Chapter 50

2 0 0
                                    

"PANALO!"

"HINDI AKO MAKAPANIWALA!"

"N-NANALO T-TAYO!"

napaluhod nalang kami sa sahig. Hindi to pwede. Talo kami. Halos maiyak na kaming lahat.

"Si Nico!" Sigaw ni Max kaya napalingon kami sa court. Nakadapa siya sa ilalim ng ring.

*prttttttttttt!*

pito ng referee.

"foul! number 4 white!, CHARGING!" sabi ng referee. Nanlaki ang mata namin at napatingin sa isa't isa. "2 free throws" sabi ng ref. Nagdagdag ng 30 seconds sa oras dahil sa foul.

Tumayo si Nico. Dumudugo ang bandang ilong niya. agad namin siyang binigyan ng tissue.

"Ayos no" sabi niya at nabuhayan ang team. Last chance. Dun ko rin narealized. May pag asa pang manalo. May 30 seconds pa at dahil yun kay Nico.

"Get them team!" Sigaw ni Shami sakanila.

"Oo!" sabi ng players at agad ng pumasok sa court. Pumwesto si Nico sa Free throw line.

Unang free throw. Pasok.

Todo kagat ako sa labi ko at winiwish na manalo kami.

Huminga ng malalim si Nico bago ishoot ang bola.

nagdribble siya ng 3 beses at tumalon at inirelease ang bola. Tumama yun sa ring.

"Rebound!" sigaw ni Shami.

"Akong bahala" sabi ni Mark at nakuha nga niyaang rebound. Nagsimula na ulit ang orasan.

Humigpit ang depensa ng kalaban. Hindi alam ni Mark kung kanino niya ipapasa ang bola dahil dalawa ang nakabantay sakaniya.

Kita ko ang pagngiti ni Mark at agad na nirelease ang bola. Kanino siya nagpapasa?.

*tuek*

Pagtunog ng bola. Senyales na may nakasalo. Tumungo dun ang tingin ko. Si Xai. Libreng libre siya. Walang nakabantay. Namalayan ko nalang na nasa ere na siya at agad na ishinoot ang bola. Ngunit... Nanlaki ang mata ko ng lumitaw bigla si Liam sa harap ni Xai.

Dumampi ang isang daliri ni Liam sa bola.

parang nagslow motion ang pagrating ng bola sa ring.

3.....

Tumama ang bola sa ring.

2......

Nasa ere ang bola.

"Sige!" sigaw ni Shami na nagpabalik saakin sa huwisyo ko.

1.....

Nagdunk si Dan sa ring.

Tila bumagal pa ang paglapag niya sa court. Tahimik ang lahat at hindi makapaniwala sa nangyayare.

"P-Panalo!" naiiyak na sabi ni Shami.

*prttttttttttttttttttttttttttttttttt!*

Ayun na yung mahabang pito. Senyales na tapos na ang laro. Tumakbo lahat ng players namin sa court.

"PANALO! PANALO TAYO!" sigaw ni Gino.

"Panalo! Champion!" naiiyak na sabi ni Caleb.

"Panaloooooo!" tuwang tuwa na sabi ni Nila. Halos mapaluhod pa sila sa sobrang saya.

"Players. Line up" sabi ng referee. Nagline na sila. Tumayo din don. kasama ng players si Shami.

"THANK YOU FOR THE GOOD GAME"

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now