Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa isang bar. Halos iluwa na ang kaluluwa ko sa suot kong damit. But I don't care! Maganda naman ang hubog ng katawan ko. Kaya nga maraming mga lalaki ang naglalaway sakin diyan sa tabi-tabi eh. Kanina pa nila ako inaayang makipagsayaw pero pilit ko naman silang tinatanggihan. Gusto ko muna kasing malasing!
Pakeningshit naman kasi! Hindi naakit ng beauty ko si Draight! Like the fvck? Sa ganda kong 'to?? Hindi niya ako gusto? Grr! Nanggigigil ako, pigilan niyo'ko! Halos ginawa ko na nga ang lahat ng mga seductive skills na alam ko pero hindi ko pa rin naakit yung gago na 'yun!
"Laine! Diba natalo ka sa bet natin?" nakangising tanong ni Dwayne. May bago na naman 'tong plano! Panigurado! Mga bwiset!
"Yeah right! Hindi mo naakit si Draight!" maarteng saad naman ni Jaine. Isa pa to! Iumpog ko kaya ang mga bungo ng magjowa na'to? Magkasundong-magkasundo sila sa halos lahat ng kalokohan! Mga litse!
Lahat sila ay nakangisi na ngayon sa harap ko. Napairap ako sa hangin sabay tungga ng isang shot ng inumin. Hindi ko alam kung anong klaseng inumin iyon. Pero ramdam ko ang pag-init ng aking lalamunan at nalasahan ko ang mapait nitong lasa.
"Now what?!" inis kong sabi sabay irap. "Name your consequence!" sabay cross legged at cross arms ng nakataas ang isang kilay.
"Yan ang gusto ko sayo Laine! Madali kang kausap!" Jin ng may malapad na ngisi habang tinuturo pa ako. Tsk!
"Wait, wait, wait! I found someone!" ngising saad ni Yena habang nakataas ang isang kamay para makuha ang atensyon naming lahat.
Lahat kami ay sabay-sabay na napatingin sa kaniya. "Laine, for your consequence...." pagsisimula niya habang nakatitig sa mga mata ko at nakangisi ng nakakaloko.
"Kailangan mong painumin ang lalaking iyon!" sabay turo niya sa kung saan.
Napatingin naman kami sa gawing tinuro niya. Kaagad naman na nanlalaki ang mga mata ko. Halos lumuwa na ang eyeballs ko sa lalaking kaniyang tinuro. Si Yzece! Ang ultimate badboy ng university namin. At kung bakit siya badboy? Well, lahat kasi ay kaya niyang saktan. Walang pinipiling gender. 'If you mess with him, it's either you die or you'll suffer' is his motto in life. Gosh! Bakit siya pa ang napili ni Yena? Tangina ito! Lagi talaga akong nilalagay sa panganib!
"Seryoso ka ba, Yena?" kunot-noong tanong ko habang nagmamakaawa ang aking mga mata. Baka sakaling magbago ang isip niya. But no! The way she curved her lips, alam ko na kaagad na wala akong takas!
"Diba si Yzece yan? Ang bad boy ng school! My gosh, Yena! Bakit siya pa ang napili mo? Hindi mo ba naisip na baka pagkatapos nito ay malumpo pa itong kaibigan natin?" mahabang litanya ni Trex, pero mas lalo lang lumapad ang ngiti ni Yena.
"Syempre, hindi naman natin siya hahayaang mabugbog, diba, boys?" taas isang kilay niyang tanong. Sumipol si Dwayne. Tumikhim si Jin. Nagpalinga-linga naman si Liam, na kanina pa tahimik. Mukhang may problema yata ang gago. Tsk.
At dahil sa naging reaksyon nila, mas lalo akong kinilabutan at kinabahan. Lahat sila ay takot kay Yzece! Mga potang-inang to! Wala man lang bang tutulong sa akin dito? My gosh! Baka masira pa ang beauty ko nito! Napatingin ako sa kinauupuan ni Yzece at napako ang mata ko sa kaniyang kamao. Ang laki nito! Litse! Baka nga mawasak ang mukha ko kapag nakatikim ng suntok galing sa matigas niyang kamao! Damn! What must I do para hindi matuloy ito?
Think, Laine! Think!
Kaso hindi nakisabay ang brain cells ko kaya hindi tuloy ako nakapag-isip!
"Well anyways...." pagpapatuloy ni Yena. "Lagyan natin ito ng twist!"
Napatingin ulit kami sa kaniya, at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya! The fvck!! Gusto niya ba talaga akong mapahamak?! Oh lord... Baka pagkatapos nito ay matatapos din ang maliligayang araw ko dito sa mundo.
"OMG! Gusto ko yan, girl! What twist ba?!" excited na sabi ni Jaine.
"Painumin mo siya ng alak... gamit ang iyong mga labi!"
Oh shit! I think I died!
BINABASA MO ANG
The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]
RomanceEllaine is known as the ultimate "bitch" at her university--a troublesome student who constantly finds herself in detention, often ordered by the university's Student Government President, Draight Rim Gonzaga. Meanwhile, Yzece Drei Sandoval has earn...