Nakakainis naman!.
First day and debate agad!. Halos kilala ko ang mga kasama ko. Friends ko naman kasi mga kaklase ko except sa bwisit na Dani boy na un.
2 groups ang debate and napili ako na one of the speakers.
4 ang speakers. Si ako, si Shami, Si Farel, Si Jess. 3 kaming babae at 1 lalake.
Topic is pagsisira ng kalikasan para sa kaunlaran. And Negative kami. Sang ayon kami sa pagsisira. Tsk! Hindi naman ako sang-ayon!.
Paano ko ipaglalaban kung nasa mali ako?. Bahala na!.
Stock knowledge!.
"Speaker number one."
"Ahem" panimula ko. "Kailangan nating sirain ang kalikasan para sa ikabubuti natin. I mean, kailangan nating pake elaman ito para umunlad tayo.” maikling sabi ko at naupo na.
Tumayo naman si Shami.
"Ayon nga sa Pangkalahatang batas na pangkapaligiran, PRESIDENT DEGREE 1115 o PHILIPPINES ENVIRONMENTAL POLICY.” idiniin niya pa talaga. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko. Ang seryoso niya kasi masyado. Hahaha. Minsan lang to mangyare eh. "Mapapaunlad, mapapanatili, at mapabuti ang mga katayuan kung saan ang tao at kalikasan ay mabubuhay ng produktibo at magkaayon” sabi ni Shami at naupo.
Pasimple ko namang kinurot ang tagiliran niya. Tinignan niya naman ako ng nagtataka.
"ang seryoso natin ah!” pagbibiro ko sakaniya at bahagyang tumawa. Tinignan niya lang ako at bumalik sa pakikinig sa mga kasama pa naming nagsasalita.
Napatahimik nalang ako. Nakakatakot.
"gaya nga ng sinabi ng mga kasama namin, kailangan din nating pake elaman ang kalikasan upang umunlad.” sabi ni Jess. Tapos na kaming magreport at papakinggan naman namin sa kabilang grupo tapos rebattle na.
Unang tumayo si Dani Boy. Naiinis talaga ako sa ngiti niya kahit kailan!.
Tinignan niya ako at inirapan ko naman siya. Tinawanan niya lang ako bago siya magsalita.
"Hindi na natin kailangang pake elaman ang kalikasan para umunlad. Unang una nabuhay naman tayo noon ng walang plastic na pagkainan. Walang malaking bahay at iba pa. Ang tirahan lamang noon ay kweba na galing sa ating kalikasan. Ang pinagkakainan naman noon ay dahon ng saging lang.” confident naman na sabi ni Dani Boy. Naupo na siya.
Si Mark naman ngayon.
"Mayaman ang kalikasan natin sa yamang mineral. Kung sisirain natin yun, paano pa tayo uunlad?. Bigay saatin ng panginoon iyon at kailangan nating pahalagahan. Halimbawa, pagmimina. Hindi napapalitan ang mga nakukuha nila sa pagmimina. Pag naubos iyon, paano tayo uunlad?. Ang pagkamatay ng kalikasan ay parang namatay narin tayong naninirahan dito.” sabi naman ni Dan.
Wala kaming laban pero hindi naman kami papatalo. Nakakainis. Bakit ba ang daming alam ng mga to? Ang alam ko, di naman sila masyadong matalino...
Nawala na ang tingin ko sakanila at nag-isip ng itatanong.
'Kweba nga lang ang bahay noon’
Huh?alam ko na.
"ok, time for rebattle.” sabi ni Maam Marilyn. Siya ang teacher namin sa Filipino. Si Maam Myla naman ay English. Yung unang teacher?. "speaker number one." Sabi ni maam.
Pareho kaming tumayo nung mokong. Face to face na to. Kailangan kong manalo.
Ako daw ang magtatanong, sasagot lang at idefend ang sagot niya ang gagawin niya.
"Mr. Speaker no. 1.” nabanggit mo noon ang noong unang panahon.” panimula ko. Tumango tango naman siya habang nakangisi. Poker face lang ako kahit gustong gusto ko na siyang tirisin ng buhay.
"Kweba ang bahay noon?dahon ng saging ang pagkainan?” sabi ko at tumango tango. "Tama ka naman. Pero?!" Dagdag ko at tinignan ko na siya ng mata sa mata."Sa panahon naman ngayon ay iba na. Kung hindi sana pinake elaman ang kalikasan, edi sana wala kang malaking bahay. At impossible naman po siguro na dahon ng saging ang pagkainan niyo?" Tanong ko sakaniya ng nakataas ang kilay.
"Ngayon. Sasabihin mo parin ba na hindi na kailangang sirain ang kalikasan para umunlad?” nakataas ang kilay na tanong ko sakaniya.Tinignan niya lang ako at ngumisi bago sumagot. "masasabi kong Oo. Masasabi ko parin na hindi na kailangan pang sirain ang kalikasan para umunlad." Sabi niya at may papikit pikit pa.
Kumunot na ang noo ko. "Wala ka bang plato sa bahay niy--”
"wala”
"ano yung bahay niyo?”
"kweba.” simpleng sagot niya.
Napaupo nalang ako sa sobrang inis ko. Aish! Nakakaasar!.
~•~•~•~•
So Ayun! TALO KAMIIIIII!
Hindi lang ako ang napikon kundi pati groupmates namin. Magsisinungaling talaga sila para manalo. Pero gaya nga ng sabi ni Maam,ok lang magsinungaling para maipanalo ang kaso. Yan ang debate. As long as walang ebidensiya.
Nandito kami sa canteen and naasar parin ako at hindi nagsasalita. Paanong natalo kami ng mga yun? Una sa lahat, oo matalino sila pero mas matalino naman kami sa grupo ko.
"Dea, ok lang yan!" Sabi pa ni Shami at may patapik tapik pa sa balikat ko. Tinignan ko siya ng naiinis.
"Nakakaasar eh! Hindi katanggap tanggap!" Sabi ko pa sakaniya. Tinawanan niya lang ako.
"Ok lang yan hehe!" Napalingon kami sa nagsalita. Pati si Max na busy ay naagaw niya ang attensyon.
*lunok*
Shocks. Ang daming nakatingin. Sanay na ako sa ganito pero hindi naman sa ganito na halos nakabuntot sakanila.
"Nice debate nga pala" sabi ni Mark at nagkamot ng batok. Inalok niya ang kamay niya saakin at rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid. Ang weird lang nila.
"Oo nga" sabi ko at ngumiti ng kaunti. Inabot ko ang kamay niya.
Nagsi alisan naman na ang mga tao sa paligid.
"Pwede ba kaming makitable sainyo?" Masayang tanong naman ni Nico. Si Dani boy naman ay hindi nagsasalita.
"Sorr--”
"sige" Sagot naman ni Max na nakababa na ang headphone.
"Yey!" Masayang sabi ni Nico at naupo sa gitna ni Max at Shami.
Nasa tabi ako ni Shami. Katabi ko si Mark at katabi naman ni Mark si Dani Boy. Ang tahimik naman.
"Vince!" Tawag ni Shami kay Mark. Tinignan naman siya ng nagtataka ni Mark.
"Wala lang, para unique hehe. Dapat ako lang tatawag sayo nun ah!" Masigla na sabi ni Shami at ngumiting malapad.
"A-ah sige” parang nag aalinlangan pa na sagot ni Mark sakaniya.
"hoy demonyo, ang ingay mo masyado! Kumain ka kaya muna dyan!" Sabi naman ni Nico sakaniya. Tinignan naman ng masama ni Shami si Nico.
"Hoy unggoy, tigilan mo nga ako!.” bawi naman ni Shami sakaniya. Pareho silang masama ang tingin sa isat isa. Hinayaan lang namin sila. WaLang nag abalang magsalita.
Kung titignan parang may kuryente na nagkokonekta sa mata nila. Alam niyo yung sa anime? Pag masama yung tingin sa isat isa? May kuryente na nag sspark. Parang timang.
"Magkatuluyan kayo dyan.”
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
A/N
Thanks for reading. Please vote and comment. :)
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Teen FictionThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020