Chapter 7 'Ang Manyak Kong Jowa'
Shamyka POV:
Mahigpit kong hinahawakan ang kamay ni Tyler habang hila-hila ko siya.
Hindi ko alam kung sa'n kami pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa babaeng 'yon.
Masyado kasing kumukulo ang kalamnan ko sa kanya.
At kanina pa siya namumuro sa akin."Pffft. Haha.", mahinang tawa ng binatang kasama ko.
Dahil sa eksenang ginawa niya, napahinto ako sa paglalakad."Ano bang tinatawa mo? Pinapatawa ba kita?", mataray kong sambit.
"Nope.", tipid nitong tugon.
"So why are laughing ha?", I asked him.
"Ang cute mo kasing magselos babe. Para kang galit na kuting.", ngiting sagot niya.
"Hindi ako nagseselos! And stop calling me babe! Nakakadiri.", maarte kong saad.
"But you're acting like one Shamyka. Your being jealous and yet, you still deny it.", wika nito.
"I said I'm not. Bakit naman ako magseselos sa mukhang paa?", asar kong turan at tinitigan siya sa mata.
"Bakit nga ba? Sa pagkakaalala ko kasi, niyaya kita na kumain pero tumanggi ka. Tapos, nung dumating si Queen at niyaya akong kumain sa labas, nagalit ka bigla. And you keep on saying na boyfriend mo ako. Ganon ba sa'yo ang hindi nagseselos Ms. Dela Cruz?", ngising sabi ni Tyler.
Tila nakagat ko naman ang aking dila dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
"You know what babe, ayos lang 'yon. Karapatan mo namang magselos dahil pagmamay-ari mo na ako.", muli nitong sabi kasabay ng pag-akbay niya.
Mabilis ko naman siyang kinurot sa tagiliran at nanlilisik ko itong dinuro.
"Excuse me, yung ginawa ko kanina, parte lang 'yon ng pang-iinis ko kay Queen dahil sinampal niya ako. So don't take it seriously. Hindi tayo magjowa. Hindi mo ako girlfriend at mas lalong hindi kita boyfriend. So stop making a fake news about us! Walang tayo!", mahabang litanya ko.
Akala ko malinaw na sa kanya ang lahat dahil hindi siya umimik.
Kaya lang, may kinalikot siya sa kanyang cellphone at hindi ko alam kung ano 'yon.Nagkaroon tuloy ako ng pagtataka dahil habang nagtatype siya sa kanyang phone, bigla itong ngumingiti.
"A-ano b-ba 'yang ginagawa mo?", I asked him but he did'nt response.
"Tinatanong kita kung anong---", Akma ko na sanang aagawin ang cellphone nito kaso agad niya itong iniwas.
"I already upload the video in my account. Ang video niyong dalawa ni Queen. Saying that I'm your boyfriend. Kaya wala ka ng kawala pa babe. Dahil ikaw mismo ang nagsabi sa lahat na girlfriend kita.", dahan-dahan niyang saad.
Halos manghina ang tuhod ko nang ipakita niya sa akin ang sagutan namin ng babaeng 'yon.
"We're officially in a relationship Shamyka. Accept it or not, magshota na tayo.", muli nitong sabi.
"Aarrgghhhhh! I hate you! Hindi kita mapapatawad!", gigil kong bigkas at tinalikuran ko na siya.
Kailangan kong pumunta sa lugar na mag-isa lang ako.
Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin para mawala ang init ng ulo ko.Napadpad ako sa isang malaking puno dito. Walang katao-tao na pumupunta sa lugar na 'to dahil medyo liblib na rin kung titingnan.
Umupo ako at huminga ng malalim. Kahit papano, lumalamig na ang ulo ko at nababawasan ang pagiging mainit nito.
Sumagi naman sa aking isipan ang video na pinost ni Tyler.
"Napakawalang-modo niya talaga! Naisahan niya ako do'n!", saad ko sa aking sarili.
Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at agad kong inistalk ang account ng adik na 'yon. Laking gulat ko naman nang mabasa ko ang comments ng mga estudyante rito. Ang iba, masayang-masaya pero mas maraming nagalit at nainggit sa tulad ko.
"Gosh Tyler! Grrrrrr. Kung hindi ka lang sana ang may-ari ng University na 'to, kanina pa kitang napatay na hinayupak ka!", kausap ko sa larawan nito sa facebook.
Maya-maya, biglang tumunog ang aking notification.
'Tyler Alexis sent you a friend request'
"Abah, abah, ang lakas ng amats niya para i-add ako ha? Mabulok ka dyan!", muli kong sabi kasabay ng pag-off ko ng data.
Nagsisi tuloy ako na ginawa ko ang prank call na 'yon.
Next time kapag bored ulit ako, hindi na talaga ako hahawak ng cellphone.Kalahating oras din ang tinagal ko sa pwestong 'to bago ko napagdesisyunan na umalis at pumunta ng cafeteria.
Hindi pa kasi ako nag-aalmusal. Isabay mo pa na kumakalam na ang sikmura ko.Pagka-bili ko ng pagkain, humanap agad ako na bakanteng upuan.
I was about to eat kaso dinumog ako ng limang babae.
Kaya yung atensyon ko sana sa burger, napunta sa kanila."We don't even know na ganito na pala ang taste ni Tyler.", mataray na panguna ng isa.
"Ano bang gayuma ang pina-inom mo sa kanya?", tanong ng babaeng may mahabang buhok.
"Don't you see? Kakain na ako. So stop bothering me. Kung naiinggit kayo, then I don't fuckin care.", matapang kong saad at kumagat ako ng burger.
"Queen is right. Masyado ka ngang palaban. Pero 'yang katapangan mo, hindi uubra sa amin. Ano mang oras pwede naming sirain ang buhay mo.", pagbabanta nito.
Pero deadma lang ako at hindi ko pinapansin ang sinasabi nila.
Bahala silang dumadaldal d'yan, basta ako busog."Hindi mo ba narinig? Anytime, we can make your life miserable. Maling tao ang binangga mo. At maling-mali na pinahiya mo si Queen!", sambit ng malaking babae.
Nagawa nitong hawakan ng mariin ang kamay ko dahilan para hindi ko matuloy ang aking kinakain."Bitiwan mo ako.", madiin kong turan.
"Pa'no kung ayaw ko?", taas-kilay niyang tugon.
"Hindi mo gugustuhin na magalit ako. Kaya bitiwan mo ako.", pag-uulit kong sabi.
Ngumisi lang ito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
Nakaramdam na rin ako ng hapdi. So I can't control myself right now. Mabilis ko rin siyang sinakal gamit ang isang kong kamay.
Talagang diniin ko ang aking kuko sa leeg nito at makikita ko ang paghihirap niya sa paghinga."I told you, hindi mo gugustuhin na magalit ako. Maling tao rin ang binangga mo.", wika ko sa babae.
Akma sanang tutulong ang iba niyang kasama kaso may isang lalaki ang pumigil sa kanila.
"Stop it.",
"--Umalis na kayo.", seryosong saad nito.Nagawa ko ng pakawalan ang dalaga kaya't nagsi-alisan naman sila.
Napalingon ako sa binatang nakatayo ngayon sa aking gilid. Wala akong balak na magpasalamat sa kanya dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."Wala bang thank you dyan?", ngiting sambit niya at napakamot sa batok.
Si Steven ang siyang dumating at pumigil sa mga babae.
"Para saan? Hindi ako humingi ng tulong sayo, so I don't need to say thank you. Tsk.", ma-pride kong sabi kasabay ng pag-alis ko.
Sa loob ng University na 'to, ayokong magkaroon ng kaibigan. Mahirap ng magtiwala sa iba.
___End of Chapter 7___
![](https://img.wattpad.com/cover/204103531-288-k172117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Fiksi RemajaTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...