Chapter 31

3 0 0
                                    

Napatingin ako kay Max at Mark na kanina pa magkatabi at parang may pinag-uusapan. Na oop tuloy ako. Nag-uusap kasi si Dan at Shami para sa training na gagawin tapos si Nico naman ayun! tumatakbo sa beach.

Nakakainis,sumama pa ako eh wala rin naman akong magawa.

Lumabas na muna ako dito sa room na ibinigay saamin nila Max. kasi 3 persons every room. pagpasok, wala talagang gamit. I mean merong kabinet pero paglagyan lang yun ng damit. Tapos papag kami matutulog. Kaya pala ako pinagdala ni Dan ng comforter ko.

Japanese room. Yung nakikita niyong dorm ng mga athletes sa anime? ganoon yung itsura!.

lumabas ako at nagmumuni muni. Narating ko ang gym.

totoo nga. kompleto dito.

Ang hindi ko lang alam ay ano yung pinakamalaking building na nasa likod ng mga dorm pero ayoko ng alamin.

Pumasok ako sa gym. Kita ko ang bolang nakakalat.

'hindi talaga sila marunong mag-ayos.'

Inayos ko ang mga bola. i-aayos ko na sana sa locker room ng mapatingin ako sa ring. Parang tinatawag niya ako. Hays.!

Hindi naman masamang sumubok.

Pumunta ako sa half court. Ma try nga yung ginagawa nila.

Dribble lang ako ng dribble then tumalon ako at agad na ishinoot ang bola. boom jump shot. hehehe.

"Half court? sino nagturo sayo?"

napatingin ako sa pinto. Bigla akong napalunok. First time na may makakita saaking ganito.

"ah eh. Wala." sabi ko nalang. Kung meron man,wala akong balak sabihin.

"hmm. Hindi mo first time. Impossible na makashoot ka ng half court kung first time mo." sabi naman niya.

"alam mo Xai? ang daldal mo." sabi ko nalang at inirapan siya.

"kaya mo ba ang full court?" tanong naman niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"oo?" sabi ko at binalik na yung bolang ginamit ko kanina. 

"pwedeng makita?" sabi niya. Napairap nalang ako at tumango. Para magtigil lang ang bunganga niya.

Napakaraming tanong. tsk.

pumwesto ako sa dulo ng court. Nakatayo ako at tinanaw ang ring. Ang layo pala neto.

huminga ako ng malalim at tumalon,deretsong shoot sa ring. Ha!sinong astig ang jump shot hahaha.

"woah~~" rinig ko mula sa pinto. Dun ko nakita sina Shami,Mark,at ang iba pang players.

"san ka natuto nun?" tanong saakin ni Mark habang papalakad na sila papalapit saamin ni Xai.

"hmm. wala. Self thought." sagot ko naman. Ibinalik ko na ang bolang ginamit ko. "mauna na ako" sabi ko at agad na lumabas ng court.

Alam ko kasi na marami silang magiging tanong.

Naglakad lakad ako ng marating ko ang building na nasa likod ng mga dorms.

Bahay pala to. Ang laki.

Pero ang creepy medj. Umalis na ako sa lugar na yun,baka isumpa ako.

Bumaba ako at narating ko ang beach.
napabuntong hininga nalang ako at naupo. Tinanaw ko ang dagat at dumadampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.

'sino kaya si Angel sa buhay ni Dan?'

'hindi ko naiintindihan pero yun ang gumugulo sa isip ko. Sumama pa pati si Liam. Bat ngayon lang siya bumalik. At mahal pa raw niya ako. Tapos tong nararamdaman ko kay Dan. Alam kong hindi to normal. Alam na alam ko!'

"ang lalim ata ng iniisip natin ah?"

napatingin ako sa nagsalita at bumulaga saakin si Nico na topless. Napalunok nalang ako. Tinanggal ko ang paningin ko sakaniya at di siya pinansin. Hindi ganoon kalakas epekto niya saakin,hindi gaya ni Dan.

naupo siya sa tabi ko.

"May napapansin ka ba kay Shamia?" tanong niya saakin. Napatingin ako sakaniya. Nakatingin lang siya sa malayo habang nakakunot. Hindi lang ba ako?

"anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Nilingon niya naman ako.

"tumahimik siya,simula nong nahospital si Dan." sabi naman niya. So hindi lang pala talaga ako ang nakapansin.

"Baka guni guni mo lang yun." sagot ko naman.

"oo nga. sana nga. At sana guni guni ko lang din na nakikita kong may nararamdaman siya para kay Dan." sabi niya na nagpatigil saakin. Nilingon ko na siya. Napatingin siya saakin at gulat na gulat din siya ng lumingon saakin.

"p-pano mo naman yan nasabi?" tanong ko.

"nakikita ko." simpleng sabi niya. Hindi na siya nagpaliwanag pa at tumayo na. "Kutob ko lang naman. Di ko naman sinabing totoo" sabi niya at bahagyang tumawa. Tumalikod na siya at kumaway habang pataas na sa hagdan.

Napatingin nalang ako sa dagat. Hmm. sana hindi naman.

hays! bat ko ba iniisip yun!

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Kainan na at halos lahat ng players ay hindi nagsasalita at halatang pagod. Ang iba ay walang ganang kumain.

"nakakapagod!" reklamo ni Nico na nasa harap ko. Kita ko namang umirap si Shami na katabi ni Nico. at sumulyap kay Dan na katabi ko.

Na o-awkward ako.

Ayaw ko mang maramdaman,yun ang nafefeel ko eh. Hindi ko naman maitago kasi nakayuko lang ako sa pagkain ko at ni isa sakanila ay hindi tinitignan.

"Dea. Sino pala nagturo sayo nung half court at whole court jump shot?" tanong saakin ni Mark na katabi ni Nico sa left side niya. Right side niya si Shami.

"hmm. wala" sabi ko naman. As usual,yun ang sinasagot ko.

"anong wala? impossible" sabi naman ni Shami. Napatingin nalang ako sakaniya at nagtama ang paningin namin. Iniiwas ko nalang ang mata ko.

"someone from my past thought me how to play that game" sabi ko naman. Parang lahat pa sila ay napatingin saakin.

"bat di ko alam yan?!" sigaw saakin ni Shami na halos mabingi ako. Napatingin ang ibang players pero agad ding balik sa pagkain.

"hindi naman kayo nagtanong" sagot ko naman. Napabuntong hininga nalang sila.

"so who's the unlucky guy?" tanong ni Dan na nagpakirot sa puso ko. Unlucky talaga? Inirapatan ko lang siya at rinig kong natawa siya.

"hindi niyo na kailangang malaman." inis na sabi ko. Binilisan ko ng kumain at agad na umalis dun kahit na hindi pa sila tapos. Nakakainis lang.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N
Hi! its been a while hakhak.
Thanks for reading and dont forget to vote!!!!! :)

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now