Epilouge

9.4K 348 53
                                    

EPILOUGE OF MANYAK KONG JOWA
____

SHAMYKA's POV:

Kulay puti ang paligid. Ganito ang bumungad sa aking paningin nang idilat ko ang mata.

Medyo masakit pa ang sikmura ko dahil siguro sa bala na natamo ko.

"Hija, anak ko, salamat sa Diyos at nagising ka na.", masayang bigkas ni Mom.

Isa-isa kong tiningnan ang mga taong nandito, sa mismong room kung saan ako naka-confine.
Pero hindi ko mahagilap si Tyler.

Hindi ko masilayan ang mukha niya.

Ano na kayang nangyari sa binata?

"S-si Tyler? Nasa'n po si Tyler?", tanong ko na tila may kaba sa aking dibdib.

Kaso sa halip na sumagot sila, napayuko ang mga ito. Rinig ko rin ang mahinang hikbi ni Mommy lalo na ang Dad ni Tyler.

"I'm asking you, Mom. Nasa'n po si Tyler? Sagutin niyo naman ako oh!", inis ko ng bigkas.

"Shamyka, halos isang linggo kang walang malay. Kaya h-hindi mo naabutan ang libing ng anak ko.", malungkot na turan ni Tito sa akin.

Halos hindi ko maintindihan ang sinabi niya dahil sa sobrang pagkabigla.

"H-ho? A-ano pong ibig n'yong sabihin?", naiiyak kong sambit.

"W-wala na si Tyler, hija. W-wala na ang anak ko. Patay na siya.", muling wika nito.

Tuluyan namang nagsibagsakan ang luha sa mata ko. At do'n ko naalala ang sinapit naming dalawa.

Dalawang bala nga ang napasok sa katawan ni Tyler, kaya imposible na mabuhay siya.

Pero bakit ang sakit?
Bakit kailangan na mawala siya?

Sana hindi na lang ako nagising.
Sana hindi na lang ako nabuhay kung sa pag-gising ko, wala na yung lalaking mahal ko.

"Anak, tahan na. Baka maapektuhan ang sugat mo sa kakaiyak.", paghahaplos ni mama sa akin.

Gusto kong ilabas ang totoo kong nararamdaman, kasi ang bigat-bigat na.

"Kapag bumalik na sa dati ang sigla mo, sasamahan ka namin na pumunta ng sementeryo para dalawin siya. At 'wag kang mag-alala, hindi ka na guguluhin ni Steven dahil nakakulong na siya ngayon.", mahabang litanya ni papa.

Mariin akong napailing, para itugon sa kanila na ayokong pumunta.

Ayokong pumunta ng sementeryo dahil hindi pa ako handa na tanggapin ang lahat.

"D-dapat hinayaan niyo na lang ako na mamatay. Dapat pinabayaan niyo na lang ako. Dapat hindi niyo na ako sinugod dito. Edi sana, magkasama na kami ni Tyler.", hagulhol kong saad.

"Shamyka, 'wag mong sasabihin 'yan. Alam kong masakit pero wala na tayong magagawa.", pagyayakap ni mama.

Kaya kahit mahirap, pinilit ko na maging matatag.

Matapos ang tatlong araw, lumabas na ako ng hospital.

Sa bahay mismo ako tumuloy.
Sa bahay na pinangarap namin ni Tyler.

Heto kasi ang sinabi niya sa akin noon, na dito kami titira at bubuo ng pamilya.
Pero mukhang ako na lang yata ang magpapatuloy no'n.

Magpapatuloy ako, kahit wala na siya.

"Gusto mong samahan ka pa namin sa taas? Magsabi ka lang.", saad ni mama.

"H'wag na po. Magaling na ho ako, so I can do it.", tugon ko rito.

Dahan-dahan akong umakyat, at bawat hakbang ko sa hagdan, sumagi sa isip ko ang una naming pagkikita ni Tyler. Ang masayang iniwan niya ang bumabalik sa isipan ko.

Kahit anong pigil ko na 'wag lumuha, kusa itong dumadaloy sa aking pisngi.

Nang matunton ang kwarto namin, unti-unti kong ipinihit ang door knob para buksan ang pinto.

At sa pagbukas ko no'n, kakaibang disenyo ang nasilayan ko.
Kaakibat nito ang mga letrang nakadikit mismo sa dingding.

"WILL YOU BE MY WIFE, SHAMYKA?", pagbabasa ko rito.

Ewan ko ba, pero napaiwang ang labi ko dahil sa mga nakita ko ngayon.

Sa loob ng kwarto, nakita ko ang mga kaibigan ni Tyler na may hawak na ibat-ibang instrumento.
Nagpatugtog sila habang may kasama itong kanta.

Pero nasa'n, nasa'n siya?

"Looking for me, babe?", natatawang bigkas ng binatang nasa likuran ko.

Awtomatikong nilingon ko ito at nasulyapan ko ang lalaki na iniyakan ko ng bongga dahil akala ko patay na siya.

"T-tyler? B-buhay ka?", pagsasambit ko.

Parang ayoko kasing maniwala dahil kitang-kita ko kung gaano karami ang dugong umagos sa katawan niya.

"Hindi ba halata? I'm here standing infront of you, kaya oo, buhay ako. Nabuhay ako para ituloy ang kasal natin.", wika nito na kaagad ko s'yang pinagsasampal.

"Tangina ka! Gago ka talagang demonyo ka! Akala ko patay ka na! Alam mo ba kung ilang tissue ang naubos ko dahil sa kakaiyak ko sayo?! Tapos, buhay ka lang pala!", asar kong turan.

Kahit ganito ang lumalabas sa bibig ko, umaapaw ang kasiyahan sa mukha ko.

"I just want to surprise you, babe. Kaya kinausap ko sila.", bigkas ni Tyler habang tinuturo sila Dad na nasa likuran niya.

"Pwess, hindi nakakatawa ang surprise mo!", pakunwaring tampo ko.

"Babe naman, ayaw mo ba akong pakasalan?", saad nito na may kalungkutan sa boses.

"Tseeh. Ayoko.", pagtataray ko sa binata.

"Hays. Mukhang mapipilitan yata ako na buntisin ka muna, kung ayaw mong pumayag.", pagdedecide ni Tyler.

"Gago! Ang manyak mo talaga!", turan ko at malakas ko siyang binatukan.

Pero sa huli, tinanggap ko siya sa buhay ko.

Pumayag ako na magpakasal sa kanya.

Maayos na kasi ang lahat dahil nalinis na ang pangalan ni Tyler. At nalinis na rin ang Red Gang.

Kaya hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito.
Akalain mo, yung manyak kong jowa noon, ay manyak ko ng asawa ngayon.

And yes, after of getting married, nabuntis ako at nagkaroon kami ng anak.

Sa kabila ng pinagdaanan namin sa buhay, kapalit no'n ang isang masayang pamilya na kasama pa rin si Tyler.

_____

END OF THE STORY!

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon