Twelve
Laine's POV
Para akong bata habang binubuhat ni Yzece nang nakasubsob ang mukha sa matigas niyang dibdib. Ramdam ko ang kamay niyang nakahawak sa legs ko. And I don't know why but it gave me an electric shock. Para nga itong dumadaloy ng dahan-dahan mula sa legs ko papunta sa batok ko. Dahilan upang magsi-tayuan ang mga balahibo ko sa batok.
Maiinlove na sana ako sa kaniya ng bigla niya akong tinapon papasok sa loob ng van. Napasubsob tuloy ang mukha ko sa upuan. Mabuti nalang at malambot ito, dahil kung hindi, baka may maga na naman siguro ako sa mukha. Psh!
"Aray! Pwede mo naman akong ilagay ng maayos ah! Kailangan mo pa talaga akong itapon?!" Inis kong singhal sa kaniya pero hindi man lang siya sumagot. Umayos ako ng upo at tumabi naman siya sakin. Hindi talaga siya nagsasalita hanggang sa pinaandar na yung kotse kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
Tahimik lang kaming dalawa. It was an awkward silence. Pero muntik na akong mapatalon sa labas ng van nang bigla siyang magsalita,
"Layuan mo si Draight."
Napatingin ako sa mukha niya. He was too serious. Hindi siya tumitingin sakin pero nararamdaman ko ang matatalim niyang titig na nakatuon sa harap ng van.
Nagbuntong hininga ako sabay irap. I can't read his mind! Grr! "Eh paano kung ayaw ko?"
"Just!" naka-igting ang panga niya habang napalingon sa akin at tinuro pa ako gamit ang kaniyang hintuturong daliri. "Just stay away from him!!"
"Excuse me, veve Yzece, but Draight is my friend so I CAN'T avoid him! I don't even have a reason to avoid him like you told me to!" Ito na mga veve. Napapa-english na rin ako. Gosh!!
"Aish! Hardheaded." sabay sandal sa headboard at hinihilot niya ang kaniyang noo nang nakapikit ang mga mata. Kumunot yung noo ko dahil napansin ko na parang sobra siyang napagod?? Ano kaya ang ginawa nilang dalawa ni Sheena?? He looks so tired.
Gusto ko mang magtanong ay hindi ko nalang ginawa. Wala naman kasi akong karapatan diba?? Sino ba naman kasi ako, para tanungin kung ano ang ginawa niya kasama ang isang babae na sa tingin ko ay ex niya yata.?? Like duuh mga veve, I'm just a jealous material, remember?? Kaya siya dumidikit sakin kasi kailangan niya ako. Kailangan niya ako upang paselosin si Sheena Montejos.
Nagpout lang ako at tumingin nalang sa bintana nang hindi na siya muling nagsalita.
Pagkarating namin sa parking lot ng condo ay mabilis akong bumaba sa sasakyan at nagtungo sa unit ko. Gusto ko nalang itulog ang lahat ng ito. ZzzzZzzzz.
.
.
.
.
.
Kinabukasan.
Maaga akong pumasok sa school dahil maaga naman akong nagising kaya nakasalubong ko si Draight. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis kaya natulala tuloy ako. Gosh! Why do you have to be soooo pooogiii. 😍😍
Tinignan niya ako from head to foot. "Ayus ah, hindi ka yata nakasuot ng seksing damit ngayon? I liked it."
Tumatawa siya na parang musika sa aking pandinig kaya hindi ko tuloy naintindihan yung sinasabi niya.
"Hey? Are you alright?!" Sabay wagayway niya sa kaniyang kamay sa mukha ko. Napabalik naman ako sa realidad. Gosh! Nakakatulala pala ang isang tulad mo. Draight Rim Gonzales! Akin ka na plsss. 😍😍
"Huh? Bakit?? May sinasabi ka ba?" tanong ko.
"Pfft. Bigla ka kasing natulala." nagpipigil sa tawa niyang sabi. "Nakakapagtaka kasi na hindi ka nakasuot ng maikling skirt ngayon."
Napatingin naman ako sa suot kong jeans. Psh. Yun lang pala.
Well, naka crop top kasi ako ngayon at naka high-waist fitted jeans. Which is bihira lang mangyari, kaya siguro ay nagtataka itong si veve Draight.
"Hay naku veve Draight! Wala 'to! Ano kava! Trip ko lang naman na magjeans kaya wag ka naman mainlove jan!" malandi kong sabi sabay kindat.
"Haha. Actually malapit na." bulong niya kaya hindi ko masyadong narinig.
"Anong sabi mo? Paki ulit nga? Di ko narinig eh." sabi ko habang inaayos ang buhok ko. Medyo nagugulo kasi ng malakas na hangin. -_-
"Lugi ang bingi!" sabi niya lang sabay labas ng dila. Napapout nalang tuloy ako. Ang daya-daya nito.
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa malawak na corridor kaya ang mga chickamosong (Chicka+chismoso=Chikamoso) higad at veve voys sa tabi-tabi ay nagbubulungan ng makita kaming sabay na naglalakad ni Draight. Maiinggit kayo, mga higad. Bleeeh. 😝😒
"Anyway Draight!" malandi kong sabi sabay yakap sa kanan niyang braso. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya't bumulong, "Ang gwapo mo ngayon."
Wahahahaha! Mas lalo tuloy na nainggit ang mga higad diyan sa tabi-tabi. Wahahaha. Bala kayo diyang maglaway. -_-
\\\\\\\\\\
Malawak na malawak ang ngiti ko sa labi dahil mga veve, HINATID niya pa ako sa room ng first subject ko. Weeee~ Kaya hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya sa pisnge. Weeee, ang landee kooo.. 😍😍
"Thank you." I said with a genuine smile in my face. Napansin ko naman na bigla siyang natulala kaya pinisil ko yung matangos niyang ilong.
"Hoy, Draight! Ikaw naman 'tong natulala diyan!" natatawa kong pang-aasar sa kaniya. "Ayieeee~ Kinikilig~" dagdag ko pa na may kasamang pasundot-sundot sa tagiliran niya.
"Psh! Ewan ko sayo.." sabi niya habang tumatawa at napatingin siya sa kaniyang relo, "Luh! Late na ako!" Sabi niya at nagmadali na siyang umalis. Napasandal naman ako sa may pinto habang nakahawak sa dibdib ko. Mukhang lalabas pa yata yung puso ko sa lakas na pag-kabog nito. Emeged mga veve, pumapag-ibig na yata akoooo. Ayieee. 😍😍
"Ate..." natigil ako sa pagde-daydream ng may kumalabit sa braso ko. Nilingon ko, nagtaas ng kilay at nagcross arms.
"Yes? Do you need anything?" tanong ko sa freshmen na estudyante.
"Stay away from Draight daw." Kyut niyang sabi. Ngumiti naman ako at magsasalita na sana nang bigla siyang pumikit at sinampal ako nang pagkalakas-lakas.
"What the he--" hindi ko na ito natuloy nang bigla siyang magsalita.
"Sorry po, sorry po. Inutusan lang po ako." sabi niya sabay takbo. Takteng bata yun! Ang sakit kaya ng pagkakasampal niya! Grrr!! Hahabulin ko na sana siya eh kung hindi lang talaga ako naka heels. Ayaw kong masira ang gorgeous kong foot ano?!! Kaya bahala siya diyan!! Tsk!
Papasok na sana ako sa room nang sa hindi kalayuan ay napansin ko si Yzece na masamang nakatitig sakin. It's as if, he's giving me a warning look. Inirapan ko lang siya at pumasok nalang sa room. Tsk!!
\\\\\\\\\\\\ ©Afterclass©\\\\\\\\\\\\
Malandi akong rumampa papunta sa SSG office. Kailangan kong makasalubong ulit si Draight! Para sabay kaming umuwi. Aweee~ Excited nako~
Pansin ko ang malalagkit na tingin ng mga estudyante sa paligid kaya napa-irap nalang ako sa hangin. Mga naiinggit lang yang mga yan. Psh!
"Oh~ that's the bitch right?" Bulong ni Higad #1
"Yeah. May boyfriend na nga. Nakuha niya pang lumandi sa iba." Higad #2 sabay irap.
Napapailing nalang ako sabay irap. Duuh~ they don't know a thing kaya wag nalang natin silang patulan. Psh!
Bubuksan ko na sana ang pinto ng SSG office nang may biglang nagsalita,
"And where do you think you're going?" cold na sabi ng isang lalaki. Nilingon ko ito at napairap sa hangin ng makita itong nakasandal sa wall habang naka-cross arms at masamang nakatingin sakin.
"Sa boyfriend ko? Bakit ba?" sabi ko lang sabay irap. Muli ko siyang tinalikuran at pipihitin na sana ang doorknob ng hawakan niya yung kamay ko at pinaharap ako sa kaniya.
Ouch ah! Tumama ba naman yung likod ko sa door. And its masakit ah! Kahit kailan talaga! He's so harsh towards me! Can't he be gentle, even a little??
"Bakit diyan ka pupunta... Kung nandito lang naman ako?" husky niyang sabi. Napalunok naman ako ng laway. Kaya before pa ako ma-temp na halikan siya ay tinulak ko na siya palayo. Gosh! He's too hot for me to handle~
"Excuse me ah, kunting paalala... We're just pretending, remember?? Duuh?! Kaya, che tabi at lalande pa me~" sabi ko sabay flip hair at tinalikuran siyang muli. Pero napabuntong hininga nalang ako nang bigla niya nalang akong hinila. Gosh! He's too cruel! Baka madapa na naman ako nito! Like hello~? Naka heels PO ako? Grabe naman kasi ang isang ito kung makapang-hila, WAGAS! SAGAD NA SAGAD TO THE CORE.. Grrrr.
BINABASA MO ANG
The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]
RomanceEllaine is known as the ultimate "bitch" at her university--a troublesome student who constantly finds herself in detention, often ordered by the university's Student Government President, Draight Rim Gonzaga. Meanwhile, Yzece Drei Sandoval has earn...