Two
Laine's PoV
"Dyusmiyo, fourth year college ka na. Kunting buwan na lang at ga-graduate ka na. Bakit ka naman pumasok sa school ng naka-two-piece? Blah blah blah..."
Nang dahil sa katangahan ko kahapon, napadpad tuloy ako ngayon dito sa disciplinary office.
At kanina pa talak nang talak ang dambuhalang babae na nasa aking harapan. Panay irap lang ang ginagawa ko sa bawat linyang binibitawan niya. Like I care, duhh! Naputol ang kaniyang maingay na bibig nang may biglang pumasok. Oh~ the dean is here.
"Your behavior is so inappropriate, Miss Ellaine Salazar. You're not only humiliating yourself with indecent clothing but also the school. Take note of that! This is not a beach, for heck's sake! And definitely not your playground! Wala ka na ba talagang kahihiyan?!" Inis na sigaw ng dean at sinampal pa talaga ako. Ang lakas talaga ng loob. Nyeta to!
Hinawakan ko naman ang nasaktan kong mukha at sinamaan ko siya ng tingin. Siguro kung nakamamatay yung pagtitig ng masama, paniguradong masaya ko na siyang nilalamayan ngayon. Tsk!
"Eh IKAW PO? Wala ka rin namang kahihiyan, di ba PO?" inis ko ring sigaw pabalik sa kaniya habang hinihimas ang nasaktan kong pisnge.
"Want me to remind you of what you did?" ngising dagdag ko pa.
Bigla siyang natahimik kaya lihim akong napangisi.
"Psh! Wag kasing magmalinis, okay? Gayung alam na alam ko naman ang baho mo, mom." Sabay irap ko sa kaniya at hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa dahil lumabas na ako ng office, pero narinig ko pa siyang sumigaw ng...
"Ide-delay ko ang graduation mo as your punishment!" Umirap lang ako sa hangin at walang lingon na nagpatuloy sa paglalakad.
Tsk! Wala akong pakialam! Kahit e-delay niya pa yung graduation ko ng thousand years.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at kaagad na tinawagan si Dwayne. Gusto kong maglasing! Gusto kong ma-cleanse ng alcohol ang buo kong katawan.
"Oh? Why did you tawag?" si Jaine ang sumagot.
"Punta tayo mamaya sa bar. Gusto kong mag walwal." sabi ko lang sabay call end. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil alam ko namang pupunta talaga ang mga 'yun. Lalo na kapag ako ang nag-aya.
Hindi na ako pumasok sa school at nagpunta nalang sa mall para bumili ng isusuot ko sa bar mamaya.
\\\\\\\\\\\
Nag-ayos muna ako ng mukha ko at hindi nagtagal ay nagtungo na ako sa bar kung saan palagi naming tinatambayan. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay may mga lalaki nang kaagad na nagsilapitan sa akin.
"Can we keep you compa—" hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin nang magsalita ako.
"Sorry, boys. Hinihintay kasi ako ng mga friends ko. Next time, okay? And by the way, here's my number." Malandi kong saad sabay abot sa kaniya ng calling card ko.
Nginitian ko sila ng pagkatamis-tamis at seksing rumampa papasok sa bar. Rinig ko naman ang pagkamangha nila sa pagkembot na ginawa ko at paniguradong laway na laway sila sa katawan at beauty ko.
BINABASA MO ANG
The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]
RomanceEllaine is known as the ultimate "bitch" at her university--a troublesome student who constantly finds herself in detention, often ordered by the university's Student Government President, Draight Rim Gonzaga. Meanwhile, Yzece Drei Sandoval has earn...