"anong kalokohan to?"
unti unti ng naging madilim ang lahat.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Mark's POV
dali dali kong binuhat si Dea. Tinignan ko ng masama si Kim. Nahagilap ng mata ko si Dan na nasa malapit lang din saamin. Halatang nag-aalala ang mata niya at kita ko ring nakakuyom ang kaniyang kamao. Napangiti nalang ako at agad na itinakbo si Dea sa Clinic.
Indenial King.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Angelica's POV
"Nica Alam kong mahal mo ako"
agad akong nagising. Isang Puting kwarto ang bumungad sa paningin ko. Nasa langit na ba ako?
tsk. Malabo,impyerno ako nabibilang.
"oh my ghad!gising kana!!!" masigla ngunit halatang nag-aalala na sabi ni Shami.
Tinignan ko siya at napa-irap nalang ako.
"bat andito kayong Lima?" sabi ko at tinaasan ko sila ng kilay. Completo kasi eh. Andito si Mark,Dani Boy,Nico,Max at Shami. Hindi pa naman siguro ako mamamatay diba?.
"bawal ba?" pabalang na sagot naman ni Dani Boy. Inirapan ko naman siya.
"tsk." -ako.
"by the way, Kailangan mong magpahinga dahil namamaga ang mga binti mo. Kung hindi ka ba naman tanga na hindi lumaban. Kung pinalo ka dapat sinapak mo na pabalik. Naku Naku" sabi naman ni Nico at may patango tango pang nalalaman.
"ano bang kasalanan mo?" tanong naman ni Dani boy saakin. Nag-init nanaman bigla ang ulo ko ng maalala ang mga pinagsasabi nung babae kanina.
"wala" simpleng sagot ko pero di maalis saakin na mairita.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
lalabas na ako ng Clinic at nasa tabi ko nanaman si Dani boy. Oras oras atang bumabalik sa clinic yan,matignan lang ako. Parang sira.
"pwede ba? kaya kong umuwi" inis na sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan at sinundan parin ako.
"Dea!!!!" rinig kong sigaw mula sa likod ko. Pagtingin ko ay papunta saakin ang bola ng baseball. Napapikit nalang ako.
lord help.
Rinig ko ang pagtunog ng pagtama ng Baseball na bola pero wala namang tumama saakin ah. Iminulat ko ang mata at kita ko si Dani boy na nasa harap ko na siya. Pero nakatalikod siya sakin.
Nang humarap siya ay halos magpanic ako.
DUGO!!!!!!
Ang kalma ng mukha niya pero puno ng dugo ang kalahati ng mukha niya. patuloy ang pagdaloy ng dugo mula sa noo niya.
Mukha naman siyang ok pero andaming dugo! Shocks!. Kita ang pagbaba ng dugo! hindi ko na alam ang gagawin!
"oh my ghad!!! Sorry Xailer!." sabi nung babae nanaman kanina na namalo ng paa ko. teka?Kim?
"stay away Kim." Yun lang ang sinabi ni Dani boy at halos namutla ata yung babae. Kim nanaman.? kahit kailan,Kontrabida ang Kim.
hinawakan lang ni Dani boy ung ulo niya na may dugo at hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Dali dali kong pinaandar ang motor ko at pinasakay ko na si Dani Boy. di naman siya umangal eh.
*Hospital*
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Teen FictionThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020