Sixteen
Laine's POV
"Ellaine... Gusto kitang mahalin..." Sabi niya habang umiiyak. Ngumiti ako at pinunasan rin ang kaniyang luha...
"Pwede mokong mahalin Draight... Pwedeng-pwede... Bakit kasi ayaw mo??"
"Kasi kasal na ako. May asawa na ako Ellaine.." Umiiyak niyang turan... "Hindi kami kasal sa simbahan pero kasal kami sa papel...."
"Bakit Montejos pa rin ang apilyedong ginagamit niya?? Wag mo nga akong lukuhin Draight." Sabi ko at marahan siyang hinampas sa kaniyang braso. Hindi pa rin kasi ako naniniwala.. Ayaw parin tanggapin ng puso ko ang katotohanang ito...
"Kasi ayaw kong gamitin niya ang apilyedo ko..." Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na tila ba ay natatakot siyang mawala ako sa buhay niya...
"Sheena loved me, ever since we were young... Magkababata kasi kami at magkaibigan pa ang pamilya naming dalawa... Pero hindi ko nalang yun pinansin kasi nga mga bata pa kami no'n... Iniisip ko no'n na baka puppy love lang.... Nag-highschool kami at gano'n pa rin siya. Paulit-ulit niya akong sinasabihan ng 'I love you.' Pero sinasagot ko lang siya ng 'thank you', Hindi ko talaga yun sineseryoso. Dahil hanggang nakababatang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya... Pero nong nag second year college na kami... Nilasing niya ako... Dinala sa bahay nila at doon ako pinatulog sa kwarto niya. Pagkagising ko kinaumagahan ay magkatabi kaming dalawa. Parehong walang suot na damit... Pero alam ko sa sarili kong hindi ko siya ginalaw. Ngunit naabutan kami ng mga magulang niya. Galit na galit yung parents niya lalong-lalo na yung dad niya.... Ayaw nilang Pakinggan ang side ko. Alam ko talagang hindi ko siya ginalaw nong gabing yun pero kinabukasan ay inaartehan niya ang mga magulang niya... Kesyo daw mahal daw namin ang isa't-isa at etc. etc... Kaya napilitan si daddy na ipakasal ako sa kaniya..."
"Kasal ka nga..." Dismayado kong sabi... Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa beywang ko at nagmamadaling tumakbo palayo sa taong gusto ko....
Shit!! Sinasabi ng utak kong layuan ko na siya... Pero nasasaktan naman ang puso ko... Takteng pag-ibig to!!! Bakit kailangan pang maging ganito???? Sheeeet!! Ayaw kong maging kabet!! Ayaw kong matulad sa nanay ko...
****flashback
"Hay naku, daddy kong gwapo. Tiyak akong magugustuhan ni mommy itong regalo natin sa kaniya... Tayong dalawa ba naman ang nakaisip eh!" Sabi ko sa daddy ko habang naglalakad kami papunta sa office ng mommy ko. Balak naming sorpresahin ang mommy ko dahil after 20 years niyang pagtuturo ay sa wakas, natupad na rin ang pangarap niyang maging dean..
"Sana nga anak.. Sana nga.." Kinakabahan na sabi ng daddy ko. I'm a daddy's girl. Mahal na mahal ko si Daddy kesa kay mommy... Puro trabaho kasi ang inaatupag ni mommy. Pero okay lang... Andito naman ang daddy ko eh... Mahal na mahal ako nito eh..
Nakarating na kami sa pintuan ng office ni mommy at rinig na rinig namin ang mga ungol mula sa loob. Kumunot ang noo ko.. Ano yun???
"Uuhh, Harry... Make it fast..." Boses yun ni mommy. Anong nangyayari sa loob??
"Sure babe.." Hindi pamilyar na boses naman ng isang lalaki.
Agad kong binuksan ang pinto dahil si daddy parang nanigas na yata sa kinatatayuan niya. Nagulat ako ng makita ko ang mommy kong nakahubad pati na ang kasama niyang lalaking hindi ko naman kilala. Nakapatong pa yung lalaki sa katawan ng mommy ko..
.
.
"Daddy??" Sabi ko habang kinakalabit ang shirt ni daddy. "Daddy anong ginagawa nila?"
Oo first year college na ako non pero hindi ko pa alam yang mga ganyan... I'm a well sheltered girl... At mga limited informations lang ang tinuturo sakin ng mga magulang ko about romance. Homeschooled din kasi ako kaya wala pa talaga akong masyadong alam sa mundo. Doon ko lang nalaman na ginagawa pala iyon, para gumawa ng baby...
Dahil sa ginawa kong pagkalabit sa daddy ko ay nabalik naman siya sa realidad at kaagad na sinugod ang lalaki ng sunod-sunod na suntok. Pinigilan siya ni mommy...
"Wag mong saktan ang taong mahal ko!!" Yan ang sigaw ni mommy. Kaya napatigil si daddy at nakita ko ang pagpatak ng kaniyang luha.
"Edi, magsama kayong dalawa!" Sigaw ni daddy at nagmamadali na siyang umalis. Sinundan ko siya pero napahinto ako ng may biglang tumawag.....
*****end
Tinawagan ko ang mga kaibigan ko... Niyaya ko silang mag bar.
@bar
"Woohooo~" Hiyaw ko habang naghe-headbang sa lakas ng tunog ng kanta at tinungga ang isang bote ng beer. Tinungga ko yun na parang mineral water.
"Graveh, girl ah.. What's your problem na naman ba?" Jaine.
"Maglalasing ka na naman! Tapos sasama na naman sa kung sino-sino diyan?! Aish! Pag ako nainis, ibebenta na talaga kitang babae ka!!" Trex
"Haynaku girl... Sumayaw na nga lang tayo do'n! Hayaan na muna natin siyang mag-isa." Yena. Umalis na yung tatlong babae kasama sila Dwayne, Jin, at Liam. Ako nalang ang naiwan dito sa counter at panay ang pag-order ng inumin.
Wohooo~ lunurin moko alak plssss... Lasingin moko at bigyan ng sakit na amnesia... Gusto kong makalimutan ang nakaraan at ang nagyari kanina... Gusto kong kalimutan ang lahat... Gusto kong maging masaya!! Pero bakit parating may humahadlang?!!! Bakit parang BAWAL yata akong magmahal??!!!
"Hahahahahha! Sige pa! Bigyan mo pa ako!! " parang baliw ko ng sigaw sa bartender. Nagwawala na ako sa counter dahil sa dami na ng aking nainom.. Hindi ko na mabilang ang boteng naubos ko.. Pero bakit hindi pa rin ako makalimot?? Aish! Mabuti pa ang sumayaw. Kinuha ko yung bagong serve niyang alak at kaagad na ininom iyon, pagkatapos ay nagtungo sa dance floor at sumayaw na parang baliw. Pero biglang nag-iba yung music... Mula sa disco ay naging pang-romance. Kaya napapout nalbg ako. Takte!! Nagsasaya pa ako dito oh? Hello~ pakibalik yung music... Aish!! Kahit na nanlalabo na yung mata ko ay napansin ko pa rin na nagpa-partner na yung mga tao at sumasayaw na parang mag couple.. Psh! Maghihiwalay rin kayo. Mga pota ninyo!!
Paika-ika akong naglakad paalis sa nagsasayawang couples. Babalik nalang ako sa pag-iinom...
Nang may biglang humila sa kamay ko. "You look devastated." sabi nong lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya.. Nanlalabo na kasi ang paningin ko... Nahihilo na rin ako dahil sa kalasingan...
BINABASA MO ANG
The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]
RomanceEllaine is known as the ultimate "bitch" at her university--a troublesome student who constantly finds herself in detention, often ordered by the university's Student Government President, Draight Rim Gonzaga. Meanwhile, Yzece Drei Sandoval has earn...