"At sinong nagsabi?" sumbat naman saakin ni Shami. "Hiniram ko kotse mo sa mommy mo. And binigay na rin niya yung keys" sabi niya kaya napairap nalang ako.
"Hindi ba natin isasama si Lian? wala rin naman siyang ginagawa" sabi ni Max saakin. Napaisip naman ako. Oo nga no?.
pumunta kami sa kwarto ni Lian.
"Lian. Sama ka?" tanong ko sakaniya. Nakita ko siyang nakaupo sa kama niya. Tinignan naman niya ako.
"H-hindi na. Victory party niyo diba? H-hindi na" sabi niya naman saakin. May something sa mata niya na dahilan ng pagsara ko ng pinto niya. Parang may hindi maganda sa mata niya.
May nakikita akong mali. Umiling iling nalang ako. Napaparanoid lang siguro ako.
"hindi daw siya sasama" sabi ko kay Shami. Tumango naman siya. agad kaming pumunta sa garahe.
"Ikaw magmamaneho?" tanong ko kay Shami. Tumawa naman siya at umiling.
"madidisgrasiya tayo,pag ako" sabi naman niya. Tama nga naman. "Si Max,magmamaneho" sabi niya naman. Napatango ako.
Ngayon ko lang ilalabas tong sasakyan. Hindi kasi nagagamit. Hindi naman ako madalas lumabas na nakasasakyan.
~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bumaba na kami sa sasakyan at pinapark itong sasakyan sa Guard. Nang mapark na ay ibinalik niya saamin ang susi. Agad naman kaming nagpasamalat.
Nandito kami sa labas ng bar na binayaran ng team. Taga school lang ang pwedeng pumasok or yung mga studyante lang na related sa event na to.
Binigay namin yung id namin sa guard at agad naman kaming pinapasok. Pagpasok namin ay crowded na. Ang daming tao.
Accidenteng naibagsak ni Shami yung pagsara ng pinto kaya napalingon saamin yung mga tao.
*Lunok*
Napayuko nalang ako sa hiya puta.
"Dun tayo" sabi ni Shami at itinuro ang dulong table. Hindi ko manlang makita kung sinong tao dun. Sana all matangkad.
Sumunod lang kami ni Max kay Shami. Panay ang tingin saamin ng mga tao. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa titig nila.
Papalapit na kami sa table at nahagip ng mata ko sila Dan. Napangiti nalang ako. Pero nawala yung ngiti sa labi ko ng makita ko yung katabi niya. Anong ginagagawa ni Angel dito?. Tsk.
Umalis ako sa likod ni Shami at tumabi kay Shami na naglakad. Ayokong mahiya ngayon. Pati si Max ay ganoon ang ginawa. Ganito ang posisyon namin. Si Max tapos gitna si Shami tapos ako.
Napatingin saamin lahat ng nasa table na yun. Ngumiti si Angel saakin at sinuri pa ako,pataas pababa. Napairap nalang ako.
Tumayo si Angel at pumunta sa harap ko. Tumingin naman ako sakaniya. Para akong nakatingin sa nuno ah. Maliit na ako pero mas maliit pa siya.
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Novela JuvenilThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020