Chapter 23

4 0 0
                                    

iba ata ang epekto ng gamot sa hospital kay Dan. Pinapabilis niya ang tibok ng puso ko. Nawala tuloy bigla yung inis ko sakaniya nung kay Angel. Akalain mo yun? kasali sa theater si Angel. Tsk. Siya pala yung dinadalaw dun. Kaya pala Artista daw.

Kaya pala andaming tao dun at kadalasan lalaki. Puro naman babae ang nandito sa basketball.

*prtttttttt*

nagwhistle na yung referee hudyat na magsisimula na ang laro.

~•~••~•~•~•~

*buzzzzzzzzzzzzzz*

nagbuzzer na and napatalon kaming lahat dahil sa resulta. Isa nalang,finals na. Nanalo ang team ng school namin. halata sa mukha ng lahat na masaya sila. Binuhat ng mga members si Dann at hinagis sa ere. Tuloy tuloy lang nilang ginawa yun hanggang sa pati ang mga fans ay nakapalibot na sakaniya.

Masaya silang nakikihalubilo sa fans. Samantalang kami nila Max ay nasa bench lang kasi masyadong maraming tao. Mahirap makipagsiksikan.

*after 20 minutes*

Palakad na ang mga players palapit saamin. Umalis na rin ang mga fans. Masyado silang masaya. Mamaya nalaglag sila sa finals. wag naman sana.

Nang makalapit na sila ay pinaupo namin silang lahat. Kumuha ng mga pamunas nila at Binigyan sila ng tubig.

"after a month gaganapin ang semi so may oras pa kayo." sabi naman ni Coach.

"congratulations sainyong lahat." sabi ni Coach at umalis na. Hindi ko alam pero sa palagay ko,yung coach nilang yun,yun yung tipo ng taong ayaw pinapakita yung tunay na nararamdaman niya.

"dalawang laro nalang. National na!" sabi naman ni Xai. natawa naman ang mga players pero tahimik si Nico,Mark at Dan. Mukhang seryoso sila.

"malayo pa tayo sa nationals." sabi naman ni Dan na nakaagaw ng attention nilang lahat.

"bkt? madali nalang yu----"

"hindi yun madali Xai. Ang kalaban niyo sa Semi Finals ay ang White Knights,isa sa malaking school ang may hawak sakanila at ilang beses na silang pumunta ng national." sabi naman ni Shami.

*lunok*

ganoon sila kagaling? Hindi pa nakaapak ang school namin sa nationals.

"bago palang kasi kayo sa Team kaya hindi niyo alam." sabi naman ni Mark at napakagat ng labi. Parang may naalala sila dahil sa mga mukha nila.

"Walang talo ang team natin last year. Sunod sunod na panalo. Pero nakalaban namin sila nong finals. Sila ang unang tumalo saamin. At hindi namin yun makakalimutan." sabi naman ni Nico.

Mapait silang napangiting tatlo.

"madudumi silang maglaro." nasabi naman ng isang kasama pa nila. Si Caleb ata to. Magkamukha sila ni Lee.

nagtataka naman na napatingin sakanila ang ibang players.

"kalaban namin sila Last year. Kami ang starting players pero agad din akong natanggal sa laro" sabi naman ni Kit at napangiti ng mapait. "dahil sa injury." sabi niya.

Mukhang kailangan nilang mag-ingat next game pero may isang buwan pa naman sila.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

TAPOS NA ANG SPORTS FEST. and itutuloy na ang semi finals ng lahat ng laro,after a month. Dapat once lang matalo ang isang team every game. Pag natalo ng pangalawa pa. tanggal na sila sa competition.

Hindi na dito sa school namin gaganapin so Baka may klase kami that time.

"Nica" napalunok nalang ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahan dahan kong nilingon yung taong nasa likod ko.

"oh? B-Bakit?" nauutal na tanong ko. I pressed my lips together. Hindi ko alam kung mukha pa akong timang dito or what.

"Hindi mo na ako kinausap after the game ah?" sabi naman ni Dan. Napabuntong hininga nalang ako. Kailan ba ako lulubayan ng lalaking to?

"ah eh. Wala naman akong sasabihin" sabi ko nalang at tumingin sa taas na parang may iniisip ako. Awkward.

Napalaki ang mata ko ng Higitin niya ang baba ko at pilit na iniharap sakaniya. Nagkatitigan ang mga mata namin at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Napalunok nalang ako ng di oras. 

"wala ba talaga?" tanong niya habang nakatingin sa mata ko.

tugdug.

*lunok*

bumilis ba ang tibok ng puso ko?. Anong meron?. Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko.

gulat akong napatingin sa taong umakbay saakin at bahagyang inilayo si Dan.

"Distansya ng konti pre" Sinamaan naman ng tingin ni Dan si Mark pero nginitian lang ni Mark si Dan.

Sa wakas nakahinga din ako ng maayos. Salamat kay Mark nakaligtas ako sa mga titig ni Dan.

"btw,punta kaming mall bukas. Sama kayo?" tanong naman ni Mark saamin. Tinignan ko naman siya ng nagtataka. Parang nagets naman niya ang ibig kong sabihin.  "celebration kasi nakapasok kami sa semi finals. Kasama din si Shami at Max pati na si Nico." sabi ni Mark. Napatango nalang ako.

kung kasama sila,hindi na ako tatanggi.

"ikaw?" tanong naman ni Mark  kay Dan. Tumingin naman saakin si Dan na parang humihingi ng approval. Tumingin nalang ako sa taas na parang wala akong nakita.

Bat naman siya hihingi ng permission saakin. tsk.

"kung sasama si Nica,sasama ako" sabi naman ni Dan. Napatingin nalang ako sakaniya at nilakihan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinansin at tumingin sa malayo.

"bakit?" tanong ko naman sakaniya.

tinignan naman niya ako ng nakataas ang isang kilay. Inirapan ko lang siya at nilakihan ng mata.

"its obvious" sabi niya at iniwas ang mata niya saakin. Inirapan ko naman siya.

"anong obvious? D palang deretsu-----"

"I want to spend more time with you"

agad akong natahimik sa sinabi niya.

Hindi pala ako nag aassume.yun yung nasa isip ko kanina pero ayaw ko lang sabihin kasi baka mali. Masakit mag assume.

Tumikhim naman si Mark.

"a-ah. baka nakalimutan niyong meron ako dito?baka lang naman." sabi naman ni Mark at tinignan niya kaming dalawa ni Dan ng salitan. Saakin dumapo ang mata niya.

"alis na ako,Punta ka ha" sabi niya lang at umalis na.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N.

Hi. so ayun. Short update muna tayo. 😇 Medyo bored ang Quarantine eh no?Konti nalang,makakalaya na tayo hahaha. STAY SAFE EVERYONE!

NO HATE,SPREAD LOVE <3

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now