Max POV
"nasaan na sila? mukhang nagkahiwa-hiwalay tayo ng dahil sa dami ng tao." sabi ni Mark habang palingon lingon sa paligid.
Napabuntong hininga nalang ako at tinanggal tong headphone ko sa tenga ko. Nilagay ko na muna sa leeg ko."so pano na?" tanong ko habang nakatingin sakaniya. Parang nagulat naman siya saakin. Natahimik siya saglit at tinignan lang ako. Tinaasan ko siya ng kilay.
"ah eh sorry,parang ngayon lang kita ulit narinig magsalita eh" sabi niya saakin at nagkamot ng batok niya. Inilibot ko ang mata ko.
Asan na kaya sila?.
Matangkad naman ako kaya medyo tanaw ko ang malayo. Inilibot ko ang mata ko ng makita ko si Dea at Dan sa opposite side namin.
Tumatawa si Dan habang si Dea naman ay pikon na nangangamatis na ang mukha.
masasabi kong mukhang kailangan nila ng free time.
"plano mo to no?" tanong ko kay Mark at lumingon ako sakaniya. Nastatwa naman siya sa sinabi ko.
"h-hindi ah!" depensa naman niya. Inilingan ko lang siya ng ilang beses.
"pwede mo namang sabihin na may balak kang pagsamahin si Dan at Dea at pinagseselos mo din minsan si Dan kaya ka lumalapit kay Dea." sabi ko naman sakaniya and once again,natunganga nanaman siya saakin.
i snapped my fingers sa harap ng mukha niya. Napablink siya ng ilang beses. Gising na siya.
"Sorry,ngayon lang kasi lumampas sa 10 words ang salita mo" sabi naman niya kaya inirapan ko siya. Simula una alam ko lahat. tinatamad lang akong Magsalita.
Si Shami? Nevermind. Si Nico may gusto kay Shami. Si Dan may gusto kay Dea,si Dea may something pero hindi pa sa point na hindi niya kayang mawala si Dan.
Si Mark naman ang mukhang tulay sakanilang lahat.
"Whatever. Samahan mo akong kumain. Gutom ako" sabi ko at hinila ko siya sa isang resto. Buffalo??!!!
pumasok kami at wala naman masyadong tao kasi kung tutuusin meryenda palang pero gutom na ako.
"spicy chicken wings pls." sabi ko naman. Tinignan ko si Mark kasi hindi siya nagsasalita. Nakatingin din pala siya saakin kaya nagtama ang paningin namin. Biglang may pumitik sa dibdib ko.
"hindi moko aayain?" tanong niya naman habang nakapout. Inirapan ko naman siya.
"Kumain ka kung gusto mo. Hindi ko naman hawak badget mo." sabi ko pa sakaniya at hinintay nalang yung inorder ko..
Natawa lang siya sa sinabi ko at nag-order din ng kakainin niya.
Habang kumakain.Nakatingin ako sa labas nitong resto. Nagmumuni-muni ako. Nang mahagilap ng mata ko ang isang familliar na imahe.
Si Xai at Lian ba yun?
kinusot ko ang mata ko pero bigla silang nawala.
"bakit?" tanong saakin ni Mark.
Umiling lang ako.
Baka guniguni ko lang.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Dea's POV
Nandito na kami sa mall. Papasok na kami.
Woah!
ang daming tao! Inaabot ko Yung laylayan ng damit ni Shami pero hindi ko maabot. Tinatangay ako ng mga tao papunta sa opposite side. Hindi ko na din makita sila Max. Baka magkakasama sila.
~•~•~•~•~
Sa tinagal tagal akong tinangay ng mga tao. sa wakas! nakawala din ako sa maraming tao.
Asan na ba sila.
nililingon ko ang paligid ng makita ko si Dan na nakahawak sa phone niya at palingon lingon. Mukhang naghahanap din siya.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Ayoko siyang makasama ng dalawa lang kami no!.
dahan dahan akong paalis ng may humawak sa balikat ko.
"tatakasan mo nanaman ako" kahit hindi ko lingunin. Alam kong si Dan to.
"hindi no." yun nalang ang nasabi ko at humarap sakaniya.
"Pano ba yan? hindi ko makontact kahit na sino sakanila. Mukhang tayong dalawa lang. Parang Date nadin natin." sabi niya. Napalaki naman ang mata ko.
"papam date! Loko! Anong date ka dyan!.Tara hanapin sila!" inis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.
Alam kong pulang pula na ang mukha ko ngayon. kainis. Kahit anong isip ko kasi,pag iniisip kong dalawa lang kami ni Dan ang magkasama,mukha ngang date.
Nauna na akong naglakad sakaniya pero bigla niya akong hinila. Tinignan ko naman siya ng nagtataka.
tinali niya yung dulo ng panyo niya sa kamay niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Hinigit niya bigla yung kamay ko. Sa lakas ng paghila niya saakin,muntik na akong masubsub sa dibdib niya. Tumingala ako at nilingon siya. Ang lapit ng mukha namin. Ang lakas ng pintig ng puso ko pero tinignan ko nalang siya ng masama at lumayo ng konti.
Napailing nalang siya at tinignan yung kamay ko. Napatingin din ako dun. Itinali niya yung dulo ng Panyo sa kamay ko. Kaya bale para kaming nakatali sa isa't isa.
hindi yung kasal ang ibig kong sabihin ah. yung para kaming magkakabit. Basta ganoon!.
"bat moko tinali sayo?" inis na sabi ko sakaniya. nginisian niya lang ako at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Para d tayo magkahiwalay" sabi niya at nginisian pa ako. Tinapik niya pa ng bahagya yung kaliwa kong pisngi.
inirapan ko nalang siya.
Naglibot kami sa buong mall pero wala talaga. Hindi namin sila makita. Nakakainis naman. Asan ba nagsususuot ang mga yun!bakit kasi ang laki ng mall na to..
"kain na muna tayo,pagod na ako." sabi ko naman. Nanghihina na ang tuhod ko eh.
"saan tayo kakain?" tanong naman niya.
"jollibee nalang" sabi ko at agad na tumakbo sa jollibee. Nahila ko nalang siya kasi Nakatali siya saakin eh hahaha.
~•~•~•~•~•~~•~
Isa isa kong tinignan mga inorder ko. Wahhh ang sarap!!?
Fried chicken na double,with rice. Syempre extra rice pa! Then Ice cream! heart heart!!. Fries, cheese burger. Yeah kompleto na kasiyahan ko!!.
"Yey kain na!" excited na sabi ko.
"pft." rinig kong muntik ng matawa yung kilala ko. Tinignan ko siya ng nagtataka.
Umiling lang siya kaya di ko na siya pinansin at kumain nalang.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Naglalakad nanaman kami sa mall at kahit na anino ng apat,hindi ko mahagilap.
Hays.
"syanga pala,na approvan na ni Mom yung about sa batang gusto mong magmodeling" sabi ni Dan kaya nilingon ko siya. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol dun ah.
"a-anong sabi niya?" kinakabahan na tanong ko. Baka kasi ayaw naman talaga ng mommy niya.
"kung ikaw daw ang nagsabi ay ayos lang kasi may taste ka naman daw." sabi niya naman. Napangiti nalang ako. Nakakataba naman ng puso si Tita.
"kailan daw?" tanong ko naman sakaniya.
Lumaki bigla ang mata niya.
"ay shit! bukas na nga pala!." sabi niya. Kaya pati ako ay napalaki ang mata. Bukas? putcha!. Paano namin matuturuan or mahahanap ang batang yun!.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
A/N.
Hi!? thanks for reading! Dont forget to vote. thank you!!! <3 <3
No hate,spread Love.
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Genç KurguThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020