Chapter 21
Tyler POV:
"Woahh!", malakas na hininga ang aking pinakawalan nang lumabas si Tanda.
'Yan na ang tawag ko sa guro kanina. Masyado siyang ma-edad kaya highblood lagi ang pananalita nito.
Mahigit dalawang oras din ang tinagal niya sa pagtuturo sa amin. At dalawang oras ko ring tiniis na 'wag pairalin ang pagiging gago ko.
Ayoko kasi na matakot sa akin si Shamyka. Mahirap na, baka hindi niya ako sagutin.
"Infairness, good boy ka na nga Tyler.", ngiting bigkas ng babaeng katabi ko.
"I'm trying to be a good person, because of you.", tugon ko sa kanya.
"Then thank you. Hindi ko akalain, na ang isang tulad ko pala ang magpapabago sayo.", she said while smiling.
"So let's go? Sabay na tayong magluch, and this time, libre ko.", muling saad nito para ayain ako.
Agad akong tumayo at ako na mismo ang nagdala ng bag niya.
Sa cafeteria kami tumungo para kumain.
At kahit maraming estudyante ang nagkukumpulan, binigyan nila kami ng space para makadaan."Kaya pala tumahimik dahil andito ka.", lingon na wika ni Steven na nasa unahan namin.
Iginawi ng binata ang tingin nito sa dalagang kasama ko, kasabay ng pag-ngiti niya.
"Magkasama pala kayong dalawa. Sayang, pupuntahan sana kita sa room mo Shamyka, para ibigay 'to sayo. But since you're here, eto. I buy that chocolotes for you.", patuloy na sabi ng kapatid ko.
He was about to give it, pero mabilis ko itong inagaw at tinapon.
"She don't need that. Masisira lang ang ngipin niya. At nag-aaksaya ka lang ng pera.", kalmado kong turan.
"Gano'n ba? Sige, tatanungin ko na lang siya kung pwede ba kaming lumabas mamaya.", ngisi niyang sambit.
"Nagpapatawa ka ba? O sadyang desperado ka?", madiing bigkas ko sa bawat salita.
Sa tuwing nagkikita kami, gagawa talaga ito ng paraan para palabasin ang sungay ko.
Bahagya siyang tumawa at muling tumingin kay Shamyka.
"Calm down, brother. Hindi naman ikaw ang gusto kong tanungin. Kaya matuto kang itikom ang bibig mo dahil nakakahiya sa mga tao.", tugon ng lalaki.
Kekwelyuhan ko na sana siya kaso may isang kamay ang pumigil sa akin.
"Tyler, 'wag. Just don't mind him.", mahinang wika ng dalaga.
Napangiwi na lamang ako habang tinitimpi ang sarili.
"And Steven, hindi ako sasama sayo. May date kami ng JOWA KO.", baling niya sa binata.
Biglang umiba ang ekspresyon ng kapatid ko na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng babae.
At maging ako, laglag panga nang marinig ko 'yon mula sa bibig niya.
"W-what are you saying Shamyka? Akala ko ba, walang kayo?", naguguluhang tanong ni Steven.
"Yes. Wala ngang kami, pero noon 'yon.",
"--Kasi ngayon, totoo na ang relasyon namin. Tyler is my real boyfriend.", litanya nito.Halos na-stock ako sa aking pwesto habang pinoproseso ang winika niya.
The way she said it, ramdam ko ang pagkaseryoso nito.
Tangina! Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.
"I don't believe you. Nasasabi mo lang 'yan dahil tinakot ka niya.", muling saad ng lalaki.
"Believe it or not, I'm telling the truth. And besides, walang dahilan para takutin ako ng kapatid mo. Mahal ko na siya, that's the reason kaya gusto ko ng maging totoo ang lahat sa amin.", diretsang pahayag ni Shamyka.
Puta pre, yung etits ko, kinikilig na naman!
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Fiksi RemajaTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...