't know why, pero sa usapang kalinisan, wala ng laban ang dalaga.

"Hindi ka yata makasagot. Siguro tinarayan ka ng anak ko kagabi?", muling saad nito.

"Ahm, hindi naman ho Tito. Sobrang himbing nga ng tulog ko. Wala ngang ingay eh.", napilitan kong tugon.

Kung tutuusin, halos hindi ako mapakali dahil nga sa tindi na hilik ni Shamyka.

Dapat pala sanayin ko na ang sarili ko lalo pa't ikakasal kami at magsasama kami sa iisang bahay.

"Good to know, Tyler. Akala ko kung ano na ang ginawa sayo. Alam mo na, masyadong topakin 'yan. So konting tiis lang at masasanay ka rin.", pabirong wika ni tito.

Tanging pagtango ang nagagawa ko sa oras na 'to habang binibigyan nila ako ng tips at advice tungkol sa kanilang anak.

Kaya ayo'n, nawalan bigla ng gana si Shamyka dahil umalis ito sa hapag-kainan.

"Just don't mind her, hijo. Gano'n talaga 'yon. Na-totoyo na naman. Kapag siya ang usapan namin, naiirita s'yang pakinggan ang pangalan niya.", pagsasaad naman ni tita.

"Hahaha, iba talaga kapag only child, madaling magtampo.", sambit ko sa harapan nila.

"Sinabi mo pa. Pero suyuin mo lang 'yon, ayos na agad kayo.", huling bigkas nito sa akin.

Nagpatuloy na ako sa pagkain ng almusal.
At nang mabusog ba ako, linagay ko sa tray ang pagkain na 'di natapos kainin ni Shamyka.
Bumalik kasi ito sa kwarto dahil nga siya ang napagtripan na biruin ng magulang niya.

Kaso sa pagpasok ko, laking gulat ko naman na tinapunan n'ya ako ng damit.

"How dare you! Talagang pinamukha mo pa sa akin na wala akong alam na babae!", giit nitong sigaw habang binabato ako ng t-shirt.

"Huh? Teka, h-hindi ko intensyon na ipamukha 'yon sayo, babe. I just wanna help you. Nakakahiya naman kung hindi ko liligpitin ang tinulugan ko.", pagpapaliwanag ko kasabay ng pag-ilag ko.

"Then I don't need your help. Umalis ka na nga! Nakakabwisit ka!", pagtataboy niya.

"Babe, bahala ka na kung ano ang isipin mo, basta ako, wala akong iniisip na iba, kundi ikaw lang.", saad ko na may halong banat.

"Peste ka! Hindi mo ako madadala dyan.", masungit na turan nito.

"I know Shamyka. Hindi naman kita madadala sa matamis kong salita, pero gamit ang kama, madadala kita hanggang langit.", muli kong bigkas para mabawasan sana ang pagkagalit niya.

Kaso tangina! Malakas niya akong binato ng unan, kaya nahulog ko tuloy ang dala kong tray sa sahig.

"Ghad! Ang yabang mo! Pwerke daks ka!",

Dahil sa sinabi nito, I confirmed na hinawakan niya si junjun ko nung natutulog ako.

Akala ko kasi panaginip ko lang 'yon.

___END OF CHAPTER 29___

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon