Seventeen

115 10 0
                                    


Laine's POV
Hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Draight na magfa-file siya ng divorce.. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Should I be happy?? Ewan ko, pero natatakot kasi ako... Ayaw kong umasa... Kaya pinagpatuloy ko nalang ang buhay ko.

Papasok sa school, makikipag-landian... At uuwi sa unit ko... Minsan ay magbabar... Pero kadalasang magkukulong sa kwarto... Kagaya nalang ngayon... Nakakulong ako sa kwarto at nakatunganga lang sa bintana...

Walang pasok + walang gimik + walang gala +walang jowa = TU-NGANGA. 😂

Sem break ngayon kaya nagbakasyon ang mga kaibigan ko kasama ang mga family nila.. Kaya ang walang FAMILY na katulad ko, ay mag-ISA ngayon... Grr~ gigil niyo'ko. Tsk!

Aish! Gagala akong mag-isa! Kaya nagbihis ako ng damit at lumabas ng unit...

Nakasalubong ko si Yzece kaya agad ko siyang nginitian. Pero sinabihan lang ako ng gago ng,

"Don't act like were close."

Inirapan ko lang siya pero dahil sa makulit ako ay sinundan ko siya. Naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Yzece! Pwede ba akong sumama??" sabi ko ng makarating kami sa kotse niya.

"Hindi pwede!" inis niyang turan. Pero nagpaawa effect naman ako.

"Wala kasi akong magawa... Nabo-bored ako. Ayaw ko namang magmukmok lang sa bahay dahil naaalala ko lang si Draight. Shegee na pleeeashhh, shaama mo na ako..." nagpapacute kong saad..

"Hindi mo magugustuhan ang pupuntahan ko." sabi niya lang at pumasok na siya sa kotse niya. Kumatok naman ako. Gusto ko talagang sumama! Ayaw ko ng magmukmok. Nabo-bored na ako!!

"Yzece naman eh!! Ayaw ko nang maging sad.. Kaya please kahit na saang lugar pa yan, kahit na hell pa yan. Wala akong paki! As long as hindi lang talaga ako mag-isa... Shigeee na pleeeeaaaasseeeee~"

"Hop in!" inis niyang sabi kaya napangiti naman ako at sumakay na sa passenger's seat. Bahala na kung saan niya man ako dadalhin. Basta ayaw ko munang mapag-isa ngayon. Bahala na kung sino ang makakasama ko. Kahit pa itong badboy na'to. Pagtiya-tiyagaan ko.

Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin kami nakakarating sa destinasyon namin. Saan ba kasi ang pupuntahan ng lalaking ito??. Parang ang layo-layo naman yata..

Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa nakatulog na ako...

Third person's POV

"Let's file for a divorce." Malamig na boses na saad ni Draight. Biglang tumulo ang luha ni Sheena.

"Dahil ba sa babaeng yun kaya ka makikipaghiwalay sakin??" hindi nakapagsalita si Draight.

"Ayaw ko, Draight! Magkakamatayan muna kami ng babae mo! Pero hinding-hindi ako pipirma ng divorce papers!!!" galit na sigaw ni Sheena at iniwan si Draight sa kusina na napasabunot sa buhok.

*****
Laine's POV

"Hey! Get up! We're here!" boses ng lalaki habang sinasampal yung mukha ko.

"Aray ko naman, Yzece! Bakit ka ba nananampal?"

"Ang tigas mo kasing gisingin!" inis niyang singhal at saka umalis. Ngumiwi lang ako at bumaba narin sa kotse. Sinundan ko siya. Nasaan kami?? Bakit parang nandito yata kami sa isang town?? May mga bahay sa paligid. Tapos may napakalaking taniman ng palay. Mayroon pangang farm sa unahan. May maraming mga puno at iba't ibang klase ng prutas... May malaking coconut field.

Pero ang pinagtataka ko sa lahat at ang nakapagpa-nganga ng bunganga ko, ay si Yzece. Lahat ng nadadaanan naming mga tao ay nagmamano siya rito. Pamilya niya ba ang mga ito??

"Are they you're relatives?" tanong ko sa kasama kong ang lapad lapad ng ngiti ngayon. Oh diba? Ang weird, lang?? Bigla-bigla nalang siyang nagche-change ng mood?? Wow ah! At take note, ang gwapo niya kapag nakangiti..

"Nope haha!" sabi niya at ang gago, natawa pa. Takte! Literal na napalaki talaga ako ng mata. Like what the?? The badboy.... the badboy is laughing!! My gaaashh!

"Kailangan niyo po ba ng tulong ko?" agad na sabi niya sa matandang nag-iigib ng tubig. May dala itong dalawang balde na kinonekta sa isang kahoy. Nakapatong sa balikat nong matanda ang balde habang naglalakad.

"Naku, wag na iho. Kaya ko na 'to!" sagot naman ng matanda. Pero laking gulat ko ng dahan-dahang kinuha ni Yzece ang kahoy at inilipat niya ito sa balikat niya.

"Naku, wag na po kayong mahiya sakin. Kayang-kaya ko po ito. Dapat po ay nagpapahinga kayo..." nagbuntong hininga si Yzece. "Wag po kayong mag-alala. Kapag may pera na po ako, magpapakonekta po ako ng tubig sa mga bahay ninyo, para hindi na po kayo mahirapan pang mag-igib sa ilog..."

"Naku, ang bait-bait mo talagang bata ka. Manang-mana ka sa nanay mo..." sabi ng matanda habang nakangiti. Nang mapansin ako ng matanda ay medyo nagulat ito.

"Ay, may kasama ka pala iho? Nobya mo?" tanong niya pa...

"Naku, hindi po. Sinama ko po siya dahil nag volunteer po siyang tumulong dito."

The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon