Four

174 13 0
                                    

Four

Yzece's PoV

"Yzece Drei Sandoval! Kailan ka ba magtitino? Fourth year college ka na, pero bakit parang nasa puberty stage ka pa? Do you even realize what you did to one of your friends? You almost broke his ribs!" Yan ang kanina pang sermon sa'kin dito sa disciplinary office. Nababagot na nga ako kakahintay kung kailan matatapos ang old hag na'to.

Why is she nagging at me? Because I got into a fight with one of my classmates. At bakit ako nakipagsuntukan? Because he was recording videos on his phone in the girls' changing room.

Nirerecord niya ang mga girls na naliligo at nagbibihis sa may likod ng gym. Sira na yung CCTV sa parte na yun kasi lumang building na, atsaka deleted na'rin yung videos sa phone niya kaya wala ng ibedensya sa ginawa niyang kagaguhan.

"Are we not done yet?" bored kong tanong sa kaniya, kaya nagbuntong-hininga siya at tumango.

Tumayo na ako sa upuan at may inabot siyang papers.

"You will be placed on probation, and you must adhere to the conditions set forth. It's imperative that you demonstrate your ability to change. Your probation will last for 4 months. If there are any further violations, the consequences will be severe, and your standing in this college will be at risk."

Tumango lang ako at walang pakialam na lumabas sa opisina.

Hindi pa ako nakakalayo ay may humila na ng braso ko. Inis ko itong tinapunan ng tingin.

"What the hell?!" sabay tulak sa kaniya at aalis na sana dahil wala ako sa mood makipagbasag-ulo ngayon. Lalo pa't nasa probation ako.

Pero hinawakan lang nito ang braso ko para pigilan ako sa pag-alis.

"Gar, may utang ka pa na hindi namin nasisingil," saad ni Dave, na kaibigan ng binugbog ko kahapon na nasa hospital na ngayon.

"Utang? Bakit?" sarcastic na tanong ko habang nakangisi at marahas na binawi ang braso ko. "Kasi wala kayong naibentang videos kahapon?" dagdag kong saad na may halong pang-aasar.

Napachuckle siya at nag-signal sa dalawa pang kasama para hawakan ako, pero mabilis ko silang napahiga sa sahig.

Sinigurado ko rin na wala silang injury dahil baka madagdagan pa ang longevity ng probation ko.

"Pa'no mo naman nalaman yung maliit naming negosyo?" kalmadong tanong ni Dave, pero alam kong nanggagalaiti na siya sa galit.

"Tsk. Maliit na negosyo? Sabagay, school social website pa lang naman, diba? Siguro matatawag mo itong 'malaking' negosyo kapag naging katulad na kayo ng p*rnhub?" patuloy kong mock sa kaniya.

Ito kasing si Dave at ang kaibigan niyang si Renon ay kaklase ko. Software Engineering ang kurso namin, at nakapag-develop sila ng dirty website na tanging ang magpu-purchase lang ang makaka-access. Mostly ang kanilang customer ay mga lalaking estudyante dito sa university, at mostly na videos ay mula rin sa mga babaeng estudyante na kung minsan ay tino-took nila with or without consent, and even forced.

Nalaman ko lang kahapon ang illegal website nila dahil nahack iyon ng kaibigan kong si Jyren at nahuli ko naman si Renon sa akto na kumukuha ng videos sa may restroom ng gym.

The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon