Chapter 15

10.4K 349 4
                                    

Chapter 15

Shamyka POV:

My heart become soft when I said those words. Aaminin kong naguilty ako sa panghuhusga sa binata.
Kaya gusto kong makabawi sa kanya.

Pero ang loko, tila nakajackpot sa lotto dahil sa pag-ngiti nito.
Ibang ngiti kasi ang gumuhiy sa labi niya na kita lahat ang ngipin.

"Sobra mo akong napasaya ngayong araw na 'to, Shamyka.", sambit ni Tyler at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ko lubos maisip na aabot tayo sa ganito. Akalain mo, magiging totoo na ang relasyon nating dalawa.", patuloy niyang wika.

Kunot-noo naman akong napatingin sa mata nito dahil sa pagtataka.

Teka, anong totoo ba ang sinasabi niya?

"What are you talking about?", bigkas ko sa lalaki.

"Ikaw talaga, ang dali mo makalimot. Ikaw palang ang nagsabi kanina, that let's start together. So it means, you are accepting me to be your real boyfriend. At gusto mong magsimula ulit tayo.", pagpapaliwanag ng binata.

Oh gosh!
Na-misinterpret niya yata ang sinabi ko.

"It's not what I mean. Ang gusto kong iparating sa'yo na magsimula tayo sa pagkakaibigan. No more hates, no more war and most of all, hindi na tayo magpapanggap na magjowa. I hope it's now clear to you.", pagkaklaro ko sa kanya.

"Hays. Ba't ba ayaw mong totohanin 'yon?",
"--To be honest, I'm willing to court you. Just give me a chance to prove it.", mahinang pahayag nito.

"Tyler naman, bilang ko palang ang araw na nagkakilala tayo. Kaya nagdadalawang-isip ako na paniwalaan ka. Besides, wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon. Sakit lang sa ulo 'yan.", saad kong muli para malinawan siya.

"Sabagay, hindi kita mapipilit kung ayaw mo pa. Pero sana 'wag mo akong pigilan na ligawan ka.", he said na animo'y sigurado na ito.

I was about to say 'but' again, para kontrahin ang sinambit niya kaso muli siyang nagsalita.

"You are unique, Shamyka. That's the reason kaya binibigyan kita ng pansin. Kung iniisip mong paglalaruan lang kita, you're definitely wrong.",
"--If you want, babaguhin ko ang sarili ko. Aalis ako sa pagiging leader ng gang. At pangako, hindi na ako magiging babaero.", wika niya sa akin.

"Gagawin mo talaga 'yan?", I asked him.

Napatango naman siya bilang tugon.
And because of that, I admit to myself na medyo napangiti nga ako.

"Then fine. Papayag akong magpaligaw sayo.",

Matagal din bago ko sabihin ang katagang 'yon.

Hindi na ako nabigla pa nung yakapin niya ako ng mahigpit.

Potah! Ba't parang naiihi ako sa panty?
Kinikilig na rin ba ako?

"Shamyka!", isang sigaw naman ang bumulabog sa amin ni Tyler.
Ito rin ang dahilan kung bakit napahiwalay na kami sa pagkakayakap.

Napatingin ako sa pinto na kung saan nabuksan na 'yon.Kaya medyo nagkaroon na ng liwanag ang loob ng room.

"Thanks God! At last, I found you!", sambit ni Steven nang makalapit ito sa amin.
Ramdam ko ang paghingal niya buhat siguro ng paghahanap.

"I'm glad you're safe. Labis mo akong pinag-alala. Akala ko kung ano ng nangyari sayo.", worried niyang saad.

Pero sa halip na masiyahan ako sa sinaad nito, may pagtataka tuloy ang umukit sa aking mukha.

"A-anong ginagawa mo rito?", tanong ko sa kanya.

I'm really curious right now dahil sabi ni Tyler, siya lang ang nakakaalam sa lugar na 'to.

"I'm here to save you Shamyka. M-may nakapagsabi sa akin na nakulong ka dito sa silid. That's why, tumakbo agad ako para tulungan ka.", nag-aalinlangan na sagot ng binata.

"Sinong nagsabi sa'yo?", pasegunda kong tanong.

I don't even know kung sino ba sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo.

Nalilito ako.

"Hindi na 'yon mahalaga.",
"--Ang mabuti pa, umalis na tayo.", pag-iiba niyang wika.

Akma na sana nitong hahawakan ang kamay ko, kaso agad itong nilayo ni Tyler.
Dahil dito, nagkatitigan sila ng ilang segundo.

"Pasensya na bro, pero ako lang ang pwedeng humawak sa kanya.", mabilis niyang sabi sa harapan ng kapatid.

Tumayo na ito na hawak ang kamay ko, kaya't napatayo na rin ako.

"Sige Steven, salamat na lang sa pagbukas ng pinto. Better luck next time.", huling litanya ni Tyler.

'Di ko alam pero parang may pinapahiwatig ang salitang sinabi nito.
Hindi ko lang maintindihan eh.

May nabuo tuloy sa isipan ko na dapat ko silang imbestigahan.

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon