Chapter 9 of Ang Manyak Kong Jowa
___Tyler Alexis POV:
Sa puntong ito, kumakalap ang mata ko sa bawat sulok ng campus para hanapin si Shamyka. Bumili na rin ako ng pagkain para sa kanya dahil naalala kong hindi pa siya kumakain. Pina-init ko kasi ang ulo nito dahilan ng pagwalk-out niya.
Kung tutuusin, dapat ngang matuwa siya dahil siya lang ang babaeng pinakilala ko sa lahat.
Isang Tyler Alexis na ang lumalapit sa kanya tapos tinatanggihan niya pa. Tsk. Pambihira!"Nasan na ba ang taong 'yon?", mahinang sambit ko.
"Looking for Shamyka?", sulpot na tanong ni Queen.
Hindi ko nagawang imikin ito dahil nakatuon ang atensyon ko sa paghahanap.
"My ghad Tyler, kahit anong hanap mo sa kanya, hindi mo siya mahahanap dahil kasama niya si Steven.", muling saad ng dalaga.
Agad akong napalingon nang marinig ko ang pangalan ng demonyo kong kapatid."Anong sabi mo?", I asked her with a serious tone.
Gusto kong ulitin nito yung sinabi niya para makasiguro ako."I said, kasama ni Shamyka si Steven. Holding-hands pa nga ang dalawa habang naglalakad. And I guess, sa private room ang tungo nila. Kaya isipin mo na lang kung anong pwede nilang gawin do'n.", pagwiwika nito.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akong umalis sa tabi ni Queen.
Tangina! Talagang sinusubukan ako ni Steven!
Gusto niya palaging nag-aaway kami!Halos samut-sari naman ang pumapasok sa isip ko habang tinutungo ang private room.
Nagkaroon din ng kaba at takot ang puso ko dahil baka maulit muli ang kinatatakutan ko. Ayokong manyari kay Shamyka ang nangyari sa dating estudyante na ginahasa ng kapatid ko sa lugar na 'yon.Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para sa ganon makarating agad ako sa aking paroroonan.
Hindi naglaon, napahinto ako sa saradong pinto ng pribadong silid.Kahit nasa labas ako, rinig ko pa rin ang usapan nila.
"F-fine. Tinatanggap ko na maging kaibigan kita Steven.Kaya sana, 'wag ka sa akin magsisinungaling.", sambit ng dalaga.
"Makakaasa ka Shamyka. I promise, I won't lie to you.", malambing niyang tugon.
I can't control myself right now kaya mapwersa kong sinipa ang pinto dahilan nang pagbukas nito.
At harap-harapang bumungad sa mata ko ang yakapan nilang dalawa.Tila nandilim naman ang aking paningin at napasugod ako sa kanilang pwesto.
Marahas kong inagaw ang babae para makawala siya sa yakap ng kapatid ko.
Gulat na gulat naman si Shamyka sa biglaang pagdating ko pero si Stevan, umukit ang ngisi sa labi.
"Ano ba Tyler! Ano bang ginagawa mo dito?", sigaw ng dalaga.
"Hindi ba obvious? Nilalayo kita sa lalaking 'yan.", kalmadong sabi ko.
Mas pinili kong ikalma ang sarili dahil ayokong makita niya kung paano ako magalit.
Baka kasi matakot siya at umiwas."Bakit hindi ka na lang ang lumayo? Total ikaw itong nagpapahamak sa akin.", sambit niya.
Nagtaka ako sa sinabi nito, kaya nagawa kong mapatingin sa binata.
Pero kibit-balikat ang naitugon nito habang nakangisi pa rin."Shamyka--", I was about to asked her kaso muli siyang nagsalita.
"Magkaibigan na kami ni Steven. Tinulungan niya ako kanina para hindi ako saktan ng mga alipores ni Queen. And because of him, nalaman ko ang plano mo.", wika niya na ikinakunot-noo ko.
"Nasa listahan ako ng mga babae mo diba? At kapag hindi mo nakuha ang gusto mo, gagahasain mo ako katulad ng ginawa mo kay Luna. You know what, ang sama mong tao. Dapat ang mga tulad mo, nasa kulungan!", mariin nitong saad.
"W-what are you saying?", naguguluhang tanong ko.
"H'wag ka ng mag-deny Tyler! Dahil sarili mo mismong kapatid ang nagsabi sa akin kung paano mo ginahasa ang isang estudyante dito!",
"Kaya pwede ba, tigilan mo na ako.",
After she said those words, tumalikod na ito at lumabas ng silid.Nang makita kong nakalayo na ang dalaga, matalim kong nilingon si Steven.
"Anong kasinungalingan ba ang sinabi mo sa kanya?", giit kong tanong.
"Bro, I'm just having a fun with her. Malay ko bang papaniwalaan niya 'yon.", sagot nito.
"Gago ka talaga! Masyado kang nagmamalinis! Bakit 'di mo ilabas ang tunay mong ugali para makita ng lahat na mas masahol ka pa sa akin?!", pabulyaw kong wika kasabay ng pagtaas ko ng kwelyo niya.
"Parang hindi mo ako kilala Tyler. Alam mo namang mautak ako pagdating sa ganyan.",
"Isang salita ko palang, nabibilog ko na agad ang ulo ng tao.", sambit nito na may demonyong ngiti."Ang sabihin mo duwag ka lang!", madiin kong sigaw.
Umiigting na rin ang aking panga dahil sa galit na umaapaw sa damdamin ko.
Pero sa halip na matakot si Steven, tumawa pa ito ng nakakainsulto."Ako? Duwag? Tsk.",
"--Bakit 'di mo na lang kasi tanggapin na talunan ka, kapatid.", he said while laughing."Kung ikukumpara, wala ka pa sa kalahati ko. Wala ka pang napatunayan.", patuloy niyang saad na may maangas na boses.
Unti-unti kong binitawan ang kamay ko sa kwelyo nito kaya medyo napaayos na siya ng pagkakatayo.
"Tama ka, wala pa nga akong napatunayan. Pero sa oras na saktan mo si Shamyka, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka.", pagbabanta ko sa kanya.
"Gawin mo Tyler. 'Wag kang puro salita.", bulong na sambit niya nang nilapit ang bibig sa aking tenga.
Matapos no'n, bahagya nitong tinapik ang balikat ko at umalis na.Napatitig na lamang ako sa mga larawang nakadikit sa pader. Sila ang mga babaeng nagalaw ni Steven.
Pero sa paningin ng mga tao, ako ang gumawa.And damn it! Pangalan ko ang nadudungisan!
___End of Chapter 9___
A/N: Sorry kung matagal ang update ko mga sissyy. Actually, libangan ko lang ang pagsusulat para pampawala stress. And also, mahirap po mag-isip ng plot. Hindi lang ito ang story na sinusulat ko.
So sana maintindihan niyo. Thankyou.
![](https://img.wattpad.com/cover/204103531-288-k172117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Teen FictionTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...