Chapter 48
Shamyka's POV:
Nagising na lamang ako dahil sa sakit ng likod ko. Ang tigas kasi ng hinihigaan ko at tila hindi ako sanay na matulog sa--banig?!
Fuck! Banig nga!
Kaya pala, ganito ang dulot nito sa katawan ko. Hays!
Napadako naman ang tingin ko sa maliit na bintana, kung saan nakikita ko ang sinag ng araw.
Nagawa ko na ring libutin ang mata ko sa bawat sulok ng kwarto na gawa lamang sa kahoy.
"Teka, nasaan ako?
Saan ba ako dinala ni Tyler?", tanong ko sa sarili.Pero bigla akong natigilan nang marinig ko ang tawanan mula sa labas.
Sa boses palang, alam kong si Tyler ang nagpapatawa, samantalang tawa naman ng matanda ang umaapaw do'n.
Kaya bahagya akong tumayo para silipin kung ano ang ginagawa nila.
At mula dito, natatanaw ko na merong hawak si Tyler na--kamote?
Oo, kamote nga. Binabalatan niya ito at nilalagay sa plato.
"Ang bait mo pala, hijo. Napaka-swerte ng girlfriend mo.", saad ni Ale sa kanya.
Napangiwi ako ng labi dahil tiyak na ako ang tinutukoy nito.
Girlfriend?
Tsk. Kalokohan! Nagbreak na kami. Kaya paano niya ako magiging girlfriend?"Oh, bakit nalungkot ka yata? May sinabi ba akong mali?", tanong muli ng matanda.
Hindi ko kasi makita ang reaksyon ng binata dahil nakatalikod ito sa akin.
Kaya sa palagay ko, biglang umiba ang awra niya."Ahm, hindi ko kasi alam kung paano bumawi sa kasama ko, Ale.", malungkot na sabi niya.
"Nag-away ba kayo?", tanong nito sa binata.
"P-parang ganon na nga po. At hindi ko alam kung paano siya suyuin.", pagtuturan ng lalaki.
"Napakasimple naman ng problema mo, hijo. Gusto mo, turuan pa kita?", bigkas muli ni Ale.
"Talaga ho? Sige, gusto ko po 'yan.", wika ni Tyler na alam kong nakangiti ito.
Sa kilos niya palang, sobrang kakaiba na animo'y hindi siya masamang tao.
Pero hindi. Hindi dapat ako magpaniwala sa mga kinikilos o inaakto niya, dahil alam kong pakitang-tao lamang ang ginagawa ng binata.
"Oh, gising na pala ang nobya mo. Magandang umaga pala sayo, hija. Halika ka, at kumain ka ng almusal. Masyado kasing mahimbing ang tulog mo kagabi, kaya hindi ka tuloy nakakain ng hapunan.", mahabang litanya ni Ale nang makita ako.
Pilit akong ngumiti at dahan-dahan na lumapit sa gawi nila.
"S-salamat po. Pero gusto ko pong linawin sayo na hindi niya ako nobya.", saad ko kasabay ng aking pag-upo sa upuan na gawa rin sa kahoy.
"Huh? Teka, kung ganon, magkaano-ano kayo?", tanong ni Ale sa amin.
I was about to answer her question pero mabilis na tinakpan ni Tyler ang bibig ko.
"Pagpasensyahan mo na po Ale, ang girlfriend ko. Ganito talaga siya kapag galit, dinedeny ako sa harapan ng ibang tao.", turan nito dahilan para mainis ako ng husto.
Kaya naman kinagat ko ang daliri niya at napahiyaw ito sa sakit.
"Ano ba?! Pati ba naman siya, loloko---hmmm.", he kissed me.
Oo, hinalikan niya ako at napaurong tuloy ang dila ko.
"Kayo talaga na mga kabataan, masyado kayong mapupusok sa pag-ibig. Oh siya, aalis na ako dahil kailangan ko pang mamalengke. Basta, tulungan niyo ako mamaya ha? Dahil fiesta pa naman ngayon. Baka dumating ang anak ko.", turan ng matanda at nakita kong kinuha niya ang pitaka.
Nang umalis ito, agad kong sinampal ang binata.
Nilakasan ko 'yon, para magising siya sa realidad."Hindi na ako natutuwa, Tyler. Pati ibang tao, binibilog mo ang utak. Ganyan ka na ba talaga ka-demonyo?", tanong ko rito na may galit sa tono.
"How about you, Shamyka? Ganyan na ba katigas ang puso mo? Bakit parang ang bilis para sayo na kalimutan ang mga nangyari sa atin? Minahal mo ba talaga ako?", pagbabalik na tanong niya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko, kaya nung tinanong niya ako, natigilan ako bigla.
"Siguro nga, hindi mo ako minahal. Kasi kung totoo ang pagmamahal mo sa akin, magagawa mo akong paniwalaan.", malungkot na sabi nito.
Napahinga ako ng malalim at iniwas ko ang tingin sa lalaki.
Nakikita ko kasi ang luhang namumuo sa mata niya na hindi ko kayang panoorin na pumatak ito.
"Itigil mo na 'to, Tyler. Wala rin namang patutunguhan ang lahat.", tanging saad ko.
"At sa tingin mo, may patutunguhan ka kay Steven? Shamyka, kahit palayain kita, hindi ka magiging masaya sa kanya. Dahil sa aming dalawa, siya ang totoong demonyo. Naset-up ako. At si Anton, trinaydor niya ako. Lumipat siya sa grupo ni Steven at pinagplanuhan nila na siraan ako sayo---",
"SHUT UP! H'wag mo ng paikutin ang ulo ko!", malakas na sigaw ko at hinarap siya.
"Tandaan mo 'to Tyler, kahit anong tago mo sa batas, mahahanap at mahahanap ka rin nila.", pagpapaalala ko sa lalaki.
Tumayo na ako, para sana bumalik sa kwarto.
Nawalan na rin kasi ako ng gana na kumain dahil sa inasta ng binata.Kaso, hinawakan niya ang braso ko, at may binitiwan s'yang salita.
"Sige, pagtabuyan mo ako. Turingin mo akong kriminal, kung 'yan ang gusto mo Pero handa akong tiisin 'yon, Shamyka dahil mahal kita. Mahal na mahal kita kahit ang sakit-sakit na.", pahayag nito pero pinili ko na 'wag siyang pakinggan.
Marahas kong inalis ang kamay nito sa aking braso at mabilis na tumungo sa kwarto.
Hindi niyo naman ako masisisi dahil nasaktan din ako.
Dahil buong buhay ko, ngayon lang ako nagmahal.
Minahal ko si Tyler, pero sa huli, s'ya rin pala ang sisira ng tiwala ko.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Novela JuvenilTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...