One

344 12 1
                                    

One

Laine's PoV

Yow, people! I'm Ellaine Salazar, but you can call me Laine. I'm totally gorgeous, hot as hell, and sexier than Coke, Yakult, and others. Almost all the guys drool over my beauty and my body. I'm known at our university as the ultimate BITCH in our school.

Why?

Well, let me enumerate the reasons.

Una. Marami-rami na ang napaiyak kong reyna-reynahan sa school namin.

Pangalawa. Hindi ko na rin mabilang ang mga couples na nagkahiwalay ng dahil sa akin. Because I seduced their boyfriends.

Pangatlo. Hanggang ngayon, wala pang nakakatalo sa record ko as the most rated bitch in our school.

Yes, I'm a bitch! And what's wrong with that? Tanggap ko ang sarili ko. At hindi ako katulad ng mga pekeng tao diyan sa tabi-tabi, na akala mo kung sinong malinis, pero lintek! Mas mabaho pa pala sa imburnal ang tinatagong ugali! Pwe! Mga patapon!

Well, mga bitches, flashback muna tayo ng konti.

Naglalakad kami ng mga barkada ko sa hallway. Kasama ko ang mga kaibigan kong sina Dwayne at ang girlfriend niyang si Jaine, tapos sina Jin at Yena, at si Trex at Liam. Masaya kaming nagkukulitan nang biglang may bumangga sa akin. Isang haliparot na hitad ang nakita ko. Mabilis pa sa alas kwatro akong nagtaas ng isang kilay.

"What's wrong, Laine?" Trex asked, clearly not seeing that I was bumped by this hipon, who was currently sitting on the pavement.

Siya na nga itong nakabangga sa akin, siya pa talaga ang may ganang mag-inarteng nasasaktan habang hinihimas ang kaniyang pwet. Nyeta! Ang arte! Ni hindi nga ako natinag sa pagkakabangga niya sa akin... Tapos siya napaupo? Oh, bitch please, sinong niloko mo?

"Tatayo ka ba diyan? O baka gusto mong gawin kitang lumpo forever?" pagbabanta ko habang nakacross arms. Napansin ko naman ang pagkukumpulan ng mga estudyante sa paligid. Gosh! Nagmukha tuloy na binu-bully ko itong higad na ito sa sobra nitong kaartehan. May paiyak-iyak effect pa ang gaga! Don't play me, girl! I know your style!

"Ano ba kasi ang ginawa ng pest na 'to?" Trex na nakakunot ang noo dahil hindi ko siya pinansin habang nakaturo kay higad. Akmang susugod na yung mga kasama ko, dahil alam nila ang kaartehan ek-ek ng babaeng ito, kaya agad ko silang pinigilan.

"Oops. Wag na kayong makisali. I can handle this higad," maarteng saad ko sabay ngisi. "Pwede ba? Wag mo nga akong artehan? You're the one who bumped me, so you're supposed to be the one responsible here." My God! Maaabot na yata sa langit ang aking kilay sa sobrang taas ng pagkaka-arko nito nang bigla na lang umiyak ng malakas yung babaeng higad. Bwiset na'to. Ako pa ang ginawa niyang antagonist ngayon? Like, bitch please, don't be like that. You can't fool me.

Nagsimula nang magbulungan ang mga nagkukumpulang estudyante and they started pointing fingers at me.

"Nangbubully na naman ang bitch na malditang yan."

"Na naman? Napakahilig niya talaga sa gulo! Mayaman nga, pero wala namang class."

"Bakit kasi hindi na lang siya humingi ng sorry? Kitang-kita naman kung sino ang kawawa."

"Gusto niya lang makakuha ng atensyon! Laine, the attention seeker."

"Parang lagi na lang siyang bida!"

"Ang daming drama ah! Magsabunutan na, ang tagal naman!"

"Gusto ko na lang siyang i-ignore! Let's go na bes, naiirita lang ako sa panibagong eksena ng bitch na yan."

The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon