Twenty Eight

95 8 0
                                    


Twenty Eight.

Laine's POV

"Kaya kong isugal ang lahat para sayo... Kasi sa unang pagkakataon, umibig ako.. Kaya kailangan kong sumugal, para ipaglaban ka... Mahal na mahal kita, Miss Ellaine Salazar.... I want you to be mine.... Will you please... Be my girlfriend?"

I froze. I don't know what to say nor act. Half of me was so happy and it badly want to say YES, BUT the half of me is.. I don't know.. I'm not sure of what it is... But shetee mga veve... Gusto niya akong maging GIRLFRIEND. Well I mean, He's my ideal guy, gwapo, matalino, matangkad, maputi, mabait, sweet, at higit sa lahat.. GENTLEMAN... Kaso may kulang... May pumipigil sakin eh... Takteee. Ano bang gagawin ko???

"Draight! Pwede ko ba munang pag-isipan? Naguguluhan kasi ako eh. Masyadong magulo ang isip ko. I can't think straight... "

"Its okay, Ellaine. Alam ko naman eh... Alam kong bukod sakin ay may ibang lalaki ka pang nagugustuhan.. At naiintindihan kita... Kaya habang wala ka pang pinipili, araw-araw kitang liligawan." Sabi niya sabay yapos sa beywang ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

He's so gwapo when he smiles. Like duuuh~ understandable pa! Saan ka pa? Hahaha. But I just can't decide yet. Magulo ang isip ko. Gusto ko si Draight and at the same time ay gusto ko rin si Yzece. Sino nga ba ang mas gusto ko sa kanilang dalawa? Ewan. I can't answer that yet.

"I love you... Miss Ellaine Salazar..." Nakangiti niyang sabi sabay halik sa noo ko. Arrrg! Mas lalo lang gumulo ang isip ko.

Nginitian ko siya ng pilit. "I like you too." Malande kong sabi sabay tawa.

"Okay lang. Paghihirapan ko naman ang 'I Love You' mo." How sweet~ gagiii~ sagutin ko na kaya to.. Waaaa~

"Aba dapat lang. My I love you is not as easy as counting 1,2,3." Nakangiti kong sabi habang nagbibilang sa kaliwa kong kamay.

"Then I'll start now. Magbihis ka. May pupuntahan tayo."

"Awee~ saan mo naman ako dadalhin?"

("Sa hotel ba o sa motel?") Takte! Bakit si Yzece ang naalala ko. Gagiii~

"Secret." Nakangiti niyang saad sabay kindat.

So nagbihis ako at sumakay sa kotse niya. Na shock ako ng dinala niya ako sa isang simbahan... Sa simbahang napaka-familiar sakin. Kunot-noo akong nakatingin sa malawak na bulwagan ng simabahan.

Dito kami nagsisimba ni Daddy dati. I smiled when I remembered that memory...

****flashback

"Daddy, saan po tayo pupunta?" Cute kong sabi. I was 10 years old that time. Hawak-hawak ni daddy ang mga kamay ko at bigla siyang tumingin sakin at ngumiti.

"Sa simbahan anak. Magsisimba tayo." Nakangiti niyang sagot sakin.

"Sa simbahan na naman? Ang boring naman doon, daddy." Dissapointed kong saad.

"Nagdadasal kasi si Daddy, anak."

"Bakit naman po kayo nagdadasal? At ano naman po ang pinagdadasal niyo?"

"Nagpapasalamat ako sa diyos, anak. Kasi binigyan niya ako ng napakamagandang biyaya. At ikaw yun." Sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

"Talaga po?!" Tuwang-tuwa kong sabi sabay palakpak. Ngumiti lang si daddy at pumasok na kami sa simbahan. Taimtim na nagdadasal si daddy kaya pumuslit ako papunta sa nagsisindi ng kandila. Kumuha ako ng isang kandila at sinindihan iyon. Nagpasalamat kay God kasi binigyan niya ako ng mapagmahal at mabuting daddy.

The Bitch meets the Badboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon