Six

168 9 0
                                    

Six

Laine's PoV

"Nilalandi mo ba yung prof natin?!" pangmalakasan kong tanong sa kaniya na nagpalingon sa buong kaklase ko pati na rin yung prof namin. Nanlaki naman ang mata ni Yena at kaagad akong hinampas sa braso.

"What's the fuss, Miss Salazar and Miss Salvador?!" pagtawag ng prof habang nakataas ang kilay. Halata sa mukha nito ang pagkainis.

"Wala po, prof. May saltik lang po itong kaibigan ko," nahihiyang sagot naman ni Yena.

"Sabi mo, oo!" baling ko naman kay Trex na kanina pa pala nagpipigil ng tawa, kaya nahampas ko ito sa braso.

Nakakainis, ginawa ba naman akong katawa-tawa. May palunok-lunok pa siya kanina ng laway sabay tango tapos trip lang pala. Shesh!

"Now settle down and be quiet. Miss Salazar, discuss this presentation to your classmates." Biglang utos sa akin ng professor na nagpanganga ng bunganga ko.

Ano daw? Ako yung magdidiscuss niyan? Is he even serious right now? Shete, napag-initan pa ata ako ng ulo nitong professor na'to.

"Wait, seryoso ka, Sir? Ako talaga?" sabay tayo ko at itinuro pa yung sarili ko.

Napansin ko naman ang pagpipigil ng tawa nina Trex at Yena. Napairap tuloy ako sa utak. Sheesh, kasalanan 'to ni Trex e!

"What do you think?" he asked in a very serious tone, kaya napakamot ako ng ulo.

Seryoso talaga siya beh, kaya lumapit na ako doon at mabilisang binasa ang nakasulat sa screen ng laptop. Naka-projector naman ito sa whiteboard namin sa harap kaya nababasa rin ito ng mga kaklase ko at literal akong napanganga. Wala akong maintindihan! Lagot na talaga.

"Start now," he said while raising an eyebrow. Napakagat naman ako ng labi at napatingin sa mga kaklase ko. Sheesh.

Naglunok ako ng laway at naka-questioning look na nakatingin sa dalawang kaibigan na nagpipigil ng kanilang tawa.

I mentally rolled my eyes in frustration. It's not like I'm bobo, but I wasn't prepared enough for this presentation. I didn't even know what the topic was all about!

"Pwedeng bukas nalang, prof?" pag-request ko sa prof, pero nag-cross arms lang ito at tinaasan ako ng kilay.

"Now. N-O-W." Seryoso niyang sabi with emphasis pa sa bawat pag-bigkas niya sa spelling ng salitang 'now', kaya napabuntong hininga na naman ako.

Muli kong nilibot ng tingin ang buong classmates ko, silently praying na matapos na ang klase kahit alam kong kakasimula pa lang nito.

"Are you just going to stand there?" inis na tanong ng professor.

"Sorry, prof. Wala akong maintindihan eh," kumakamot sa ulo kong sabi.

"Then you should study harder. Hindi puro landi ang iniisip!" inis niyang singhal sa'kin saka siya tumayo mula sa kaniyang inuupuan at sinamahan ako sa pagtayo dito sa gitna.

"Sit down," utos niya na kaagad ko namang sinunod.

Umupo ako sa gitna ng dalawang kaibigan na panay tawa ng palihim, kaya pareho ko silang kinurot sa tagiliran. Impit naman silang napasigaw sa sakit.

"Kasalanan niyo 'to, e." pagreklamo ko pa at nagmake-face lang silang dalawa.

Nagsimula na ngayong magdiscuss si Sir sa kaniyang presentation, habang panay chika lang kaming tatlo ng palihim dahil sobrang boring nitong dinidiscuss ni Sir.

///////

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang boring na discussion at nagtungo na kami sa canteen para mag-lunch. Hindi pa rin maka-move on ang dalawa sa nangyari kanina at patuloy pa rin nila akong inaasar.

The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon