Twenty Three
Laine's POV
Napairap nalang ako habang nakatingin sa nababaliw na si Yzece. Tawa ng tawa, wala namang nakakatawa! Bahala siya diyan! Basta ako! Nagugutom na kaya magluluto na ako ng pagkain sa kusina.
Ewan ko kung dito siya kakain pero nagluto ako nang good for two people. Baka kasi kumain dito yan eh. Oh well, baka lang naman...
Hindi pa ako tapos magluto ay nagulat nalang ako ng nakaupo na sa dining area si Yzece. Para itong bata na naghihintay ng pagkain niya.
"Oh? Sinabi ko bang dito ka kumain? Umuwi ka na sa bahay mo! Hindi kita pinagluto! Kala mo, maid mo'ko no?"
"Sino kaya satin ang naging maid ngayong araw?" Balik na tanong niya sakin kaya tumahimik nalang ako at lihim na napangiti. Nagsandok ng kanin at adobong manok at inilagay iyon sa lamesa.
Kumuha naman siya ng dalawang plato, dalawang kutsara atsaka tinidor at maayos na inilagay sa lamesa.
Tahimik lang kami habang kumakain. Tanging ang mga kubyertos lang ang gumagawa ng ingay. Pansin ko naman na panay tingin siya sakin tapos parang nagpipigil ng tawa. Kaya tumingin ako sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin.
"There's something on your face." Simpleng sabi niya. Inirapan ko muna siya bago ko ito pinunasan. Pero wala naman. Kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin.
"Aish! Ito oh!" Sabi niya at lumapit siya sakin. Magkaharap kasi kami, pagkatapos ay pinunasan niya yung mukha ko gamit ang kamay niya.
"Ayan! Malinis na yung kamay ko! Thank you ah!" Sabi niya matapos niyang gawing pamunas ang mukha ko!
"Takte ka! Gusto mo ba ng gulo, huh?!" Naiinis kong sabi kasi naramdaman ko na may malagkit sa mukha ko. Pero yung gagong lalaki, tinawanan lang ako. Litse!
Matapos naming kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at hinugasan na ito. Pati yung mukha ko na ginawa niyang pamunas. Litse talaga! Para siyang bata! Grrr~
Nang makarating ako sa sofa ay nandoon pa yung gago at nanonood ng movie. "Oh? Ba't di ka pa umaalis?! Lumayas ka na nga! Ang laki-laki ng bahay mo! Tapos dito ka tumatambay sa bahay ko!"
"..." Hindi siya sumasagot kasi naka-focus ang buong atensyon niya sa panonood. My gosh! Ba'la siya diyan! Inaantok na ako, kaya matutulog na ako!
Paakyat na sana ako sa taas kung saan naroroon ang room ko ng bigla siyang mag speaklaloo, "Sa'n ka pupunta?! Halika muna dito. Manonood pa tayo!"
"Ayaw ko! Matutulog na ako!" Sabi ko at nagpatuloy sa pag-akyat nang bigla niyang mahawakan ang pulsuhan ko.
"Diba sabi mo, baka hindi na maulit 'to. Kaya halika na, sabayan mo'ko sa panonood ng porn." Nang dahil sa sinabi niya ay mabilis pa sa alas kwatrong dumapo ang kamay ko sa mukha niya. At yung gago? Tawa ng tawa, takte talaga!
"Just watch that movie with me." Gosh! Vaket ang hot-hot niya tignan?? Pag di ko talaga mapigilan ang sarili ko, nako! Lagot talaga sakin tong lalaking 'to eh!
"Aish! Fine!" Pagsusuko ko at naglakad na papunta sa sofa at umupo doon. Tumabi naman siya sakin at muling nagfocus sa panonood.
Gosh! Bumibigat na talaga ang talukap ng mata ko. Takte! Inaantok na talaga ako.. Tapos ang boring pa no'ng movie! Mas lalo tuloy akong inantok... ZzzzzZz
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]
RomantikEllaine is known as the ultimate "bitch" at her university--a troublesome student who constantly finds herself in detention, often ordered by the university's Student Government President, Draight Rim Gonzaga. Meanwhile, Yzece Drei Sandoval has earn...