Chapter 16

3 0 0
                                    

Angelica's PoV

Nagpadala sila mom ng sofa dito sa kwarto ni Dani boy and dun ako natutulog.. Kagabi pa ako napapaisip.

naamin ko na sa sarili ko na may something akong nararamdaman kay Mark before namin malock ni Dani boy sa gym pero after that wala na akong time na kausapin si Mark kasi busy siya at ako? lagi kong chinecheck kung okay lang ba yung paa ni Dani boy. Hindi nga lang niya alam. Kaya hindi ko na din alam kung anong nararamdaman ko.

3 days na siyang nandito sa hospital and wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako. Lagi nalang. Pero hindi ako galit. Kaya naggtataka rin ako eh. Hindi ako tanga para hindi malaman tong nararamdaman ko pero kailangan ko munang siguraduhin.
"iha umuwi ka muna,ako na munang bahala kay Dan" sabi ni manang saakin. Yung laging kasama ni Dani boy.

tinignan ko naman si Dani boy. Tulog pa siya. Tinitigan ko yung mukha niya habang tulog. Para talaga siyang prinsipe.

"sige po,pakisabi nalang,babalik ako" sabi ko naman. Tumango naman si Manang saakin.

aalis na sana ako ng biglang magsalita si manang.

"Para kayong magkasintahan,kayo nalang  iha" sabi naman ni manang kaya nilingon ko siya at nginitian.

"sakaniya niyo po sabihin yan" sabi ko at tumawa ng bahagya. Chaka ako umalis.

*{bahay}*

"oh iha,maligo kana at bumili ka ng maibibigay kay Sir Dan." bungad agad saakin ni Manang. Hanep ah. Hindi ako kinamusta?

"ok po" napasimangot nalang ako.

*{Flower shop}*

"maam ano po yun?" tanong saakin nung nagtitinda. Nagulat naman ako na makita ko siya.

Pogi.

"ah eh. Para sana sa may sakit?" sabi ko naman.

"ah ito po" sabi niya at inabot saakin yung bulaklak na ibinigay niya. Hmmm.parang liligawan ko naman si dani boy neto.

"salamat.btw? parang nakita na kita?" tanong ko naman.

"ah schoolmate mopo ako. Walang klase ngayon. May housing kasi ang athletes at isa ako dun pero nagpa excuse ako" sabi naman niya at ngumiti.

"ah ok. hehe,goodluck" sabi ko nalang at nginitian ko siya. "alis na ako ah" sabi ko naman.

"pakumusta ako kay Xailer" sabi niya naman kaya nilingon ko siya. Nginitian naman niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ahm. Xai Sales nga pala" sabi niya at ngumiti.

"ah Angelica." sabi ko naman.

Agad na akong umalis. Hindi ako nagpapatawag sa second name ko pag hindi kami close.

Dumaan naman ako sa Grocery store. Una kong pinuntahan ang Fruits section. Yun naman kasi ang pinakauna na kailangan kasi eh.

Kumuha ako ng mangga,orrange and pakwan. Dumaan na rin ako sa drinks. Kumuha ako ng Royal. Royal lang. bawal ang iba.

binayaran ko na.

Nagmadali akong lumabas ng grocery. Sa kakamadali ko,nakabangga tuloy ako. Buti nahawakan ko tong Bitbit ko.

"sorr--"

"tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" bulyaw saakin ng tao sa harap ko. Agad ko siyang tinaasan ng Kilay. "oh ikaw pala" biglang sabi niya nalang at biglang nag iba ang mood niya. Nagsmirk siya.

"tsk. Angel ang pangalan mo no?" i asked at tumango naman siya pero sinusuri niya parin ako kasi kanina pa pataas pababa ang pagtingin niya sakin. "ah,ang bait ng pangalan" sabi ko nalang.

"mani!,itlog pugo!"

"anong pinapalabas mo?" tanong naman niya na nakataas ng kilay. Natawa naman ako ng medyo.

"wala. paranoid much?" sabi ko naman. Sumama ang tingin niya saakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. papatalo ba. naman ako?. attitude ka sis?. tsk.

"mani! itlog pugo!"

naagaw ng paningon ko yung nagtitinda.

"kuya! pugo nga po" sabi ko at lumapit sakaniya. Iniwan ko mag-isa si Angel dun. Tsk. mag aaksaya lang ako ng oras sakaniya.

"ilan po maam?" tanong ng nagtitinda.

"sampong supot po kuya" sabi ko naman.

"200 po maam" agad naman akong nagbigay. May lumapit na bata kay kuya at agad naman niya yong pinansin.

"tay,nagugutom na po ako.Nagagalit na po si nanay. Walang pagkain" sabi ng batang lalaki. Medyo malaki na siya. Hula ko nasa Gr. 5 ganoon.

"wala pang pera eh.kakaumpisa ko palang magbenta" sabi naman ng tatay niya. "sandali ah" sabi ni kuya na nagtitinda at tumingin saakin. 500 yung binigay ko.

Tinitignan ko yung bata at halos maawa ako.

humugot ako ng pera sa wallet ko.

"Kuya,eto 5000. Mag grocery na po kayo ng makakain niyo. kawawa naman po ang anak niyo. Keep the change na rin po yung 500." sabi ko nalang. Napalaki naman ang mata ni kuya.

"maam! ok lang po,hindi na po kailangan" sabi niya at pilit na inaabot saakin yung pera na ibinigay ko.

hinawakan ko yung kamay ni kuya at isinara ko sa palad niya yung pera.

"konting tulong lang po yan kuya" sabi ko naman.

tinignan ko yung bata,nginitian ko siya.

"hindi na kayo magugutom ha?" sabi ko naman at nginitian ko siya. "tulungan mo ang tatay mo ha" sabi ko.

"mauna na po ako" sabi ko at kinawayan si kuya at anak niya. Sumakay ako sa sasakyan. Sasakyan ang ginamit ko ngayon. marami kasi akong dadalhin eh.

*{hospital}*

"bat ang tagal mo?" reklamo saakin ni Dani boy. Inirapan ko naman siya.

"eh sa matagal eh." sabi ko naman. Nakaligo na siya at fresh nanaman.

Lumapit ako sa kama niya at inilapag lahat ng dala ko sa mesa. Inalabas ko yung pugo.

"oh kainin m----"

"nope!hindi! ayoko!" agad agad na sabi naman niya saakin. Inirapan ko naman siya.

"kumain ka nito o kakain ka?" inis na tanong ko pero pailing iling parin siya.

Hindi ko siya pinansin. Nagbalat parin ako ng pugo.

"hindi nga ako sabi kakain niyan!" inis na sabi naman niya.

"at bakit?" tanong ko naman.

"ayoko!"  yun lang ang sinagot niya. Tinigil ko ang pagbabalat at humarap sakaniya. 

"gusto mong makalabas dito diba?" tanong ko naman. Natahimik naman siya at napatango.

"kumain ka nito pampataas ng platelets." yun lng ang sinabi ko at hindi nalang siya ulit umimik.

magiging matanda ako ng di oras dito. Matalino naman ang mokong nato.  Alam naman niya siguro na pampataas ng platelets ang pugo.

"kinakamusta ka nga pala ni Xai Sales daw" sabi ko naman habang nagbabalat.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N

hi guys? salamat po sa nagbabasa parin hanggang ngayon. Enjoy Quarantine HAHAHAHA (⌒o⌒)    ≧ω≦

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now