*Kinabukasan*
"Shocks!!! Anong oras na!" inis na sabi ko habang namimili ng damit. Ano bang isusuot ko!. wala akong maisip na isuot.
Ito na nga lang.
Kinuha ko yung T-shirt na malaki. Oversized kumbaga. Then,short na maong. Ngayon lang naman eh. Then suot ko yung Fila na sinuot ko nung concert. Wala na akong oras kumuha ng sapatos ko sa taas ng aparador na to tsk. Kung ano yung nakababa,yun nalang..
isinara ko yung cabinet ko at tumingin sa salamin na nakakabit dito. Tinignan ko yung whole body ko. Tsk. ok na to!
Ipinusod ko nalang tong buhok ko ng messy bun. Then naglagay ako ng kung ano ano sa backpack ko na maliit. Suklay,pabango,cellphone,pera. Done.
Jusko! anong oras na!
~•~•~•~•~•~•~•~•~
Nico's POV
Nandito na kami sa harap ng mall kanina pa. Halos kompleto na kami. Si Dea nalang ang inaantay namin.
Kanina pa palakad lakad si Dan na hindi mapakali. Parang timang.
"Guys,mukhang hindi na dadating si Dea. Mauna na tayo sa loob." sabi naman ni Shami. Tinaasan ko siya ng kilay.
bago pa ako makapagsalita,inunahan na ako ni Dan.
"Dadating siya. Hindi siya marunong sumira ng usapan." sabi naman ni Dan. At palakad lakad nanaman.
Napansin kong biglang umirap si Shami at may binubulong bulong. Hindi ko nalang pinansin.
"Mabuti pa ata na pumasok na tayo. Ang init dito." reklamo ko naman. Kahit magsilong lang sana kami. Grabe. Ang init.
Bago pa kami magtalo talo. Biglang may humarurot ng motor kaya napalingon kami dun.
Hay sa wakas! ang hinihintay ay dumating na!.Nagderetso yun sa parking.
after a minute. Patakbo siyang pumunta saamin.
"sorry late! nakatulog ako!." sabi niya at hingal na hingal.
"Hindi kana sana pumunta" pagsusuplado naman ni Dan sakaniya. Inirapan naman ni Dea si Dan.
"excuse me ha.. Sino kaya nagsabi ng 'i want to spend time with you' saatin ha??" Sabi ni Dea at inirapan si Dan. Natawa nalang ako. Spend time amp.
Hahahaha.
"sinabi mo yun?" hindi makapaniwala na sabi ko kay Dan.
"h-hindi ah!" depensa niya naman pero muukhang kamatis na mukha niya sa sobrang pula.
"pwede pumasok muna tayo?" sabi naman ni Mark.
Magkatabi sila ni Max at parehong may headphone sa leeg. As always. Hindi ko pa namalayan na nag-usap ang dalawang yan.
"oo nga naman" sabi naman ni Shami. Sumama bigla ang mukha niya. o baka guni guni ko lang.
Papasok na kami ng mall ng may mapansin ako.
"yung totoo? pinag-usapan niyo ba nanaman yang sapatos niyo?" tanong ko naman kay Dan at Dea pero ni isa sakanila walang sunagot. Aba,lakas ng loob snobbin ang napakagwapong gaya ko.
aba aba aba.
~•~•~•~•~•~•~•~
Ang daming tao. Taragya oh. Hindi ko makita yung lima. Dapat pala hindi dito na mall kami nagpunta. Ang daming tao.
nawawala na ata ako.
May naamoy akong pabango na familiar kaya sinundan ko yun. Nakatalikod na babae ang nakita ko. Nakikisingit din siya sa mga tao para makadaan.
"Hoy demonyo. Dito tayo!" sabi ko naman sakaniya. Hila hila ko siya. Hindi na siya pumalag kasi sa itsura niya,parang mamamatay na siya sa dami ng tao kanina.
~•~•~•~•~•~•~
Hinihingal kaming nakaalis sa part na madaming tao.
"ano ba yan!. Nawala na sa tingin ko si Dan at Dea! pano na yan!" inis na sabi niya saakin. Huminga ako ng malalim at tumayo ng tuwid. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yan parin ba ang iniisip mo?" tanong ko naman sakaniya. Inirapan niya naman ako.
"alam mo naman,simula pa nong una." sabi naman niya at naupo sa isang side. Sa sahig na kami naupo kasi wala masyadong tao dito.
"oo pero plinaplastic mo kaibigan mo para sa isang lalake?" tanong ko naman sakaniya. Tumawa siya ng mapait.
"oo.Kung hindi sana siya napalapit kay Dan edi ayos. Pero hindi eh. Ang lapit nila! at tinanong ko si Dan kung gusto niya si Dea,hindi niya sinagot pero kumikinang yung mga mata niya! Sa tuwing nasa hospital tayo. Sa tuwing bumibisita,kay Dea parin ang tingin niya!" puno ng pagkabitter na sabi niya. Namumuo ang luha sa mata niya.
Alam ko na ang nararamdaman niya para kay Dan simula pa nung una pero hindi ko sinabi. Wala akong pinagsabihan. Napansin ko ang paglalapit ni Dan at Dea. Napansin ko na rin ang pagbawas ng ingay ng isang to. Alam kong tinuturin niyang kaibigan si Dea pero kasi,ano tong ginagawa niya?
siya ang may pakana ng lahat.
~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
A/N.
Short update muna. Hindi ko hahayaan na malaman niyo lahat ng side ni Shamia hahahaa. Thanks for reading!. Love y'all!!.
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Teen FictionThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020