Five
Laine's PoV
"Just give me your fucking phone!"
Kahit na labis na siyang nanghihina, hindi ko pa rin maipagkakailang nakakatakot pa rin siya. Sadyang malakas lang talaga ang loob ko ngayon dahil nanghihina siya; ni hindi nga siya makatayo eh. Tsk!
Nag-arko naman ang kilay ko sa sinabi niya at tinatry kong intindihin ang gusto niyang gawin sa cellphone ko.
After a few minutes of thinking, may pumasok na rin na idea sa utak ko kung bakit nga ba niya kailangan yung cellphone ko ngayon. Kaya kaagad ko siyang sinabihan.
"Ah! Gusto mong tumawag ng ambulansiya? Sige, ako na ang tatawag for you," sabi ko at nag-dial.
Nang matapos kong masabihan ang ambulance, napatingin ulit ako sa kaniya. Nakakaawa yung kalagayan niya, kaso may kasalanan kasi siyang nagawa sa akin, kaya sorry na lang, Yzece. Mukhang hindi mo talaga araw ngayon. Kung sana'y naging maayos yung takbo ng dare sa akin, baka nadala na kita sa hospital kanina pa. But since I hold grudges, pasensyahan muna.
"There. It's done. Bye. See ya when I see ya."
Aalis na sana ako nang mahawakan na niya naman yung binti ko at mas lalo niya lang itong hinigpitan. Aray ko po. Ang sakit. Nanghihina na nga yung katawan niya, pero malakas pa rin yung pwersa niya.
"Just give it to me!" sabi niya na nakalahad ang isang kamay.
Napangisi naman ako dahil may idea na pumasok sa utak ko. Napakunot-noo naman ang nanghihinang Yzece sa lupa. Lagot ka sa akin ngayon kasi araw ko 'to, kaya magtiis ka diyan mag-isa!
"Ane ba kashe ang gushto mo?!" pabebe at kunwari ay mangiyak-ngiyak ko pang sabi. "Itong katawan ko??" sabay yakap ko pa sa sarili.
Lihim akong napangiti sa naging reaksyon niya. Mukha siyang ewan doon, pero pinagpatuloy ko lang yung drama-dramahan ko.
"Waaaa~ wag po, wag pooo~ Hu hu hu hu. Virgîn coconut oil pa po ako, please let me go naaa~" Kunwari ay nababaliw kong sabi sa kaniya para naman effective at mas kapani-paniwala itong drama ko.
Agad akong napaayos ng tayo at nagtaas ng kilay sabay sabi ng, "Sorry ah. It's off limits. BYE. Hoping not to see you again!"
Saka ko inapakan ang kamay niyang nakahawak sa kaliwa kong binti gamit ang kanan kong binti at kumaripas na ako ng takbo.
Hindi ako nakonsensya. Tumawag naman na ako ng ambulansiya!
Kaya kailangan kong i-disregard itong guilt ko, itatapon sa basurahan at dapat ng kalimutan.
Masyado naman siguro akong mabait kung tutulungan ko pa siya, diba? Gayung siya nga ang dahilan ng pagkasira ng beauty'ng iniingatan at pinagmamalaki ko.
Deserve ko ba ang masiraan ng mukha? Huh? I think not. Pero yung badboy na yun? Deserve niyang magdusa! Kaya let's just focus on ourselves, Laine, okay? Kalimutan yung nangyari dahil hindi naman ikaw ang may gawa no'n sa kaniya.
Atsaka isa pa, nagka-ganoon naman siya dahil sa kasamaan ng ugali niya. Diba?!
Baka may galit at may kasalanan siya sa sumaksak sa kaniya kaya ganoon na lang siya kung basta-bastang saksakin na parang walang awa.
BINABASA MO ANG
The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]
RomanceEllaine is known as the ultimate "bitch" at her university--a troublesome student who constantly finds herself in detention, often ordered by the university's Student Government President, Draight Rim Gonzaga. Meanwhile, Yzece Drei Sandoval has earn...