Fifteen

225 12 0
                                        


Fifteen..

Laine's POV

After two days ay bumuti na ulit ang pakiramdam ko. Kaya naman ngayon ay nakabalik na ako sa school. Pero habang naglalakad ako papunta sa gymnasium ay labis na *tug-tug tug-tug tug-tug* ang nararamdaman ko sa puso ko. My ghaaad kinakabahan ako. Labis na kumakalabog ang puso ko. ... Ngayong araw ko kasi gagawin yung dare ng mga kaibigan ko. Liligawan ko si Draight, sa harap ng maraming tao.... Syempre kasabwat ko sila sa plano ko. Hindi kasi ito natuloy noong nakaraang araw dahil nga sa nagkasakit ako. ..

Kahit na sinabihan niya man ako ng mga katagang, "I like you. But I can't love you." Ay hindi na ako pwede pang umatras sa napagkasunduan ng mga kaibigan ko. Kaya kung ano man ang mangyari ngayon. Bahala nalang si Veve vatman.

Pagkapasok ko sa loob ng gymnasium ay nakita ko na kaagad na nagse-set up na yung mga kaibigan ko sa mga musical intrument na gagamitin nila. Tutugtog sila at kakanta naman ako para kay Draight. Kumaway ako sa kanila at agad na nagmadaling pumunta sa stage na hinanda nila. Pagka-akyat ko ay nakita ko kaagad si Draight mula sa mga nagkukumpulang mga veve girls at veve voys dito sa loob ng gymnasium.

Hindi naman sa nagmamayabang ah, pero sobrang ganda naman kasi ng boses ko. Kaya hayan po sila at excited nang marinig ang boses ko. Hinawakan ko yung mic at nagsimula na ang tugtog.

"Kung hindi rin lang, ikaw ang dahilan~
Pipilitan ba ang puso kong hindi na masaktan." Narinig ko ang paligid na nag 'boooo' pero wala akong paki at nagpatuloy lang sa pagkanta. Lalo pa't nakikita kong ngumingiti si Draight.

"Kung hindi ikaw, ay hindi nalang. Pipilitin pang umasa para sating dalawa." Pagpapatuloy ko sa pagkanta at feel na feel ko pa yung lyrics. Pansin ko naman ang hiyawan ng mga tao at humahagalpak ang mga ito sa pagtawa. Psh! Pinagtatawanan nila ang boses ko. Maganda kaya yung boses ko, psh! Bala kayo diyan.

Hanggang sa natapos ang kanta ay puno ng tawa ang paligid saka mga 'boo' na sigaw.

"Draight Rim Gonzaga." Pagtawag ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa kaniya. Nakita kong kumunot ang noo niya at tinuro niya pa ang sarili niya. Nginitian ko siya.

"Gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?" Sabi ko sa microphone. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang malungkot niyang mga mata.

Biglang tumulo ang luha ko ng makita ko siyang umiling at naglakad palayo. Bakit ba kasi Draight??? Ano ba kasi ang problema??!!

Napansin ko pa ang pagpunas niya sa mukha niya. Umiyak siya. I'm sure of it. Kaya dali-dali kong binitawan ang mic at sinundan ko siya. Nakikisiksik ako sa mga estudyante at nagmamadali.. Gosh! Umiyak siya. Umiyak siya.... Oh baka naman may pinunasan lang siya sa mukha niya?? .... Aish ewan!!!

Nang makalabas ako mula sa maraming crowd ay agad akong nagtungo sa SSG office. Pero wala siya do'n...

Sa bawat rooms ay na-check ko na... Pero wala pa rin...

Sa laboratory... Wala din...

Sa canteen... Wala din...

Halos malibot ko na ang buong campus pero hindi ko siya mahagilap... Umuwi na kaya siya?

Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang maalala kong, hindi ko pa pala napupuntahan ang rooftop. Kaya nagmamadali ako sa pag-akyat doon.

Nakita ko na siya.... Nakahiga sa semento habang tinatakpan ang kaniyang mata nang kaniyang braso. Nilapitan ko siya... Umiiyak siya...

"Draight, bakit?" Tanong ko sa kaniya habang umiiyak... Napabalikwas naman siya ng bangon.

"You shouldn't have followed me." Sabi niya habang nakatingin sa gilid. Ni hindi niya magawang tumingin sa mga mata ko..

"Bakit ba kasi?? Kung gusto mo'ko. Bakit hindi pwedeng maging tayo??"

"Because... I'm not the right guy for you."

"Takte! Kung hindi ikaw?! Edi, sino pa ba?!" Pag-uulit ko sa linyang kinanta ko kanina.

"Marami pang iba Ellaine..... Marami pa.." Sabi niya at naglakad na palayo...

Hindi ako susuko, Draight. Hindi ako susuko... Hindi kita susukuan... Dahil para sa akin... Ikaw na... Ikaw na ang lalaking matagal ko ng hinahanap at hinihintay...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Kinabukasan...
May dala akong isang bouquet of flowers atsaka chocolate cake.. Yun kasi ang napapansin kong kinakain niya sa canteen tuwing snack time o kapag may assignment siyang ginagawa. Pupuntahan ko siya sa SSG office. Oo, itutuloy ko parin ang pangliligaw ko sa kaniya. Dahil alam ko... Alam ko pareho kami ng nararamdaman... Hindi ko lang alam kung ano ang pumipigil sa kaniya. .. Pero itutuloy ko 'to... Hindi ko siya susukuan...

Papasok na sana ako sa loob ng office niya ng may marahas na humablot ng kamay ko. Dahilan upang mahulog ang dala kong cake.

"Sabi ko na nga ba't pupunta ka na naman dito... Bakit ba napakabobo mo?!! Sinabihan na nga kitang lumayo ka sa kaniya diba?!"

Hindi ko pinansin yung sinabi niya at nakatingin lang ako sa cake na nawasak. "Shit!! Hindi mo ba alam na homemade yan!! Pinaghirapan ko yan! Takte naman Yzece! Matuto kang lumugar!! Hindi kita boyfriend!! Kaya wag mokong pakialaman!!" Sabi ko at pinulot ko ang nawasak na cake. Takte! Naiiyak na naman ako... Ginawa ko to ng buong puso tapos makikita ko nalang na heto't nasa sahig na, WASAK NA WASAK PA...

Bigla niya akong hinawakan sa braso't saka pinatayo. Pagkatapos ay marahas na kinaladkad papunta sa parking lot...

"Stay away from him!" matigas niyang sabi. Umirap lang ako.

"Can't you understand the word, I CAN'T??" galit ko ring sigaw. Bakit niya ba kasi ako pinapalayo kay Draight??! My gosh! May gusto ba'to sakin, o ano???

"Just stay away from him, Ellaine!! Are you that stupid??!" galit niyang sigaw.

"I can't, okay? I CAN'T!!" galit ko ring sigaw sa mukha niya. "Wanna know why? Because I LIKE HIM! Happy now?! Now, YOU stay away from me!!" Dagdag ko pa at akmang tatalikuran ko na sana siya ng bigla siyang sumigaw na nakapagpatigil ng mundo ko.

"YOU CAN'T LIKE HIM! FOR GOD SAKE, ELLAINE!! HE'S FUCKING MARRIED WITH SHEENA, DAMN-IT!!!!" sabay sabunot sa hanggang leeg niyang buhok at naglakad na palayo. Natulala ako sa sinabi niya. Hindi yun totoo. Hindi! Hindi siya kasal! Nagsisinungaling lang yung lalaking yun. Sinungaling siya!!

Third person's POV

***flashback tayo mga veve...
Nakita ni Sheena na may kahalikan si Draight sa loob mismo ng SSG office.. Gustuhin niya mang sabunutan ang babae ay hindi niya nalang ginawa pagka't ayaw niyang mas lalong magalit sa kaniya ang kaniyang asawa. Sa halip ay pinuntahan niya ang condo ni Yzece... Alam na alam niya ang password doon... Ang kaniyang buong pangalan...

Pagkapasok niya sa loob ay labis namang natuwa si Yzece na makitang binisita siya ng kaniyang pinakamamahal na babae... Sasalubungin niya sana ito ng isang mahigpit na yakap ngunit naunahan siya ng dalaga... Sinalubong siya nito ng malutong na sampal.

"Fuck it, Yzece!! Yung gf mo! Nilalandi ang asawa ko!!" Galit na sigaw ni Sheena.

"GF? Oh~ shit! Yung babaeng ginamit ko upang paselosin ka?? Pero takte, hindi naman umepekto.. Wala ka ba talagang nararamdaman sakin kahit na kunti lang?" Yzece na nakangisi.

"I'm sorry, Yzece. But I just can't love you... Mahal ko si Draight!"

"P*ta naman, Sheena! Ano bang pinagkaiba naming dalawa?? Binibigay ko naman sayo ang kasiyahang hindi mo natatanggap mula sa asawa mong gago ah?!! Pero bakit hindi moko kayang mahalin??"

"Kasi hindi ka si Draight... And please, Yzece.. If you really love me... Ilayo mo yung bitch nayun sa asawa ko!!" Yan ang huling turan ng dalaga at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nasuntok naman ni Yzece ang painting na binili niya pa mula sa Singapore.

"Shit! Hanggang kabet nalang ba talaga ako sa buhay mo?"

*****Flashback end

Laine's POV

Hindi ako naniniwala kay Yzece kaya nagmamadali akong pumunta sa SSG office. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok ako sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa sa upuan niya. Nakapatong ang dalawang braso sa table at ginawa itong unan. Gising siya... Alam kong gising siya dahil gumagalaw ang magkabila niyang balikat...

"Draight..." Matagal-tagal bago niya inangat ang kaniyang ulo... Umiiyak na naman siya...

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya...

"Draight..." Nakangiti kong saad kahit na may sunod-sunod ng pumapatak na luha mula sa aking mga mata... "Diba... Diba hindi yun totoo??... Sabihin mo sakin na wala ka pang asawa.... Diba? Hindi ka pa kasal diba??"

"Sinong nagsabi sayo??" Malungkot niyang saad...

"Si Yzece! Sabi ko na nga ba eh! Nagsisinungaling lang ang lalaking yun!!" Sabi ko pa habang pilit na tumatawa...

"Ellaine..." Sabi niya at tinanggal niya ang kamay niyang hinawakan ko... Pinunasan niya ang luhang pumapatak sa pisngi ko... "Ellaine, gusto kitang mahalin..."

The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon