Chapter 24
Tyler POV:
Umaapaw na galak ang namumuo sa puso namin ni Shamyka. Makikita ko rin sa mata ng dalaga, ang labis na kasiyahan.
Hindi na tuloy ako makapaghintay na iharap siya sa altar habang hinahalikan ko ang labi niya.
Damn it! I'm so addicted to her lips, she's like a drug that makes me crazy.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay nito habang papunta kami sa lugar na tinutukoy ni dad.
After naming mag-usap, we decided to go in that place.
Kailangan na kasi naming pag-usapan ang tungkol sa kasal. Para sa gano'n, maplano namin ito ng maayos.
I want our wedding to be the best, because Shamyka deserve it."Oh Son, you're here.", salubong na sambit ni dad at nakipagkamayan sa akin.
Dumako ang tingin nito sa babaeng kasama ko na alam kong ikinataka niya."Nasabi ko na Dad. Umiyak eh.", natatawa kong turan.
Binilin kasi ni dad na 'wag ko raw munang ipaalam kay Shamyka ito dahil gusto n'yang ma-meet ang dalaga sa araw ng masquearade party.
Kaso hindi na matutuloy dahil pinangunahan ng selos ang babaeng mahal ko."Kung gano'n, halika na. Pumasok na tayong tatlo dahil kanina pa naghihintay ang magulang ni Shamyka sa loob.", wika ni Dad sa amin.
Mabilis kaming kumilos para masimulan na ang lahat.
Pagpasok namin, nasilayan ko agad ang pagkabigla ng mama nito.
"Shamyka, anak. Ba't ka n-nandito?", she asked.
"Nagpapamalahi na Mom. Hindi ba obvious?", ngising sagot niya at marahan nitong niyakap ang ina.
"A-alam mo na? Teka, how did you know? Magkakilala ba kayo?", sunod-sunod na tanong ng Ginang.
"Mom, hindi lang kami magkakilala. We love each other. And yes, alam ko na. Alam ko na siya ang lalaking papakasalan ko.",
"--So sorry. Sorry sa mga sinabi ko sa inyo ni dad.", saad ni Shamyka.I don't know the reason kung bakit siya humihingi ng sorry, pero siguro tatanungin ko na lang siya mamaya.
"Wala na palang problema! Anakan mo na agad 'yan, anak.", pabirong bigkas ni Papa.
Nabalot tuloy ng tawanan ang kalooban dahil sa winika nito.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Novela JuvenilTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...