Chapter 20

8.8K 312 4
                                    

Chapter 20

Tyler POV:

"I told you, may manliligaw ako na pupunta dito.", kibit-balikat na sambit ni Shamyka.

Do'n ko lang naalala ang sinabi nito nung nakulong kami sa room.

Walang ekspresyon ko siyang tiningnan dahil umiinit pa rin ang ulo ko sa lalaking 'yon.

"Oh, easy ka lang. Hello, ako lang 'to.",
"--Kaya hindi na sa akin bago kung nagkakandarapa si Jerwin sa tulad ko. Dito palang, naglalaway na siya.", wika niya habang tinuturo ang malaking papaya sa dibdib.

"Tsk. Pinagmamalaki mo pa talaga ang monggoloyd mong manliligaw.", inis kong turan.

"Monggoloyd? Sino? Si Jerwin? Hahaha kaloka. Ang gwapo niya naman para maging monggoloyd lang noh.", natatawang bigkas ng dalaga.

"Fuck! Bahala ka nga dyan!", huling saad ko at iniwan na siya.

Nagtataka ako kung saang banda ang kagwapuhan no'n?
Naging malabo na yata ang mata niya para sabihin 'yon.

Hindi nga ito nangalahati sa mukha ko.
Kung tutuusin, hanggang paa ko lang siya.

Tangina! Nakakasira tuloy ng araw!

"Tyler! Hoy, saglit lang!", habol-hiningang sigaw ni Shamyka.

Hindi ko siya pinakinggan at mas lalo kong binilisan ang paglalakad.

"Potah! Hindi ka ba hihinto?!", galit na bulyaw niya.

But still, I continue walking.

Nagbibingi-bingihan lang ako para sa gano'n, lambingin ako ni Shamyka.

"Talagang sinusubukan mo ako ha?! Oh sige, hindi kita sasagutin na demonyo ka! Tseh!", mataray nitong sambit.

Shit! Literal na napahinto ako at napalingon sa kanya.

Na-blackmail niya ako na walang kahirap-hirap.

"I got it! 'Yon lang pala ang magic words para huminto ka.", ngising saad ng dalaga nang makalapit sa akin.

"Psh.",

"Arte mo, may nalalaman ka pang pawalk-out ha?", wika niya ulit.

"Bakit ka pa sumunod? Dapat hinabol mo na lang ang manliligaw mo. Total, gwapo siya diba?", sakrastikong bigkas ko.

"Ohhh, it sounds bitter? Nagseselos ka ba?", she asked.

"Tsk.", iling na tugon ko.

Nag-iwas tingin na rin ako para hindi niya ito mahalata.

"So you're jealous! Namumula ang tenga mo! Hahahahaha.", malakas na tawa ang pinakawalan nito.

"Ikaw ha, hindi ako na-inform na mestisong negro ka pala haha.", panunuksong pahayag niya.

"Don't laugh. Walang rason para pagtawanan mo ako. In fact, you're so lucky. Dahil ikaw lang ang babaeng pinagkakaitan ko.", I said with a serious tone.

Napatigil naman siya at napatulala sa akin.

"Hindi ako ganito sa iba. Ni minsan, hindi ako nagselos. Hindi ko ugali ang makipagtalo sa ibang lalaki dahil lang sa babae. Pero ikaw, iba ka. You driving me crazy Shamyka. And I don't even know kung bakit patay na patay ako sayo.", saad ko ulit.

"Ehh--",

"I feel jealous. Hundred percent jealous because of that monkey guy. Kinontrol ko lang ang sarili ko kanina para hindi makasapak. Dahil ayokong sirain ang pangako ko sayo.", muli kong wika.

"Tyler, wala kang dapat ikaselos. Sayo lang ako. Sayo lang ako magpapaligaw. Nothing else.", malambing na turan nito sa akin.

Bahagya niya ring hinagkan ng halik ang pisngi ko dahilan para maibsan agad ang galit sa damdamin ko.

Tangina! Alam na alam nito kung pa'no ako pakiligin ng patago.

"So let's go. Male-late na tayo sa first subject.", bigkas ng dalaga kasabay ng paghawak nito sa kamay ko.

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon