Chapter 3

8 1 0
                                    

"Sige magkatuluyan kayo dyan” napatingin kami kay Dani Boy. Parang bumalik naman sa sarili niya sila Shami at Nico.

"pre, alam mo namang di ako magkakagusto sa demonyo, gaya niya" sabi naman ni Nico at tinignan ng parang nandidiri siya kay Shami.

"Excuse me? Dan, alam mo naman na wala standards ko ang unggoy!.” sabi naman ni Shami at inirapan si Nico. Hindi ako magtataka kung sila ang magkakatuluyan. Pero sa pagkakaalam ko, type ni Shami si Mark.

"Ewan ko sainyo.” walang gana naman na sabi ni Dani Boy sakanila. Napunta sakaniya ang tingin ko. Sakto namang tumingin din siya saakin kaya agad ko siyang inirapan.

Napatawa nalang siya. Lagi nalang tawa ng tawa to.

"tsk.”

"btw, manonood ako ng The kings mamayang gabi, sama kayo?” sabi ni Max na nakababa na ang headphones ngayon. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Parang nasamid naman yung tatlong lalake na nandito.

"Kilala mo ba mga nandoon sa banda na yun?" Tanong naman ni Mark.

"Nope. Gusto ko lang mga kanta nila." Sabi naman ni Max.

"Ah.pupunta kami.” sabi naman ni Dani Boy. Kailan pa kami naging close?

"Wala kaming pake" sagot ko naman.

"Hindi ikaw kausap ko.” sabi naman niya.

"kausap din ba kita?”

"diba Maxine?” sabi naman ni Dani boy at tila parang di ako pinansin. Aish!.

Kaasar!.

"So Pupunta kayo?" Tanong ni Max sakanila. Bakit ba ine-entertain ni Max ang mga to?.

"Oo nga panget. Kakulit mo” sabi naman ni Nico kay Max. Inirapan lang siya ni Max at tinignan si Mark.

"may sobrang ticket nga pala kami. Vip" sabi ni Mark at iniabot saamin ang ticket. Wahh. Sa mismong harap to ah.

Tinignan ko siya ng nagtataka.

"No problem, sainyo na yan” sabi naman niya at ngumiti. Ang bait. Tumango naman si Max, samantalang si Shami ay natuod ata.

"ang tahimik mo ata Pearl?" Tanong ni Mark kay Shami. Wtf? Pearl?

"P-pearl?” nagtataka naman na tanong ni Shami kay Mark.

"dapat ako lang din may tawag sayo niyan ah” sabi naman ni Mark kay Shami at nagkamot pa ng batok. Wala na, mukhang mawawalan ako ng kaibigan mamaya. Mamatay na yan sa kilig eh.

"s-sige” sagot naman ni Shami.

"bakit pearl?” tanong ko naman. Nakakapagtaka lang kasi eh.

"ah kasi, kasing ganda niya ang perlas pero maingay nga lang siya pero ok nga eh, mas cute siya” si Nico ang sumagot, imbis na si Mark. Napangisi nalang si Mark kay Nico. Parang narealize naman ni Nico ang sinabi niya.

Kita ko ang pamumula ng mukha ni Shami.
"syempre joke lang,demonyo!" Sabi naman ni Nico at tumawa ng malakas. Mas lalong namula si Shami pero hindi na sa kilig kundi sa inis. Naku naku, sasabog na yan.

3

2

1....

"Palaka ka! Bwisit na unggoy! Akala mo gwapo ka? Hindi no! Lamunin kana sana ng lupa! Kahit mukha ka pang prinsipe,unggoy ka parin! Kahit gwapo ka pa sa paningin ko, unggoy ka parin!” inis naman na sabi ni Shami sakaniya. Natahimik naman kaming lahat.

Nagtataka naman siyang tinignan kami. Natahimik din siya saglit. Bigla ulit siyang namula.

"basta unggoy ka!” sabi pa ni Shami. Natawa nalang kami. Pwera nalang kay Dani Boy na busy sa phone. At si Max na nakaheadphone.

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now