Shamia's POV
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Dea. Paglabas niya ng banyo,ang sama na ng mukha niya. Tapos yun. Umiinom na.
Si Max naman. Wala lang,nakikipag-usap kay Kit. Ako eto,lumalamon. Pagkain lang naman ang pinunta ko dito.
Hindi ko din makausap sina Nico at Dan dahil may mga babaeng nakabantay sakanila. Si Mark? ewan. Tsk. Akala ko enjoy to pero,sama ng loob naipon ko.
"Oh,ang sama ng mukha ah"
Napalingon ako sa tumabi saakin.
"Panong hindi sasama?ang papangit ng nasa harap ko!" Bulyaw ko sakaniya. Tinawanan niya lang ako.
"Oh easy,masyadong mainit ulo niyo" sabi ni Lee saakin. Inirapan ko nalang siya.
"Oh bakit?" tanong ko naman sakaniya.
"Gusto ko lang sabihin na baka masobrahan si Angelica sa pag-inom." Sabi naman ni Lee. Namention na rin naman niya. Napalingon ako kay Dea pero mukhang ok pa naman siya. Marami nga lang lalaki na nakatingin sakaniya. Ewan ko pero napatingin nalang ako kay Dan ng hindi sinasadya.
Nakatingin siya kay Dea. Samantala si Angel ay panay ang agaw attensyon niya kay Dan. Papansin. tsk. Maya maya pa,Tumayo na si Dan at agad na hinila si Dea papunta sa exit sa likod. Sus. mag-uusap lang yung dalawang yun,for sure.
Bawal kaya sumunod?
Tumayo si Angel at akmang susundan sila Dan pero agad akong tumayo at hinigit ko yung braso niya.
"Wag kang magkakamaling sumunod" banta ko sakaniya. Hinila niya naman yung braso niya mula saakin.
"Anong problema mo! Umalis ka nga!" sigaw niya pa saakin. Tinignan ko siya pataas pababa at inirapan.
"Una sa lahat,dapat ikaw ang umalis" panimula ko. "Ako lang naman ang nagcoach sa basketball team kaya sila nanalo." Dagdag ko pa. "Ay mali!" bawi ko. "Kaya KAMI nanalo." sabi ko at idiniin yung word na kami at nginitian ko siya ng nakakaasar.
Nagdabog lang siya papalabas ng bar. Sa front door siya umaalis kaya ok lang kasi wala namang daan sa harap,papunta sa likod eh.
~•~•~•~•~•~•~•~•~
Dea's POV
"Ano ba Dan!Masakit!" inis na sabi ko at hinila ang kamay ko mula sakaniya. Nandito kami sa likod ng bar. Naupo siya sa damuhan kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Upo" utos niya saakin pero hindi ako sumunod. Nilingon niya ako at tinignan ng masama.
*Lunok*
Umupo nalang ako gaya ng sabi niya.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sakaniya. Hindi ko kasi gets,bakit niya ako hinila dito at iniwan yung haliparot na feeling anghel sa loob pero meron sa parte saakin na masaya ako. He chooses me against that demon with angelic face.
Hindi siya nagsalita at hinubad yung hoodie niya at pinasuot saakin. Hindi na ako umangal dahil ang pangit ng tingin niya. Nakasweater pa pala siya. Siraulo. Edi ang anit ng suot niya kanina.
"Next time,wag kang magdadamit ng ganiyan. You're giving me a hard time" sabi naman niya saakin. Tumango nalang ako.
Namuno ang katahimikan saamin. Nakatingin lang din ako sa malayo,gaya niya. Wala akong maisip na sabihin,basta ang alam ko lang. Gusto ko siyang kasama.
"sino ba kasing nagsabi sayo na magdamit ng ganiyan" inis na sabi niya pa. Umirap nalang ako.
"Hinila mo ba ako dito para sermonan ng dahil sa suot ko?" tanong ko sakaniya. Umiling naman siya.
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Teen FictionThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020