Continuation 22

8.2K 286 1
                                    

Dalawang minuto ang tinagal ng halikan namin ni Tyler.
Ako na 'tong kusang humiwalay dahil baka sa'n pa mapunta ang halik na 'yon.

Mahirap na, manyak pa naman ang lalaking kasama ko.

"Akin ka lang Shamyka ha? Akin ka lang.", bigkas niya habang magkalapit pa rin ang aming mukha.

"Oo Tyler. Sayong-sayo lang ako.", turan ko sa binata.

"--So baka naman, pwede mo na akong ibaba.", natatawa kong patuloy.

"Sorry, nasarapan akong buhatin ka.", saad niya at dahan-dahan akong tinayo muli.

"Ang engot mo talaga!", gigil kong sabit kasabay ng pagkurot ko sa kanyang pisngi.

"At least gwapo.", habol na sambit nito.

"Ewan ko sayo. Mabuti pang i-tour mo na lang ako sa mancion. Masyado akong naiintriga eh.", pag-iibang usapan ko.

"Sure Babe, walang problema.", kindat na litanya ni Tyler.

Gaya ng sinabi nito, tinour niya ako sa bawat sulok ng mancion.
Halos nakanganga lang ang bibig ko habang tinitingnan ang kaloob-looban.

"This is our room Shamyka. Kapag naging asawa na kita, dito ka na rin titira.",

"Asawa ka d'yan. Engage ka na kaya, remember?", pagpapaalala ko sa binata.

"Kahit na. Nasisiguro ko pa rin na ikaw ang magiging asawa ko.", pagmamatigas n'yang sabi.

"Hindi pa nga kita sinasagot, nakarating ka na agad sa pag-aasawa.", iling kong saad.

Ibang klase rin 'tong si Tyler eh. Bilib din ako sa amats na bitbit niya sa katawan.

"Do'n rin naman ang punta natin diba? Mahal mo ako at mahal kita, kaya ina-advance ko na ang relasyon nating dalawa. Dahil alam kong darating ang araw, apelyido ko na ang gagamitin mo.", pahayag ng aking katabi.

"Pero may babae ng nakatakda sayo. I'm sure, magagalit ang dad mo kapag hindi mo sinunod ang gusto niya.",

"Then I don't care. Magalit na siya kung magalit, basta gusto ko, ikaw lang.", wika nito sa akin.

Palihim akong kinilig sa banat na sinambit niya.

Nakakaturn-on din minsan ang ugaling pinapakita ni Tyler, mahahalata ko talaga na seryoso siya sa pagmamahal.

"You are so lucky Shamyka, dahil sayo lang ako naging baliw. Baliw na baliw ako, to the point na nagiging paranoid ako.", turan ng lalaki kasabay ng pagpulupot niya ng braso sa bewang ko.

Niyayakap niya ako mula sa likuran habang ang mukha nito nakasanday sa aking balikat.
Ramdam ko sa leeg tuloy ang mainit nitong paghinga.

"B-akit ka naman nagiging paranoid?", curious kong tanong.

"Because I'm afraid of loosing you. Takot ako na baka kunin ka ng iba. Takot ako na baka agawin ka nila at lumayo ka sa akin. Takot akong mawala ka. Hindi lang 'yon halata, pero talagang takot na takot ako.", pag-aamin niya.

Kaya ang ginawa ko, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap nito.

Hindi na ako nagsalita pa, kasi sinusulit ko ang ganong posisyon.

Ang sarap din pala sa pakiramdam na yung lalaking kaaway mo noon ay unti-unti mo ng minamahal ngayon.

___ END OF CHAPTER 22___

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon