Chapter 30 of MANYAK KONG JOWA
Steven POV:
Galit at inggit ang s'yang umaapaw sa damdamin ko ngayon habang kasama ko si Dad sa hapag-kainan.
Hindi ko pa rin kasi matatanggap ang naging desisyon nito na si Tyler ang ipapakasal kay Shamyka.
Like the fuck! Ako ang panganay na anak, kaya dapat ako ang palaging nangunguna!
Pero hindi ito ang nangyari dahil mas pinaboran niya ang gagong 'yon!
"Hindi ko nagustuhan ang eksena mong ginawa kahapon, Steven. Nakakahiya sa magulang ng dalaga.", saad ni Dad habang nginunguya ang suasage sa bibig.
"Kahit sinong tao, magugulat ng ganon, Pa.",
"--Ni hindi niyo ako sinabihan na may pamamanhikan na magaganap. Tsk.", inis kong turan."Ang dami kong inaasikaso anak, kaya hindi na sumagi sa isip ko na sabihan ka.", pagkaklaro nito para hindi sumama ang loob ko.
"Pero bakit ganon, dad? Bakit si Tyler pa ang pinili mong ipakasal kay Shamyka?", I asked him, so that I will know his reason.
"What do you mean, Steven? Kilala mo rin si Shamyka?", balik na tanong niya.
Kaya marahan akong tumango bilang tugon.
"Of course, I know her. She's a good person. Kaya nga nagtataka ako, kung bakit si Tyler pa ang inarrange marriage niyo? Nag-iisip ba talaga kayo ng maayos, Dad?", mapakla kong saad.
Umiba naman ang awra nito na tila napikon sa inakto ko.
"H'wag mo akong pangaralan na parang ikaw ang ama. Tandaan mo Steven, sa bahay na 'to, ako pa rin ang masusunod.", kalmado nitong bigkas na animo'y kinokontrol ang sarili na 'wag magalit.
"But Dad--",
Akma sana akong magsasalita ulit, kaso malakas n'yang inilapag ang kutsara sa mesa."My decision is final. At kahit anong pagdadabog ang gawin mo, hindi na 'yon magbabago.", he said again.
But this time, kakaibang boses na ang narinig ko.Kaya malalim akong huminga bago ko s'ya tiningnan muli.
"What if I said, I love that woman? Handa ka bang i-urong ang kasal nila?", seryoso kong wika dahilan para matigilan siya.
"Anong sabi mo?", pagtatanong nito
"I love Shamyka. Mahal ko ang babaeng 'yon, Pa. So please, ako na lang ang ipakasal mo sa kanya.", pagmamakaawa ko para kumbinsihin ang taong katabi ko.
"Wala na akong magagawa Steven. Planado na ang lahat. Pumirma na ang kapatid mo, at pumayag na rin si Shamyka.", litanya ni Dad na aking ikinatamlay.
"Sa ilang taon na pag-aaral ko sa University natin, ngayon lang ako nagmahal ng ganito Dad. Kaso hinadlangan niyo pa.", mahinang wika ko at saka tumayo para umalis na sa hapag-kainan.
Kung hindi ko ito nadala sa usapan.
Mabuti pang idaan ko na lang 'to sa maling paraan.Hindi ako papayag na matuloy ang kasal nila.
Kaya habang may oras pa, pag-iisipan ko ng mabuti ang plano ko.___
Continuation will be posted later!
![](https://img.wattpad.com/cover/204103531-288-k172117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Fiksi RemajaTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...