Nineteen

105 11 0
                                    


Nineteen..

Laine's POV

Gosh! Palapit na ng palapit ang mga ito sa akin. But there's nothing I can do! I can't run! Kasi masakit parin yung tuhod ko. Takte!! Hindi parin bumabalik ang kumag na Yzece nayun!! Baka kinain na yata ng mga sugarcanes?!

"Buhatin niyo na! Dalhin na natin yan sa lungga natin!" Drunk man # 1

"Hoy teka, sinong mauuna sa kaniya?" Drunk man #2

"Tinatanong pa ba yan?? Edi, ako!" Drunk man # 3

"Ehhh??" Yan lang ang reaksyon ko. Mga takte kasi eh!! Nagtatalo na kung sino ang mauuna daw sakin -_- psh! Maka-alis na nga! Tumalikod na ako at nagsisimula ng maglakad ng may humawak sa balikat ko.

"Hoy miss! Saan ka pupunta?" Drunk man #2

"Hindi ka pa namin napapakinabangan!" Drunk man # 3 sabay tingin sa suot kong seksi na short at sleeveless na blouse. Ito yung sinuot ko papunta dito. Nilabhan kasi ito ni lola.

"Oo nga! Kaya halika na!" Sabi ni Drunk man #1 at binuhat ako na parang sako ng bigas.

"Waaaa~ bitawan niyo'ko!! Hindi na ako virgin!! At hindi rin ako naliligo ng isang buwan! Bitawan niyo na kooooo~ hindi ako masaarraaap, pramisss!!!" Nababaliw ko ng sabi... Gosh! Ayaw nilang makinig! Takte!! Huhuhu.. Naiiyak na ako... Help meee..... Waaaaaaa~

"Hoy mga p*tang-ina! Bitawan niyo nga yang baliw na babaeng yan!" Narinig kong sigaw ni Yzece.

"Aish! May pakialamero!" Sabi ni Drunk man number 1 at ibinaba ako sa damuhan. Aray ko huh?! Masakit sa pwet!

Nagkakasukatan muna sila ng tingin bago nagsimulang magsuntukan. Wala pang 30 secs ay tulog na silang lahat!! Eh pano ba naman? Tag-iisang suntok lang ay napatulog na kaagad ni Yzece yung mga kumag. Mga weak! Psh! Iba pala talagang makipaglaban ang badboy! -_- sanay na sanay sa suntukan eh!

"Pupunta tayo kay nanay Koring ngayon. Siya ang pinaka-matanda sa buong town na 'to."

"Bakit?"

"Kaarawan niya ngayon." Simpleng sabi niya at muli niya akong pinasakay sa likod niya.

@nanay koring's house.
"Nay, mano po." Magalang na saad ni Yzece at nagmano siya sa matanda.

Pilit akong ngumiti at nagmano rin sa kaniya,

"Magandang gabi po."

"Hay! Ano ba yan iha?! Bakit ganyan naman ang suot mo?!" Nagulat pa ako ng bigla niya akong sinigawan. My gosh! I'm not bingi!

"Ito na po uso ngayon eh!" Simpleng sabi ko na may 'pasingkit' mata effect pa at tipid na ngiti.

"Dyos ko po! Yan ba ang nobya mo iho? Naku, bilhan mo nga yan ng mas maayos na damit! Ang panget-panget talaga niya. Malaswa yang tignan!" Saad pa ng matanda. Magsasalita na sana ako ng, 'hindi ko siya nobyo' nang muli itong magsalita na may kasama pang pahawak-hawak sa kamay ko.

"Anak, pahalagahan mo naman ang dignidad mo. Kung gusto mong respetuhin ka ng mga iba, dapat matoto ka munang respetuhin ang sarili mo. Kaya anak, sa susunod... Wag ka ng magsuot ng mga ganyang klase ng mga damit... Malaswa... Malaswa iyan anak..." Sabi niya pa sa malambing na boses. Dahil sa sobra akong na-touch ay kaagad ko siyang niyakap... Bakit ganito ang mga tao dito?? Kahit na hindi pa nila ako lubos na kilala ay ramdam na ramdan ko ang pagmamahal nila sakin.. Tapos binibigyan pa nila ako ng importansiya. I'm so happy...

Pagkatapos ay nagkakasiyahan ang lahat... Maraming handa na mga pagkain kasi nga kaarawan ng nakakatanda nila dito... Pagkatapos naming kumain ay may sayawan pa na inihandog kay nanay...

Kakaiba yung sayaw nila eh... Teka ah, ide-describe ko...

Magkahawak ang kanang kamay ni girl at ang kaliwang kamay ni boy. Yung kabila nilang kamay ay nasa likod. Tapos yung stepping ng sayaw nila ay paulit-ulit lang.. One step backward, one step forward. ... It's kinda... Weird..

"Iho, yayain mo naman yang kasama mo sa pagsasayaw..." Saad ni lola koring.... Kumunot yung noo ni Yzece at napataas naman ako ng kilay sabay turo sa sarili ko.

Nagkamot ng ulo si Yzece saka tumayo at lumapit sakin. Lumuhod siya habang nakalahad ang kamay.. Ganyan ba ang mag-aya ng isang sayaw dito?? Parang nagpo-propose lang ah....

"Ayaw ko nga.." Natatawa kong sabi... Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya tinanggap ko nalang yung kamay niya. Dinala niya ako sa nagsasayawan. Magkahawak ang kanan kong kamay at ang kaliwa niyang kamay. Inilagay niya sa kaniyang likod ang kabila niyang kamay kaya ginaya ko nalang yung ginawa niya.

Sabay kaming nag one step backward at nag one step forward at sheeet... I didn't expect it to be THIS close... Ang lapit-lapit ng mga mukha naming dalawa, graveh... Nakakaloka! Ang bango ng amoy ng kaniyang hininga... Sana all! Naaawkard tuloy ako... Pano nalang kung mabaho pala yung hininga ko, diba? Yuck! Nakakahiya!

One step backward and one step forward. At yung takte na lalaki... Mas hinila pa ako palapit sa kaniya... Muntikan na tuloy akong mapahalik sa labi niya.. Buti nalang at napahawak ang kaliwa kong kamay sa dibdib niya... Sheeeet! That was CLOSE!!! Wahuhuhuhu... Sayang din yun eh... Hahahahaha😂😂 Sheeet ang landi ko talaga...

Natapos ang sayawan at nagsibalikan ang lahat sa aming mga upuan.. Ganito pala kapag may birthday sa kanila... Lahat ng tao ay invited. Kaming lahat ay nakaupo sa damohan at gumagawa ng malaking bilog.. Samantalang nasa gitna ng bilog naman ang birthday celebrant. Ang bongga!.. Eh ako nga kapag nagbi-birthday ay si daddy lang talaga ang tanging kasama kong mag celebrate... How fun would it be if I were born in this place??? I think it would be a great life.

Lahat sila ay makukulit kaya tawa lang kami ng tawa. At ito pa ah, hindi sila umiinom ng alak. Nakakasama daw yan sa katawan... This place is just so warm.... I love it! Ramdam ko talaga na nagmamahalan ang lahat.. Kahit pa hindi sila magkadugo. But they're family... Pamilya ang turingan nila sa bawat isa... Sana all... 😭😢

Natapos ang party kaya bumalik na kami sa bahay kubo ni lolo berting. Ako ang naunang pumasok sa loob. Gosh! Gusto kong maligo dahil amoy araw ako. Pero takte! Natrauma na ako doon sa ilog. Ayaw kong masipsip ulit ng linta! Kaya tiis-tiis tayo pag may time.. Gosh! ang lagkit ng balat ko... Waaaa~ hindi ako sanay...

Maya-maya ay pumasok na rin si Yzece. Agad niyang nilatag ang banig at pinaandar ang ceiling fan at humiga... Bigla siyang napatingin sakin kaya nagtaas ako ng kilay... Hinahamon niya ba ako?? Ah ganun??! Gusto mo ng titigan challenge? Okay game!

Nakipagtitigan ako sa kaniya. Gosh! Ang ganda ng mata niya mga veve... Kulay brown na may halong green na ewan.. Basta ang ganda...

"Are you regretting that you came here with me?" Biglang tanong niya kaya muntik na akong mabulunan. Kaloka ah?!! Bigla-bigla nalang magsasalita, ganern?? Nagulat tuloy ako!

Nag isip naman ako.... "Actually nope. I would never regret that I came here with you. Because I learned a lot of things.. I get to experience new things... I felt warm... This place is so warm... The people here are so warm that they can even melt my cold heart..."

The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon