Chapter 43
Shamyka's POV:
Tito said, yes!
Pumayag nga siya na ipakasal ako kay Steven.
Kinulit ko kasi siya ng kinulit para lang hindi niya i-urong ang tungkol sa kompanya.
Kahit sa ganitong paraan man lang, matulungan ko sila mama para hindi na sila mamroblema pa.
___Napatayo na kaming dalawa nang lumabas ang doctor mula sa room kung saan ginagamot si Steven.
She said, ayos na ang pasyente at kailangan lang nito na magpahinga.
Hindi naman daw malala yung tama ng bala sa katawan niya.So I'm thankful, dahil naligtas ang lalaking pakakasalan ko.
"Ikaw na lang ang magsabi kay Steven sa kasal niyo. Aalis muna ako para dalawin si Tyler.", pagpapaalam ni tito.
Kaya tumango ako at pumasok sa room kung saan nandon ang binata.
Nakita kong natutulog ito, so I just sit beside him at bahagya kong hinawakan ang palad niya.
Maamo ang istura ni Steven.
Kung titingnan, talagang mabait ang pagmumukha niya.Siguro, nabilog lang ni Tyler ang utak ko kaya napaniwala niya ako na masama ang kapatid niya.
Pero 'di bale, babawi ako sa lalaki.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil niligtas niya ako.
At dapat lang na pasalamatan ko siya sa paraan na ikakasaya niya."S-Shamyka?", rinig kong bigkas nito dahilan para mapangiti ako.
"H'wag ka munang gumalaw, Steven. Hindi pa kaya ng katawan mo.", saad ko nang akma itong uupo.
Kaya sumunod naman ito sa akin at bahagya ring ngumiti.
"B-bakit nandito ka? Nakakahiya tuloy na nakita mong ganito ang lagay ko.", wika niya sa mahinang boses.
"Ano naman kung ganyan ang lagay mo? Mabuti na nga at ligtas ka. Alam mo bang nag-alala ako, lalo na ang papa mo.", balik na turan ko sa taong nakahiga sa puting kama.
"Nag-alala ka?", he asked.
Medyo ganado ang pagkakatanong niya na animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Oo. Nag-alala ako. Pero, ano ba talaga ang nangyari?", curious kong bigkas.
Magiging mapanatag siguro ang loob ko kapag sa kanya mismo galing ang totoong pangyayari.
"Pinagbabaril niya ang mga ka-miyembro ko, Shamyka. Halatang galit na galit siya dahil hindi niya nakuha ang gusto niya sayo. Lahat ng mga kasamahan ko, pinatay niya. Syempre, hindi na ako nanlaban pa dahil nag-iisa na lamang ako. I tried to please him, pero hindi siya naawa at binaril niya rin ako.", pagkekwento nito.
Ramdam ko ang kalungkutan at pait na sinapit niya mula sa taong 'yon.
Pati tuloy siya nadamay dahil naging hadlang siya sa pangrerape ni Tyler sa akin.
"I'm sorry. Hindi sana mangyayari 'yan sayo kung hindi mo ako tinulungan.", paghihingi kong paumanhin.
"Shamyka, no. Wala kang kasalanan. You don't need to say sorry. Ginusto kong tulungan ka, dahil 'yon ang tama. At kahit sino, gagawin ang ginawa ko. So you don't need to blaim yourself. You're special to me, Shamyka, that's why, I saved you.", wika niya na ikinatigil ko bigla.
Halos hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa huling katagang sinambit nito.
"Special ako para sayo?", tanong ko muli para ulitin niya 'yon.
"Hindi mo ba ramdam?", he chuckled.
"Hindi. Kasi--",
"Kasi lagi mong kasama si Tyler.", he continue.
Napayuko naman ako dahil parang gano'n na nga.
This past few days, halos nasa binata lamang ang atensyon ko kaya hindi ko na mapansin si Steven.
"Pasensya na. Tanga pa kasi ako no'n.", mapait kong turan.
Ang tanga ko masyado dahil kung sino pa ang tunay na nagmamahal sa akin, hindi ko man lang makita ang halaga niya.
"Ayos lang. I know you love my brother.", he replied.
"Pero mali pa rin eh. Nagkamali ako. Sana pala, nakinig na ako sayo.", wika ko ulit na talaga inaamin ko ang katangahan na ginawa ko.
Ang dami kong maling desisyon sa buhay na humantong sa ganito.
"Nagmahal ka lang. So just forget it. At least now, you learned your lesson, right?", ngiting sambit niya at napatango naman ako.
Pero teka, yung kasal pala.
Tiyak na matutuwa siya kapag binanggit ko ito sa kanya.
Kasi diba, mahal niya ako?"Ahm, may sasabihin nga pala ako sayo, Steven. I hope it's okay with you.", kinakabahan na saad ko sa lalaki.
Kumunot naman ang kanyang noo at pinaparating sa akin kung ano 'yung sasabihin ko.
"Actually, napag-usapan na namin 'to ng Dad mo. Alam mo naman siguro na hindi na matutuloy ang kasal namin ni Tyler dahil umurong na ako. So in exchange, I decided na--ikaw na lang ang pakasalan ko. Okay lang ba sayo? Kasi ano, kailangan kong isalba ang kompanya namin.", bigkas ko at medyo nakapakagat-labi na ako kasabay ng pagpikit ko ng mata.
Ayoko kasi makita kung ano magiging ekspresyon ng mukha niya. Because I know, sobra-sobra na ang tinulong niya sa akin.
Pero sa kabila ng aking kaba, tawa niya ang nangibabaw sa loob.
Kaya dahan-dahan akong napamulat dahilan para masilayan ko ang pamumula ng pisngi nito."Shamyka, kahit hindi mo ako tanungin. It's fine with me. Para mo na ring tinupad ang pangarap ko. As I've said earlier, you're special. And damn! Ang swerte ko dahil ikaw ang mapapangasawa ko.", pahayag niya at talagang hinalikan pa nito ang kamay ko.
"But I'm hoping that you will feel the same. Hindi man siguro ngayon, pero soon, sana mahalin mo rin ako.", pagsasabi niya bilang patuloy.
Kaya ang ginawa ko, hinaplos ko ang pisngi ng binata kasabay ng pagbitaw ko ng salita.
"Steven, hindi ka mahirap mahalin. So yes, I will do it. Handa akong mahalin ka."
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Ficção AdolescenteTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...