Continuation of 36

5.7K 181 3
                                    

I'm enjoying the night, right now.

Nakipaghalubilo ako sa mga babaeng estudyante, para hindi nila mahalata na may kinalaman ako sa mangyayari mamaya.

Kaya kong makuha ang gusto ko na hindi ako nahihirapan.

Sinenyasan ko ang iba kong miyembro sa gang na pumasok ng venue.

Sa mata ko palang, alam na agad nila kung ano ang gagawin.
Kaya nakita ko ang pagtango nito, at mabilis na tumungo sa rooftop.

Sa rooftop na kung saan, nag-iisa na lang si Shamyka.

Kasi si Tyler, kausap niya ngayon ang isa nitong ka-miyembro na nagtiwalig sa kanya.

"Steven, nasa'n ang kapatid mo?", tanong ni Dad dahilan para mapalingon ako rito.

Kibit-balikat lang ang naitugon ko para hindi siya humadlang sa plano ko.

"I don't know.",
"--See, I don't have time para alamin kung nasa'n si Tyler.", inosenteng tugon ko sa aking ama.

Hindi na ito nagsalita pa, sa halip, nilinga niya ang mata para hanapin ang lalaki.

Halata tuloy kung gaano kamahal at ka-concern si Dad sa taong 'yon.

TSK!

Ilang minuto pa ay nagvibrate ang aking phone senyales na may nagtext

Kaya mabilis ko 'tong dinukot, at nabasa ko yung text galing sa tauhan na inutusan ko.

"Boss, dala na namin si Shamyka. Sumunod ka na lang ho.",

Ito ang mensaheng natanggap ko mula sa binata. Kaya ngiting tagumpay kong binalik ang cellphone sa bulsa.

"Woaah! Cheers! It's a great evening!", pagsisigaw ko at muli akong kumuha ng inumin.

This night, will be my success!

Dahil tiyak, sa pagsikat ng araw, kakamuhian na ni Shamyka ang lalaking pakakasalan niya.

Kaya heto ako ngayon, papaalis na ng campus para puntahan ang lugar kung saan dinala ang dalaga.

At ako ang magiging bayani sa paningin ng babae.
Dahil ako lang naman ang sasagip sa kanya sa kalagitnaan ng pangbabastos ng mga kalalakihan.

Ang utak ko!
Ang galing ko, gumawa ng plano!

Walang butas, at walang kaduda-duda.

"Nasa'n si Tyler?", tanong ko sa isang ka-miyembro na inutusan ko para kausapin ang kapatid ko.

"Walang malay, boss.",
"--At gaya ng inutos niyo, kinulong ko sa room.", sagot niya dahilan para tapikin ko siya sa balikat.

"Ayan ang gusto ko!",
"--Maaasahan ka talaga.", ngiting sabi ko.

"Yung usapan natin, boss. Sana mabigay mo agad.", wika niya ulit.

"H'wag kang mag-alala, dodoblehin ko pa 'yan. Basta sumama ka lang sa akin.", pahayag ko bilang tugon.

"Bakit boss, may kailangan ka pa ba?", tanong nito sa akin.

"Meron. Gusto kong marinig ni Shamyka ang boses mo, para magmukhang totoo ang lahat. At maniwala siya na si Tyler ang may gawa nito.", paliwanag ko para maintindihan niya ang gusto kong ipunto.

Hindi na ito umimik pa, dahil agad siyang sumakay sa kotse ko.

Tapos na ang maliligayang araw ng kapatid ko!

Tatapusin ko na.

End of Chapter 36
©Binibining_Timoji

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon