Seven

168 8 0
                                    

Seven

Laine's POV

Hindi ko alam kung makikinig ba sakin ang lalaki na'yun. Pero habang naglalakad ako patungo sa room ay umaasa ako na sana, sana ay makinig siya at sumunod siya sa usapan. Para hindi na ako mahirapan.

Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko nga ba sinusunod ang iniutos sa'kin ng magaling kong ina-inahan na kahit kailan ay hindi naman naging tunay na ina. Pero heto ako't lihim na umaasa na sana ay makinig ang lalaking kaniyang tinuran sa akin na dapat daw ay makapagtapos ng pag-aaral.

Sa kabilang banda, hindi rin maalis sa akin ang pag-aalinlangan at ang pagdududa. Ano nga ba ang tunay na rason kung bakit ang magaling na dean, ay humantong sa ganitong klaseng tactics or option para lang masunod ang kaniyang nais? Ano nga ba ang tunay na dahilan? Bakit parang mahalaga sa kaniya na makapagtapos ang dakilang badboy ng school na'to? It's not like naging ganyan yang isa na'yan na sarili niyang kadugo, or should I say 'anak'.

"Hey," Napabalik ako sa realidad nang may biglang nagsalita at doon ko lang din napagtanto na nasa pinakadulo na pala ako ng corridor. Shocks. Hindi ko na pala namalayan mula kanina kung saan na ako dinadala ng aking mga paa. Lumagpas na pala ako sa classroom at pambihira, nasa harap ko na naman ngayon ang SSG president ng school. Si Draight Rim Gonzaga.

"Yes, have you missed me?" I smirked at him, but instead of a response, he simply smirked back, his expression filled with an enigmatic mix of amusement and indifference.

"Ang arte mo veve Draight ha, by the way, bakit ka nandito sa harap ko? Why o why my lovely lullaby?" Taas noo kong sabi sa kaniya na may malawak pa na ngiti sa labi. Hindi pa siya nagsasalita ng may napagtanto ako kaya biglang nanlaki yung mata ko at kaagad na muling nagsalita.

"Oh, oh. No, no." Sabay shake ko pa ng index finger ko sa harap ng mukha niya. "Don't you ever tell me na ipapakulong mo na naman ako sa detention. No, no, no." Tsaka ako sunod-sunod na umiiling habang winawagayway ang aking kamay.

"I guess," nagkibikit balikat pa ito. "Anyway, the dean just asked me to inquire about the task she assigned to you. I don't have all the details, but you can provide her with an update in her office." Simpleng sabi lang nito saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad sa kabilang direksyon. Ehh? Ano daw?

Hindi pa siya nakakalayo ng bigla siyang huminto sa paglalakad, "And, by the way, Miss Ellaine Salazar, your 'pets' are probably missing you right now. Would you like to visit them?" He smiled, yung ngiti niya na mapang-asar. Kaya napataas ako ng kilay.

"And what exactly do you mean by that, Mister President?" I asked, saying the words in a sarcastic tone. I know exactly what he means, he's mocking me, and he's particullarly referring to the insects, mosquitoes and rats inside the detention room. Gosh. I totally hate him but at the same time he's really attractive. Ang lakas kasi talaga ng sex appeal ng presidenteng 'to.

"Nothing." sagot niya lang na may nakakainis na ngisi sa kaniyang labi, bago tuluyang naglakad palayo sa'kin.

"Grr!" napabulalas ko nalang at naglakad narin ako pabalik sa classroom dahil lumampas na ako kanina. Medyo lutang ako kanina e, kaya hindi ko namalayang lumampas na pala ako ng classroom ko. Habang naglalakad pabalik sa classroom ay hindi ko maalis sa aking isipan ang napakagwapong ngisi ni Draight. Aaminin ko naatract talaga ako sa kaniya ng medyo slight. Ahihi, ampogi kasi mga vhie. Parang masarap siya, masarap gawing display boyfriend. Sheesh. Talandi ko talaga.

"Baliw ka talaga Laine, kahit kailan!" napasabi ko nalang sa sarili ko upang mabura sa isip ko yung tungkol sa pagnanasa ko kay Draight. Feistyyyy.

Papasok na sana ako sa room nang may biglang humila sa wrist ko, kaagad na kumunot ang noo ko sa inis. Guess who? It's him. The badboy. Haluh siya, balak pa ata akong solohin, umagang-umaga eh. Mula sa pagkakakunot ng aking noo ay ngumiti ako ng peke. I have to avoid making him mad. I don't want to end up in the hospital again. At the same time, I need to keep him under control so that my useless mother won't bother me again.

The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon