Sa sala ako dumiretso para do'n ilabas ang kainisan ko kay Tyler.
Hindi siya marunong sumunod sa mapapangasawa niya!
Like ghad!
Gusto ko lang naman ipagdamot siya dahil alam kong pagpipyestahan ng mga bakla ang kagwapuhan niya pagpunta namin do'n sa sikat na designer.
Tsk.
Ibinalibag ko ang remote nang mabuksan ko ang TV.
Mas pinili kong manood muna para pakalmahin ang sarili ko.Kaso ilang minuto palang ang lumipas, may narinig agad ako na yapak ng sandal na nagmumula sa hagdan.
Tiningnan ko naman kung sino 'yon, at laking gulat ko nang masilayan ko si Tyler.
Yes! Si Tyler nga!
He's now wearing a red dress na talagang fit na fit sa kanya.Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what?
Kasi para s'yang si Hulk na labas ang makisig na braso niya."I'm doing this because I love you.",
"--I'm doing this so that your attention is only mine. So don't let Steven touch you, tomorrow. Arasso?", bigkas nito na talagang may korean word pa sa hulihan."Oo naman. Hindi na. Pero teka, bakit ka pala sumuot ng sandal? Wala naman sa usapan natin 'yan.",
"Cinareer ko na eh. Para hindi ko na magtampo. And infairness, kasya sa akin ang sandal mo.", wika niya na nagboses babae pa.
Natawa ako do'n sa part na bigla s'yang pumiyok! HAHAHA. Wala lang, trying hard kasi ang gangster na 'to.
I just can't believe na yung leader ng Red Gang, barbie na ngayon.
Iba talaga ang karismang dala ko at napapaamo ko siya.
___
Hindi ko na pinatagal pa at pumunta na kami ng Mall.
Pagmamay-ari kasi 'yon ng beki na kilalang designer ng mga gown.
Kaya tiyak na magiging maganda ang kinalabasan ng susuotin ko bukas.
"Ouch!", impit na sigaw ni Tyler nang bigla itong matapilok.
"OMG! Hindi ko na 'to carry. My toes hurt.", pabebeng saad niya.
Gusto kong tumawa ng malakas, pero pinigilan ko dahil nakakahiya naman sa maraming tao.
"Kaya mo 'yan. Malapit na tayo oh. Isang floor na lang.", bulong ko sa binata.
"Bakit ba ayaw mo sa escalator? Pinapahirapan mo ako, babe.", ngusong turan nito.
"Look, ang daming babae ang gumagamit ng escalator, ayokong may tumitingin sayo.", pagpapaliwanag ko naman.
"Ikaw talaga. You really love me, ha?",
"Oo, love kita. Kaya magtiis ka muna.", tanging sambit ko.
Pero aba, bigla ba naman pinisil ang kamay ko na animo'y kinikilig.
"Pereng geste keteng heleken ngeyen, babe.", mahinang saad niya.
"Tumahimik ka nga. Bakla ka sa paningin ng iba, kaya ayusin mo ang kilos mo. Pesteng yawa ka!", pagpapatigil ko sa lalaki.
Nakarating kami sa pinakataas kung saan nando'n ang may-ari.
Actually, kilala na ako nito dahil naging costumer niya ako ng ilang beses.Pero syempre, malanding-malandi ito pagdating sa mga pogi kaya nga ginawa kong binabae si Tyler.
"Hi siss. Busy ka ba?", bungad na tanong ko sa beking nakaupo.
"Oh Shamyka, my girl. You're here. Napadalaw ka?", masayang bigkas niya.
"May kailangan kasi ako. And I know, ikaw ang makakatulong sa akin no'n. By the way, meet my friend, Tyler Alexi-- I mean, Alexa.", pagpapakilala ko sa katabi ko.
Biglang umiba ang ekspresyon nito kaya ngumiti lang ako sa binata.
"Himala ah! Meron ka na palang new friend ngayon. Anyways, she looks good. Kaso nga lang, yung braso niya, panlalaki.", komplimento ni Beki at akma sanang hahawakan ang muscles ni Tyler pero mabilis ko itong tinapik.
"Alam mo, maarte 'tong kaibigan ko. Ayaw n'yang hinahawakan siya.",
"Gano'n ba? Sayang naman. Nakakaakit kasi ang braso.",
"Ano ka ba, braso lang 'yan. And beside, hindi kayo talo dahil bet niya rin maging babae.", pagsasabi ko muli.
"Hays. Bakit ba kasi naging girlalu ka pa. Pwede naman natin pag-usapan 'yan.", sambit ni Beki na tila type na type ang kasama ko.
Tsk. Hindi yata umubra ang pagpapasuot ko ng dress kay Tyler.
Babae na nga ang datingan, andami pa ring nagkakagusto!
END OF CHAPTER 31
©Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Novela JuvenilTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...